Chapter 4-4

4 2 0
                                    

"Ano po ang gagawin madam?" tanong ni RC ngunit bago pa makalingon si Sarah ay nagsalita na agad ito.

"Joke lang Madam, funny funny funny! very very very!" dagadag nito.

Sa Kabilang dako sa bahay nina Julie

Napansin ni Julie na parang balisa at hindi mapakali ang kanyang ina kaya tinanong niya ito.

"Nay, sorry ah pero kailangan ko tong itanong sa yo. Nag d-drugs ka ba?"

"Grabe ka naman anak! Hindi ako nag dodroga." paliwanag ni Nanay  Sonia.

"Biro lang naman yun nay, patola ka din eh. Eh bakit ba parang hindi ka mapakali dyan? Ano ba ang inisip mo? Hay  nako, kung iniisip mo ang kalagayan ko dun sa kumpanya na may ari ng Pawnshop, huwag kang mag alala, yakang yaka ko doon." wika ni Julie sabay lapit sa ina at yakap.

"Alam ko naman yun anak, Hindi kita pinalaki ng mahina. Alam kong kaya mo lahat ng hamon na binabato sayo." sagot nito sa kanyang anak habang mahigpit din na nakayakap.

Maya maya ay dumating si Jake

"Ate, diba ilang araw ka na nagtatrabaho, paano ung ihawan mo? gusto mo ako na mag manage?" wika ni Jay

"Pinagsasabi mo? diba nag aaral ka pa? Mag aral ka na muna, hayaan mo, tuwing weekend magbebenta ako ngihaw. Hali ka nga dito, yumakap ka din para one big happy family tayo dito."

Nangiting tumakbo si Jay at yumakap din sa kanyang ina at ate. Doon ay nahimasmasan si Nanay Sonia at sinabi sa sarili na hinding hindi niya ibibigay si Julie at gagawin niya ang lahat para maging buo ang kanilang munting pamilya.

Kinabukasan 

Sa Apartment ni Ken

Patuloy sa paghahanap ng trabaho si Ken. Ilang kumpanya na ang inapplyan niya ngunit kapag nalaman na siya ay isang Lopez ay nirereject ito or minsan naman ay overqualified siya sa inaaplyan niya. Paubos na ang kanyang pag asa hanggang sa naisip niya si Jake. Nahihiya man ay tinawagan niya ito.

-click-

"Hello, Jake? Sorry to disturb you but, I need your help."

Ilang oras after nilang mag usap sa telepono ay nagkita sila sa isang kainan.

"Hey! Sorry kung biglaan, kakapalan ko na ang mukha ko." wika ni Ken na may pagaalinlangan

"Hmm.. Ano ba yun?" tanong ni Jake sa kanya

"I need a job. can you help me? ilang companies na kasi ang inaplyan ko and most of them nirereject ako kapag nalaman nila na isa akong Lopez. Others, tinatanggihan din ako kasi overqualified and some, sobrang baba ng  sweldo. Baka may alam ka na pwede ko applyan."

"Wait, may tatawagan lang ako, for sure makakatulong to sa problema mo." pangiting wika ni Jake

Kinuha ni Jake ang kanyang cellphone at tinawagan ni RC. Sinabi nito na may kaibigan siya na naghahanap ng trabaho. 

"Text me his  name and I'll update you for the status." sagot ni RC sa kanya.

"Thanks RC, lakas ko talaga sayo!" pangiting sabi ni Jake

"Hoy! Huwag ka nang lumandi baka bugbugin ako ng jowa mo, saka pag nanganak yun kunin nyo akong ninang ah!" sagot ni RC sa kanya.

"Hahaha! Oo naman, Ikaw pa, btw, text ko sa yo ang name, later!" ani Jake

"Who's that person?" tanong ni Ken

"A friend of mine, actually his.. i mean, she is the one na makakatulong sa atin. Dont worry, naibigay ko na ang name mo, for sure  bukas pag gising mo, may work ka na." - Jake

He's my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon