Chapter 2 Part 2

89 3 0
                                    

Mabilis na nag "U turn" si Jake ng kanyang sasakyan kasabay nito ang pagtataka ni Ken.

"Hey.. Teka.. San tayo pupunta?" tanong ni Ken

''Ibabalik natin ang wallet niya. Remembered ko pa naman ung place na hinatiran ko sa kanya'' ani Jake.

''Wait, naguguluhan ako... Sino ba yang si Julie?''

''Nakalimutan m0 na ung pinatanggal mo sa trabaho?'' wika ni Jake habang nakangiti.

Matagal nag isip si Ken sa sinabi ng kaibigan niya. "Im sorry but, hindi ko yata maalala ang mukha niya."

Natawa na lamang si Jake sa sinabi ng kanyang kaibigan. 

Curiosity ang umiral sa utak ni Ken kaya bigla niyang binuksan ang wallet at doon ay nakita niya ang passport picture ni Julie. Matagal niya itong tinitigan hanggang sa naalala niya ang babae na na meet niya sa daan.

"Wait.... I think i know her. Ito yung na meet ko nung papunta ako sa restaurant..." 

"Small world aahh.." dagdag pa ni Jake.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa pinag babaan ni Jake kay Julie. Binaba nito ang wind shield ng kanyang sasakyan at nagtanong sa isang lalaking naka upo sa waiting shed.

"Kuya, may nakatira ba dito na Julie ang pangalan?" tanong ni Jake

"Sinong Julie? Madaming Julie dito eh... Julie's Bakeshop, Julie Ace, meron ding Julie Bee... (toink.. hahahaha)

"Hay si Kuya, nag joke pa...."

Muling kinuha ni Ken ang picture at ipinakita sa lalake. "Here... Do you know her?" tanong ni Ken

"Ahhhh.... Si Julie" wika ng lalake

"Yes, Julie.. Do you know her?" muling tanong ni Ken

"Oo... kilala ko siya. Pumasok kayo dyan sa kaliwa tapos pagdating sa dulo, may makikita kayong tindahan, hindi sa kanila yun. Bali liliko kayo sa kanan at pagdating niyo sa pulang gate, hindi pa yun. Lalagpasan niyo yun mga limang bahay katabi ng isa pang tindahan na may puno ng mangga."

"Bahay na nila yun?" tanong ni Jake

"Ah.. Hindi pa.. Bahay yun ng crush ko..."

(TOINK)

"Eh kuya.. bakit doon naman tayo na punta?" wika ni Jake

"Pasensya na... Na excite lang.. hehehehehe"

Sa di kalayuan ay makikita si Karen na naka tambay sa isang tindahan habang umiinon ng softdrinks. patingin tingin ito sa paligid hanggang sa natanaw niya ang sasakyan ni Jake. Nagulat ito ng biglang lumabas si Ken sa sasakyan.

"Oh my.... Si sir Ken!!! Ano gagawin ko?" tarantang wika ni Karen.

Balik sa dalawang binata..

"San ka pupunta?" tanong ni Jake sa kaibigan.

"May tatawagan lang ako.. Ang hirap ng signal dito.."

"Naku sir.. Mahina talaga ung signal dito.." dagdag pa ng lalake

"May landline ba dito?"

Tinuro ng lalaki ang tindahan kung saan naroroon si Karen.

"Thanks"

Muling nataranta si Karen ng nakikita niyang papalapit si Ken sa tindahan. Mabilis niyang hinila ang dyaryong binabasa ng pedicab driver at itinakip niya sa kanyang mukha.

"Hi ate, do you have a landline here?"

Agad namang binigay ng babae ang telepono kay Ken. Pasilip silip si Karen habang nag dadial si Ken. Napanasin naman siya ni Ken kaya tinignan niya ito. Unti unting tumayo si Karen at dahan-dahan na humakbang. Papalampas na siya ng bigla siyang tinawag ni Ken.

"Hey!... do i know you?"

Napahinto si Karen..... "Ha? (Pano ba to? nakakahiya naman makikita ako ni Sir Ken)"

"Can you please turn around?"

Umikot naman si Karen at humarap sa kanya..

"Lower that news paper...."

"Oh em.... ano gagawin ko?" wika ni Karen

Biglang lumapit ang pedicab driver at hinila ang dyaryo.. "Akin na nga yan! Nakakaloka ka!"

"Hi sir...!" bati ni Karen

Nagtaka naman si Ken sa bati ni Karen... "So kilala mo pala ako. Hi.."

Dala ng sasakyan ay lumapit din si Jake. "Tara! hanapin na lang natin yung bahay niya.. Sira ulo yata yung napag tanungan natin."

Napatingin si Jake kay Karen. "Teka.. para yatang kilala kita..?" 

"Wow.. madami ka yatang kilalang babae.. Hahaha.. tsk... You! Nagtatago ka na sa akin aah..!" pang aasar ni Ken

"Loko!"

Nahulog ang picture ni Julie sa bulsa ni Ken ng dinukot nito ang phone niya. Nakita ito ni Karen.

"Si BFF to ahh... Bakit nasa inyo sir?" taong nito.

"Oh.. dumikit yata sa phone ko.. You know her?" 

"Yes!! I know her! Pero bakit na sa iyo ang picture ni Julie?" tanong nito..

"Naiwan yan ni Julie ng hinatid ko siya pauwi.. Nandito kami para ibalik sana ung wallet niya." sagot ni Jake.

"Sige.. Samahan ko na kayo.." anyaya ni Karen sa dalawa..

Sumang ayon naman si Jake kaya pinasakay niya si Karen. "Diretso lang tayo.."

Ilang saglit pa ay nakarating na sila.

"Dito na lang tayo... hindi na pwedeng pumasok ang sasakyan niyo.." wika ni Karen

Agad namang pinahinto ni Jake ang sasakyan at lumabas. 

"Maglalakad lang tayo ng kaunti.. Tara.." wika ni Julie

Sa kabilang dako.

"Naku Jay! Maligo ka na! Amoy araw ka na!!" sigaw ni Julie habang natatawa at nag pupunas ng pawis

"Eh ate, Di ka pa nga tapos mag linis! baka kelanganin mo pa tulong ko..!" sagot ni Jay sabay pakita ng muscle.

"Naku! Sinasabi ko sayo! Maligo ka na! Saka dalian mo! Utusan kitang bumili ng miryenda..!" 

Agad tumakbo si Jay papasok ng bahay habang patuloy sa pag walis ni Julie ng bakuran. Sa di kalayuan ay makikitang naglalakad sina Karen, kasunod nito si Jake at si Ken. 

Patuloy lamang si Julie sa kanyang ginagawa at habang nag wawalis ito ay sinasabayan niya ng sayaw gawa na naka headset ito..

Papalapit na sina Karen.. "BFF!!!" sigaw nito sa kaibigan

Patuloy lamang sa kasasayaw si Julie habang pinapanood siya ng tatlo. 

(I will Survive dance production) 

(After ng Dance Prod)

Nagpalakpakan ang tatlo sa kanilang nakitang dance production. Napalingon naman si Julie sa kanila.

"Uma Aura ang BFF ko... Anung paandar yan?"

Nagulat na lamang si Julie nang nakita niya si Jake at Ken. "Bakit sila nandito?" tanong ni Julie

"Hi Julie... Remember me?" wika ni Jake sabay kaway

"Renz Verano?" sagot ni Julie


He's my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon