Dali daling bumalik si Ken prisinto at sumama naman si Jake sa kanya. Pagdating doon ay agad niyang hinanap ang pulis na kausap nila kanina. Nakita niya na kahiga si Julie sa sofa ng police station tulog at nakanganga ito. Lumuhod si Ken malapit sa kanya at tinignan ng malapitan. Biglang dumilat si Julie at nagulat ito na malapit na ang mukha ni Ken sa kanyang mukha. kinagat niya ang kanyang labi at dahan dahang umurong.
"Julie... Im sorry" wika ni Ken
Nagtaka naman si Julie sa sinabi ni Ken sa kanya. "Sorry san? bakit ka pa bumalik dito?"
Napansin ni Julie na nasa likod lang si Jake.
Kinawayan siya ni Jake.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang matanda sa kanyang selda. Nag explain si Ken at humingi siya ng patawad sa matanda.
"Im sorry po talaga Lolo... Its all my fault... Im deeply sorry for everything i have done....." ani Ken
Andami ng sinabi si Ken ngunit walang sagot ang matanda sa kanya. "Lolo, please say anything..! Please forgive me...."
Ano ba ang sinasabi ng binatang ito? Ako ba kinakausap niya?" tanong ng matanda kay Julie
Nagtinginan silang tatlo at ngumiti. Muling lumapit si Ken kay Julie at humingi ng pahumanhin sa kanyang inasal.
"Im so sorry Julie. I didnt mean to.." wika ni Ken pero pinahinto siya ni Julie
"Ok na ung sorry, no need for explanation, ok?" wika ni Julie
"Im sorry." muling wika ni Ken
"Ok na nga. Tara na, hatid na natin si Lolo" wika ni Julie habang pababa sa hagdan.
"Sorry" muling wika ni Ken ng pabulong
Lumingon si Julie "Sige isa ka pa, sisipain talaga kita. Kulit" wika ni Julie
Tinignan sila ni Jake
"Mag Jowa ba kayo? demm!" pang aasar ni Jake
Naunang pumasok si Jake sa sasakyan at bago ito tuluyang pumasok ay tinitigan niya muli ang dalawa sabay ngiti.
Binuksan ni Julie ang Pinto sa likod at doon sila sumakay ni Lolo Ambo. Sa harap naman sumakay si Ken
"Wait, diba na sa iyo na wallet mo?" tanong ni Julie kay Ken
"Yes, why?"
"Manlibre ka naman diyan. Saka ung utang mo sakin remember?" pang aasar ni Julie
"Ok po" masungit na sagot ni Ken pero maya maya ay ngumiti din ito
"Lets go!" wika ni Jake sabay paandar ng sasakyan
Nagtagal ng maghapon ang ginawa nila hanggang sa inabutan na sila ng gabi.
Si Ken na ang nag maneho ng sasakyan habang si Jake ay naka tulog na sa likod. Maging si Julie ay naka tulog na din sa front seat.
Biglang nag throw back si Ken at naalala niya ang unang tagpo nila ni Julie. Pangiti ngiti ito habang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi niya napansin na nagising si Julie
"Oh bat ka nakangiti mag isa diyan? Nako malala na iyan.." pang aasar ni Julie
"Its none of your business." sagot ni Ken habang naka poker face
"None of my business daw." mataray naman na sagot ni Julie
"Hays, dahil sa nangyari, hindi ako nakapag tinda ngayong araw." wika ni Julie na may dismaya sa mukha.
"Do you have a boyfriend?" tanong ni Ken sa kanya
Nagulat naman si Julie.
"Huy teka lang ka, bat natanong mo naman yan? ni re-revise lang tong series natin ah. malayo pa sa exciting part." sagot ni Julie
"What?" pagtatakang tanong ni Ken
"Chapter two palang to, saka alam mo naman na 2015 ito sinulat. 2025 na ngayon. hiwalay na halos lahat ng mga mag jowang artista. Si Nadine at James, matagal ng hiwalay. Pero tayo sa series na to, nanatiling mag kasama. Sana hindi na lang to matapos." sagot ni Julie sa kanya.
"I did't get you. Im just asking if may boyfriend ka na.?" wika ni Ken
"Wala po.. Ok na? mag drive ka na lang. Focus, ok?" sagot ni Julie
Nang sumunod na araw, maagang nagising si Julie. Agad siyang bumangon at gumawa ng gawaing bahay. Tumulong siya sa kanyang ina sa paglalaba ng kanilang mga damit habang si Jay naman ang nag iigib ng kanilang tubig na ginagamit.
Sa bahay naman ni Ken.
Bumaba si Ken mula sa kanyang kwarto na naka pajama lang.
"Wala po ba kayong pasok sir?" tanong ng kanyang Maid
"Mamaya na po ako papasok, Ready na po ba ang breakfast ate?"
"Naka handa na po yung pagkain niyo" ani Ate May
Agad na pumunta si Ken sa kanilang dining area at kumain. Habang kumakain ay may natanggap siyang isang text mula sa opisina. Nag text ang kanyang secretary na mag reresign ito dahil uuwi na siya sa kanilang probinsya.
Agad siyang tinawagan ni Ken.
"Hello po sir Ken?"
"Yes miss Janice, Bakit ka ba mag reresign, pwede ka namang mag leave lang?" tanong at mungkahi ni Ken sa kanyang sekretarya.
"Sir, sorry po talaga, urgent po kasi. Family matters po" sagot ni Janice
"Pwede ko bang malaman? I know its private part of your life.... pero may i know the reason why?"
"Paano kasi sir, pinapauwi na ako sa amin sa probinsya ng nanay ko. Wala na kasi siyang... "
"Sure ka na ba sa plan mo na mag reresign ka na..?" muling tanong nito sa kanyang sekretarya.
Nalungkot si Ken kasi matagal ng nagtatrabaho si Janice sa kanilang kumpanya ngunit bigla naman itong ngumiti at may naisip na idea.
Sa bahay nina Julie
"Talaga Bes!!" sigaw ni Julie
"Oo!! Magbihis ka na diyan at hinihintay ka ni miss Donna dito sa Restaurant!! Dalian mo baka mag bago ang isip nun!"
"Oh sige!! Wait lang ! Paki sabi wait!! Teka natataranta ako! Sige BFF, Bes!! Bye!!!" - Julie
"Oh Ate! Easy lang! Parang di ka mapakali dyan!!" tanong ni Jay
"Babalik na kasi ako sa trabaho!! Ang saya!"
Biglang pumasok ang kanyang ina para magtanong din
"Oh anak! Abot kabilang barangay sang tuwa mo ah!!"
"Eh kasi nay, pinapabalik na ako sa trabaho! Kahit alam ko na pagmamayari yun nag Lalaking Kutis Labanos at pinaglihi sa Glutha ehh, ok na rin.. Pag titiisan ko na lang ang mokong na yun. Sige inay! Maliligo muna ako!"
Mabilis na dumating sa Resto si Julie at pag pasok nito ay sinalubong agad siya ni Karen. Maya maya ay lumabas sa opisina si Donna. Niyaya niya si Julie sa loob ng opisina at nagulat siya nang makita si Ken sa loob ng opisina.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito kay Ken
"Wala na ba akong karapatan bisitahin ang resto ko?" pangiting sagot ni Ken sa kanya
"Well anyway Julie, Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit ka nandito?" masayang wika ni Donna
"Yes po maam.. Binalita na po sa akin ni Karen.. Babalik na daw po ako dito!" wika ni Julie
"Fake news yata ang balitang nasagap mo..." pangaasar ni Ken
"Ah miss Julie, its true na magkakatrabaho ka na pero hindi dito.." pangiting wika ni Donna
Ano kaya ang ibig sabihin ni Miss Donna sa sinabi niya at bakit parang ngiting ngiti si Ken sa mga nangyayari???
TBC
BINABASA MO ANG
He's my Boss
RomanceDesperada na si Julie na makahanap ng trabaho kaya lahat ng pwedeng pasukin ay pinasok na niya hanggang sa isang araw, nakilala niya si Ken, ang tagapag mana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa.. Kakayanin kaya ni Julie ang ugali ni Ken? (Slow updat...
