Chapter 3 part 2

18 2 0
                                        

Muling bumalik sa taas sina Ken kasama si ang kanyang lolo at Jenny. Pumasok sila sa opisina at doon ay nag meeting sila. 

"Narinig ko lahat kay Jenny. How are you coping up? May mga ginagawa ka bang paraan para makuha ang pirma ng mga Go or are you just playing around?" wika ng lolo nito.

"I did everything but in this case, may iba nang nakakuha ng deal na iyon." sagot ni Ken

"You did everything.. Are you hearing yourself?" muling wika ng lolo nito

"As far as i know, yes lolo, I did everything."

Biglang sumagot si Jenny

"Why don't we get married? for sure, hindi mo na kailangan ng pirma of my Lolo in every deal." pangiting wika ni Jenny

Napatingin si Ken sa kanya

"Thats a great idea Jenny. We need to plan the engagement soon." pangiting wika ng lolo ni Ken

"Wait. Hindi niyo ba ako tatanungin if papayag ako?"

"You said you did everything but you failed. This time, I am taking actions sa kapalpakan mo. You must marry Jenny or else."

"Or else what lolo?"

"I'm just making a suggestion, mukhang ayaw naman ni Ken, so it's ok." wika naman ni Jenny

Kinagabihan

Sa bahay nina Julie

Kakauwi lang niya at nadatnan niya ang kanyang ina na natutulog sa sala. Siguradong nakatulog na ito sa paghihintay. Dahan dahan niyang ginising ang kanyang ina.

"Oh anak, andyan ka na?" wika ng kanyang ina habang nag kukusot ng mata

"Picture lang to nay! Joke lang.. Opo, kakauwi ko lang. Heto medyo pagoda ang beauty.." sagot ni Julie sa ina

"Hali ka na at ipag hahain kita!"

"Naku nay ako na po.. Keri ko na sarili ko.. Saka magpahinga na po kayo.. Alam ko na napagod ka din dito sa bahay eh.." - Julie

"Sige anak, papasok na lang ako sa kwarto.. Yung pagkain andun lang sa ref.." wika ng kanyang ina habang naglalakad papasok ng kwarto

"Nay, wala tayong ref!" pahabol ni Julie

"Si nanay talaga, gabi na eh humirit pa.. Sa bagay humirit din naman ako.." pangiting wika nito sa sarili "Mag ina nga kami" pahabol nito

Pagkatapos kumain ay nagpahinga ito ng kaunti bago mag half bath.

Sa kanyang kwarto habang nag susuklay ito ng kanyang buhok ay naalala niya ang babaeng si Jenny. Yun kasi ang nakaalitan niya sa restaurant. 

"Akala ko talaga wala na yung babaeng mukhang sanlaan sa dami ng alahas sa katawan. Buhay pa pala yun! Naku.. Ano ka ba naman Julie! Umayos ka nga.. Kaya ka napapahamak dahil sa nga pinag iisip mo eh!" wika nito sa sarili

Nang sumunod na araw, Pumunta si Julie sa resto dahil may pinapakuhang mga papers si Ken. Nagkita naman sila doon ng kaibigan niyang si Karen.

"BFF! Kamusta ka na!? Ok ka lang ba dun sa opisina nila? Pasensya ka na kung hindi ako nakaka punta sa bahay niyo ah.." wika ni Karen habang hawak ang kamay ni Julie

Napansin naman siya ni Donna kaya agad siyang tinawag

"Wait lang BFF ah, punta muna ako sa opisina ni Maam Donna, Usap tayo mamaya!! wait lang! ^_^" 

Pumasok si Julie sa opisina at ibinigay naman sa kanya ang mga papeles na kinakailangan ni Ken.

"Maam, Mukhang malungkot ka ah? Ok lang po kayo?" tanong ni Julie sa dating amo

He's my BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon