"Ha".. pagtataka ni Jake
"ah. Oo, kilala kita. Ikaw si Jake.. Pero teka, bakit kasama niyo siya?" wika ni Julie sabay silip kay Ken.
"Bff, sinama ko sila dito." Dag dag pa ni Karen
"We are here to return this to you.."
Agad lumapit si Julie kay Ken at inabot ang wallet.. "Salamat ah..."
Nagtinginan silang dalawa. Tinginana na parang nag uusap ang kanilang mga mata. Sa mga oras na iyon ay nakaramdam ng kilig si Ken.
"Ah, yung wallet.." bigkas ni Julie habang hinihila ang pitaka sa kamay ng binata.
'Oh.. im sorry.. Here.."
Napansin ni Jake ang picture sa kabilang kamay ni Ken. "Ken, yung picture."
Nagulat si Ken nang napansin niya ang picture sa kabila kabilang kamay niya. Agad niya itong inabot kay Julie.
"You.. your picture".
Agad hinablot ni Julie sa kamay ni Ken ang picture niya.
Sa kabilang dako. Si Jay, tumatakbo na may hawak na putik sa kamay. "Ate!!! Fire in the Hole!! Tinapon niya ang putik. Lumingon si Julie at yumuko.
*BLAG*
"Holy $#!+!!" wika ni Ken ng natamaan siya ng putik sa damit.
"Jay!!" Sigaw ni Julie Habang nakatingin sa kapatid
"Sorry po" wika ni Jay
"Halika nga dito!"
"Wait. No... Huwag mo ng pagalitan ang kapatid mo.. It's ok.." wika ni Ken habang tinatanggal ang putik sa damit.
"Naku sorry ha.. Pano ba to.." tarantang wika ni Julie.
"May damit ako dun sa sasakyan. Kukunin ko lang" mabilis na tugon ni Jake.
"Sasamahan na kita"
Agad na umalis si Jake at Karen pabalik sa sasakyan.
"Tara dito sa likod may tubig doon. Para malinis mo yang putik sa damit mo" paanyaya ni Julie kay Ken.
Sumunod si Ken sa kanya.
"Sige. Iwan muna kita dito. Kukuha ng ako ng pamunas mo.." ani Julie
"Thanks" sagot ni Ken habang nakangiti
Pumasok si Julie at kumuha ng pamunas. Nadatnan niyang nakaupo si Jay.
"Ikaw talaga! Di ka nagiingat..! wika ni Julie sa kapatid.
"Sorry na ate. Di ko naman yun sinasadya. Kasalanan mo kasi yumuko ka.." palusot ni Jay.
"Ah ganun!!"
Nag habulan silang dalawa.
-Sa kabilang dako-
Sa likod ay sinimulan ni Ken na mag linis ng sarili. Hinubad niya ang kanyang damit at hinagis sa sampayan. Naghilamos ito at binasa ang buhok.
"Naku.. Humanda ka talaga sa akin Jay!" wika ni Julie habang naglalakad patungo sa likod ng kanilang bahay.
"Heto na pa la yung....... Pa...mu...nas"
Natameme si Julie nang nakita niya si Ken na walang damit. Napatingin ito sa dibdib ng binata pababa sa abs nito hanggang sa pusod. Napakagat labi ito.
"Yan ba yung pamunas?" tanong ni Ken
Walang imik si Julie at patuloy ito sa kakatitig sa katawan ng binata. Nagtaka naman si Ken kaya tinignan niya ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
He's my Boss
RomanceDesperada na si Julie na makahanap ng trabaho kaya lahat ng pwedeng pasukin ay pinasok na niya hanggang sa isang araw, nakilala niya si Ken, ang tagapag mana ng pinakamalaking kumpanya sa bansa.. Kakayanin kaya ni Julie ang ugali ni Ken? (Slow updat...