Chapter 5 : Reasons of Goodbye

191 5 1
                                    

Jerrick’s POV:

Anong gagawin ko ngayon? Kamusta na kaya si Say? Umiiyak na naman kaya siya?

Ayoko nang makita siyang umiiyak! Hindi ko na kaya. Kailangan ko siyang damayan kahit alam kong galit na galit pa siya sakin. Pupuntahan ko siya.

*flashback

" Daddy si Aron!" sigaw ni Mommy kay Daddy habang ako ay nagulat dahil nanunuod ako ng TV.Pawisan si Mommy at hindi siya mapakali, I want to ask why and what's wrong, pero bata pa ko. They will just lie. Kasalanan yun kaya mas minarapat ko na lang na hindi magtanong at nakiramdam na lang ako sa mga nangyayare kesa sila pa ang magkasala diba.

I was only 10 years old during those times

"Jerrick, Anak may pupuntahan lang kami ni Daddy hah, dito ka muna. "  Mommy said with a trembling voice while holding my shoulders.

Never pumayag si Mommy na maiwan ako mag-isa sa  bahay, but that day, handa nya akong pabayaan mag-isa sa bahay namin .

"I will come Mommy" I said while looking in her eyes. 

I can see the disappointment that appeared. Halatang ayaw nya akong isama.

"But baby, this is for your own good. Im sorry, Babalik din kami ni  Daddy wag kang aalis dito sa bahay hah." She said pleadingly. 

"Where's kuya? maiiwan akong mag-isa dito? saan po ba kau pupunta?" I asked

"Pupuntahan namin si kuya at aasikasuhin ." she said and then she kissed me on my cheeks and went out of the house.

Im very curious, Hindi ako mapakali. May nangyare ba kay Kuya? Bakit ganun na lang kabalisa si Mommy? Hindi ako matahimik ng mga imagination ko .Gusto kong sumama.

I tried to find the keys and found it on the drawer of my parents .Kumuha din ako sa ipon ko ng 500 pesos.I locked the door and maked sure na secured ang bahay namin I saw Daddy's car paliko na sa ibang direction.Pumara ako ng Taxi at sinabi sa Driver na sundan ung kotse. Humarurot ang Taxi at nakapunta ako sa prisinto kung saan bumaba din sina Mommy .I paid the driver and went out of the taxi

Nagtago ako, pumasok sina Mommy sa loob ng police station. I followed them while hiding. I saw my brother Aron.Duguan siya at nanlilisik ang mga mata nya. May nakita rin akong isang babae at isang lalaki. Yung isang lalaki medyo kasing tanda ni Daddy.

I hid there and tried to listen to their conservations.

" Mam, Nakadrugs po ang anak nyo" one of the police said.

"Muntik na niyang patayin ang anak ko !"  sigaw nung isang babae.

"Ipapakulong ko ang walanghiyang lalaki na ito!" sigaw nung lalaki at akmang susuntukin si kuya pero naawat nung isang police.

" Duwag ang anak nyo ayaw lumaban ! HAHAHAHAHA" sigaw ni kuya na para siyang baliw at talagang may tangkang pumatay ng tao.

"Ano bang nangyayari sayo anak!! Bat kaba nagkakaganan!?" Sigaw ni Mommy na nanginginig ang boses at napaiyak siya.

"Wala ma, Wag nyo kong pansinin. TUTAL wala naman akong kwenta!" Sigaw ni Kuya sa Harap ni Mommy .

Daddy punched him. Napatingin si kuya na nanglilisik ang mga mata.

"Tinatakwil na kita bilang AMA!" Sagot ni Kuya at dumura ng dugo .

Gusto ko ng umiyak noon, pero hindi pwede dahil baka makita nila ako. Ansakit ng dibdib ko sa mga naririnig ko .

" ipaparehab ko siya, " Daddy said to the police men.

" Ano ko tanga? Hindi ako papayag sa mga gusto nyo ! Dahil WALA NA KAYONG KARAPATAN SA AKIN BILANG ANAK NYO!"  sabi ni Kuya ng dahan dahan pero mariin ang bawat salita na kanyang sinasabi.

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon