Chapter 40 : Preparation

50 1 3
                                    

Tristan's POV:

" Ganito ang gawin mo, kaylangan mo siyang palitan ng damit."

"Lintek naman ohh! Ngayon ka pa magpapakipot!? Kailangan niya ng babae ngayon! Pagbigyan mo na! Kailangan niya ng magpapaligaya sa kanya!"

"Nag-inom yan dahil sa problema. May masakit siyang nakita. Pawiin mo ang sakit na naramdaman niya."

Paulit-ulit sa isip ko ang pinakatangang birong sinabi ko. Fuck it! Hindi ko naman akalaing sineryoso niya. Badtrip naman ohh. Naghahanap na nga ako ng babaeng maikakama ni Hans, kung hindi lang sana dumating si Jessica. Ang dami naman kasing hindi na virgin sa HD Bar eh, bakit kailangan si Jessica pa ang gawing pampalipas oras ni Hans.

"MORON!" I shouted to myself. Nahampas ko ang manibela ng kotse ko and started the car. That was the most stupid thing I've done. Tapos ngayon ako pa yung may ganang pagslitan si Jessica sa ginawa niya. Ang tanga ko lang eh, utos ko yun.

Naalala ko na naman yung paghalik ko sa kanya. Hindi niya alam kung gaano ko katagal pinangarap na gawin yun. Ngayon ko pa ginawa kung kelan may kasalanan ako sa kanya. Tss.. Masyado akong nagmamadali, hindi pa niya dapat malaman ang pagtingin ko sa kanya.

*flashback*

" Jessica, nasan ka? Andaya mo naman eh, hindi ka na yata nagtatago? Umuwi ka na?" Tanong ng limang taon pa lamang na si Tristan habang naghahanap sa ilalim ng kama sa kwarto ni Silver.

Si Jessica naman ay nakasilip sa likod ng pintuan ng kwarto. "Haha.. hindi niya ko makita." Bulong niya sa sarili.

Napagod na si Tristan sa kahahanap kaya napagpasyahan niya na lumabas na ng kwarto. Nang malapit na siya sa may pinto ay naghanda na din si Jessica na gulatin ang kalaro , pero muli itong lumingon sa likod. Nagbabakasakali siya na lalabas na ang kalaro sa kanyang tinataguan.

"Wala naman ako dyan eh." Bulong ulit ni Jessica sa sarili.

"Ha? Sino ka!?" Gulat na tanong ni Tristan ng marinig ang maliit na tinig ni Jessica. Takot na takot ito dahil inaakala niya na multo ang umimik. Si Jessica naman ay  hindi  malaman kung paano pipigili ang tawa. Dahil sa takot ni Tristan ay dali-dali na siyang lumabas.

"Boo!" sigaw ni Jessica kay Tristan bago pa man ito makalabas. Naitulak naman ni Tristan ang kalaro dahil sa gulat. Walang humpay ang tawa ni Jessica habang nakaupo sa sahig samantalang napakamot naman ng ulo ang nakakunot na si Tristan.

*end of flashback*

"How I missed those times," bulong ko sa sarili at niliko ang kotse sa may Teril Avenue. Kahit na ayaw ko, may session pa ko and it's already paid. Tss.. Just enjoy the night.

Dumating na ako sa condo ng babaeng nagbayad ng isang session ngayon. Gusto daw niya ng ka-one night stand ngayon. Matagal na tong nakareserve kaya kahit labag sa loob ko pinuntahan ko na.

The place seems familiar, parang nakarating na ako dito. Kumatok ako sa pinto at kaagad naman akong pinagbuksan.

"Kelly!?" gulat kong bungad sa kanya ng makita ko.

"Do you miss me, Trist?" malambing niyang sambit at agad na hinigit ang ulo ko palapit sa kanya. Hinalikan niya ako ng madiin at mabilis ring tinanggal to. Nilock niya ang pinto at humarap sakin.

Ang tanga ko lang para hindi maalala na ito ang bahay ng ex ko.

"Tara sa kwarto, wag mong sayangin ang bayad ko. "mataray niyang sambit at nalakad papunta sa kwarto.

"Masyadong maaga pa para may mangyari kaagad satin. We should wait for the night." sagot ko at umupo sa sofa niya. Binuksan ko ang TV at nilipat ang channel. Sino na nga ba ang naglalaban ngayon sa NBA?

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon