"Wait lang po ma'am hindi ko maintindihan eh.." pagtataka ni Julie
"You're going to work with me" wika ni Ken
"Ano? Anong work with me ang pinagsasabi mo? Saka bakit with you! Dito ka na rin ba sa resto?" - Julie
"Meron kaming empleyado na nag resign sa office.. And I see na fit ka sa work na iniwan ng empleyadong iyon" ani Ken
"Wait lang, hindi ako mentally prepared sa narinig ko. Ako, magtatrabaho sa kumpanya mo?" muling wika ni Julie
"Ayaw mo ata, ok lang magpapahanap na lang kami ng ibang papalit.." sagot ni Ken sabay tayo mula sa kina uupuan ngunit ilang sandali lang ay pinigilan siya ni Julie para lumabas.
"Teka lang, ito naman. Nag iisip pa nga ako eh." tugon ni Julie habang hawak sa braso si Ken.
"Ehem" - Donna
Sabay silang tumingin kay Donna
Sa tambayan
"Yun na nga BFF! Doon daw ako mag tatrabaho sa kumpanya nila! Ipapalit ako dun sa nag resign! Malamang yung nagresign na yun, d nakaya ugali ng taong yun" asar na wika ni Julie
"Eh bff.. Diba kailangan mo ng trabaho ngayon! Saka na muna yang ganyan ganyan mo! Kailangan praktikal tayo sa mga panahong ito! Diba!" wika ni Karen
"Sa bagay, may point ka.. Ang galing! minsan talaga may naiisip ka ding maganda eh!" natatawang banat ni Julie sa kaibigan
"Ah ganun! Ang galing.. eh kung batukan kaya kita sa eyelids!" natatawang sagot ni Karen sa kaibigan..
"Di ba nga, laban lang.. Walang susuko.. keri natin to bff!" dagdag pa ni Karen
Kinabukasan, Dumating sa kompanya si Julie.
"Good morning ma'am!" bati ng gwardya sa kanya
"Ay good morning din po kuya, San po yung office ni Mr. Lopez?" tanong ni Julie
"Ah si Sir Ken po? Doon po sa 40th floor yung opisina niya." sagot ng gwardya
"Sige po kuya.. Salamat"
Agad pumasok sa gusali si Julie, Napakalawak ng lugar at napakanda. Sumakay siya sa Elevator hanggang makarating ng 40th floor.
"Naku, sa laki ng lugar na ito.. Malamang maliligaw ka dito" bulong niya sa sarili.
"Ang gaganda naman ng mga nandito!!" dag dag pa niya
Biglang may sumalubong na babae sa kanya..
"Maliban lang sa kanya" bulong nito sa sarili.
"May sinasabi ka?" tanong ng babae
"Ah, wala naman po. Sya nga po pala, nandito po si Ken?" - Julie
"Aba!!!!!! For your information, SIR LOPEZ ang itawag mo sa boss natin! Oh my! Feeling close ka kagad? Kaloka ka naman!!" wika ng Babae
"Ay, Sorry po. Nasanay lang kasi ako." pangiting wika ni Julie
"Ow." sagot ng babae sabay bulong kay Julie na "Wala akong pakialam."
Biglang dumating si Jake at nakita si Julie.
"Oh! Julie! Andito ka? May kailangan ka? Anyway Martha iwan mo na si Julie, ako na ang bahala dito"
Tumaas naman ng kilay si Martha saka umalis at bumalik sa kanyang table. Bago umupo ay nagpakita pa siya ng sigh kay Julie na ang ibig sabihin ay "I can see you"
"Ok lang ba ang babaeng yun? Ang saman na nga ng mukha, ang sama pa ng ugali ah!" ani Julie kay Jake
"Huwag mo na pansinin yan! Ganyan yan sa lahat ng empleyado dito maliban kay Ken" paliwanag ni Jake sa kanya
BINABASA MO ANG
He's my Boss
RomanceDesperada na si Julie na makahanap ng trabaho kaya lahat ng pwedeng pasukin ay pinasok na niya hanggang sa isang araw, nakilala niya si Ken, ang tagapag mana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa.. Kakayanin kaya ni Julie ang ugali ni Ken? (Slow updat...
