Say's POV:
"Say , anak gising!" sigaw ni Mama sakin. Napabalikwas ako ng bangon dahil late na ako! Ngayon na ung Contest ngaun pa ako nalate! Naalala ko na hindi nga pala ako nakapag-alarm.
"Mama Late na ako!" at tumalon ako ng kama. Nagpunta sa banyo at nagtoothbrush. Lumabas ng banyo at kumuha ng towel
"Say , mamaya---" Sabi ni Mama pero sinabat ko na agad siya.
"Mama!. Tawagan mo na ung si Ate Zely at nang mamakeupan na ako ng ayos. " sabi ko naman.
"Say , hindi pa nga---" hindi na naman nakatapos sa pagsasalita si Mama.
"Mama!. mamaya ka na manermon jan!! Kaylangan 6 asa skul na ako!" at tumakbo na ako sa banyo at mabilis na nagshower. Nagshampoo at nagsabon .
Agad din akong nagsuot ng undies at sinuot ang bathrob ko. Lumabas ako ng banyo at wala na si Mama sa kwarto ko. Kinuha ko ang suklay at lumabas ng kwarto. Bumaba sa Sala namin at nagulat ako ng makita ko si Che.
"Che?" pagulat kong tanong.
"Bakit ka naligo!? gabi na ahh!" sigaw ni Che sakin ng nakitang nakabathrob ako. Napatingin ako sa orasan namin
9 : 18 PM
"MAMA!!!" sigaw ko kay Mama.
"Hindi ko kasalanan yan, sinasabihan kita pero hindi mo ko pinapakinggan . Sige maiwan ko muna kaung dalawa" at nagpunta si Mama sa kusina.
Napatingin naman ako kay Che na malungkot ang matang nakatingin din sakin. Hindi siya umiimik at hindi din ako umiimik. Hindi ako nakatingin sa kanya at patuloy ko lang sinusuklayan ang buhok ko .
"Say," mahinahong sabi niya sakin. Hindi ko pa rin siya tintingnan. Hindi pa ako handang kausapin siya. Paulit-ulit kasi sa isip ko ang sinabi niya sakin. "You look so pathetic" Ansakit parin talaga para sakin nun . Na kinaawaan ako.
"Best Im sorry........alam mo naman na ginawa ko lang un para sayo eh , ....para matauhan ka .....ayokong masaktan ka ulit. Kaya.... ko nasabi un kasi...... para sayo din kay--" hindi siya nakatapos sa sasabihin niya dahil sinabat ko na siya.
"Alam mo Che , paano kita papatawarin kung pinagtatanggol mo pa din ang sarili mo!? Kung para sakin un , bakit mas nasaktan ako? Tsaka pwede mo namang sabihin ng maayos diba?" sunod sunod kong sambit sa kanya habang namumuo ang luha sa mga mata ko. Hindi pa ako handa ngaun . Hindi pa ako handang harapin siya.
"Say.." she said with a trembling voice habang pinipigilan din ang mga luha sa mata niya.
"Not now Che, Sorry" at tumalikod ako .
"Im Sorry" sambit niya at narinig ko sa boses niya na umiiyak na siya.
Tumuloy na din ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Tumakbo ako sa taas kung nasaan ang kwarto ko at hindi pinahalata na umiiyak ako. Nilock ko ang pinto ng kwarto at dumapa sa kama. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at sumigaw.
BINABASA MO ANG
Last Cry ( Under Editing )
RomanceMay pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na hindi na mababago. Minsan akala natin may babalikan tayo, pero paano kung ung mga tao na yon ay napagod na sa kakaintindi sayo? Mababalik mo pa ba ang dating kayo? Kaya ingatan nyo ang yung mga na...