Author's Note:
Ayyiiieeh! Dedicated po ito kay @KelseySalvatore. Salamat naman po sa pagvote niya Every Chaps. YAAAYY!. magpluplug din ako. Basahin nyo po ang story niya My unexpected Love at So This is Love. THANKS PO!!. ^__^
------------
Say's POV:
Sana naman sa ginawa ko kay Jerrick ay tantanan na nya ako. Sana naman ay hindi na siya lumapit at matuhan na siya! Ansama-sama niya talaga!.
May gana pa siyang manuntok ? Sino ba kasi ang may kasalanan kung bakit ko siya iniwan!? Siya din naman!
"Nakapagdesisyon na ako" ani ko kay Che habang nagkakape kami.
"Ano ang desisyon mo?" takang tanong naman ni Che.
"Sasagutin ko na si Hans" mahina kong sagot.
Gusto ko si Hans . Pero ayoko pa din naman siyang sagutin kasi kailan lang kami nagkakilala. Pero, gusto ko ng tigilan ako ni Jerrick. Nadadamay din si Hans sa mga kalokohan ni Jerrick.
Gusto ko ng lumaya sa kanya... sa nakaraan, sa sakit na naidulot niya . Ayoko ng balikan pa ang nakaraan dahil matagal na akong nakamove-on. Matagal ko na iyong binaon sa limot. At hinding hindi ko na kakayanin pang masaktan muli.
"Agad?" pang-aasar ni Che sakin. Tama... Agad! Kailangan ko tong gawin.
"I need to protect Hans." I proclaimed.
"Protect Hans? Say naman , natural lang yun na magkaaway sila , maganda ka eh " she said. tiningnan ko siya with full curiousity.
"Is that an insult or a compliment?" I asked and then drink my cofee again.
"Haha, that's true Say , ikaw lang naman ang di nakakaappreciate ng beauty mo, They like you cause you're pretty, you're smart, you're kind and definitely not fake. Kaya wag ka ng magtaka kung maghabol ulit si Jerrick sayo at kung mag-away sila ni Hans" tuloy tuloy niyang sinasabi.
"Di ko talaga alam kung nagsisinungaling ka" at mahinang napatawa ako.
"Im not lying!" she shouted and paused for a second.
"But the fact na sasagutin mo agad si Hans? No way, Say. Di mo kaylangang magmadali" now she's in serious mood.
"Bakit? Masama ba yun? Gusto ko lang naman kasing makalaya kay Jerrick. Gusto kong tigilan na nya ako sa panggugulo niya. Ayoko ng masaktan, Che" sagot ko naman sa kanya. She looked at me for about a minute without saying anything. Then she started speaking again .
"Look ,Say. What if hindi pa rin siya tumigil? Diba sabi niya sayo hindi siya titigil at kukunin ka niya. Sabi pa niya , papabayaan ka lang daw nya kapag hindi kay Hans. " she said.
"Yup , ano bang pinupunto mo ? Diretsyahin mo na nga kasi ako"
"Best , I love you at ayokong masaktan ka ulit" Now what?
"Ano ba kasi yun, Che!?" napalakas na ang boses ko dahil naguguluhan na ako sa mga gustong sabihin ni Che.
"Ano ,kasi . Ayoko ng masaktan ka ulit . Kaya inobserbahan ko si Hans . Nagtaka kasi ako sa sinabi ni Jerrick na wag lang kay Hans at kung hindi si Hans ay papabayaan ka na niya.What's with Hans? At hindi ka niya kayang ipagkaubaya kay Hans?"
"Naman Che, naninira lang yun, bitter eh" Wow! Ang yabang ko na yata .Noon pa naman sinabi ko na sa sarili ko na pagsisisihan ni Jerrick na iniwan nya ako.
" You know what , maraming bad background si Hans" Nagulat ako sa sinabi ni Che. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Kung kay Jerrick nanggaling ay hindi ko papansinin pero sa bestfriend ko mismo nanggaling? I know hindi nagsisinungaling si Che this time. Seryoso siya sa mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Last Cry ( Under Editing )
RomanceMay pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na hindi na mababago. Minsan akala natin may babalikan tayo, pero paano kung ung mga tao na yon ay napagod na sa kakaintindi sayo? Mababalik mo pa ba ang dating kayo? Kaya ingatan nyo ang yung mga na...