"Say," mahinahong sabi ni Che
"Nakakahiya Che," tugon ko naman. Nasa likod ko na pala si Che, nagpunta pa talaga siya dito sa bahay.
"Bakit ka umuwi!? Cutting yan diba, tara na ulit pumasok" sabi ni Che habang hinihila ang braso ko. Nandito nga pala ako sa kwarto ko. Sabi ko na lang kay Ma na nahihilo ako kaya ako umuwi.
"Eh ikaw bakit mo ko sinundan dito? Diba nagcutting ka din" sabi ko kay Che at bigla na lang syang napangiti.
"Edi parehas tayong cutting, lagi naman kitang kasama sa kalokohan eh. Anyway, anong plano mo?" tanong nya sakin at tinigil ang paghila sa braso ko. Umupo siya sa kama katabi ko habang ako ay yakap yakap ang dalawang binti ko .
Plano ko? HAHAHAHA... Wala
Alangan namang labanan ko ang Jen na yun? Sa yaman ba naman nun at sa maldita, WALA akong binatbat dun noh? At si Hans? Si Hans? Paano si Hans? Gusto ko na ba si Hans? NAMAN! Y_Y
"Che, paano ba malaman kung gusto mo na ang isang tao?" tanong ko kay Che, agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Para namang wala ka pang nagugustuhan para di mo malaman yan!?" sabi ni Che sa akin. Oo nga noh. Pero, gusto ko na kaya si Hans?
"Anong ibig sabihin kapag nakikita mo sya tumitibok ang puso mo?" tanong ko .
"Huh? Ibig sabihin nun mahal mo na yun! Hindi na lang yun gusto! HAHA" abat tinawanan ako. MAHAL!? LOL!
"MAHAL AGAD?! Imposible naman na mahal ko na agad si Hans noh tsaka never ko yun naramdaman kay Jerrick eh si Jerrick minahal ko!" Nung marealize ko kung ano yung sinabi ko, agad kong tinakluban ang bibig ko .
"BOOM! hahahaha si Hans pala hah, Go! Labanan natin si Jen na yan! Mahal mo si Hans Say kaya ganan ang nararamdaman mo. Wag mong sayangin yan, minsan lang yan." sagot nya at hinampas hampas pa ako.
"Hala... wala naman kasi akong magagawa kay Jen eh. Una madami ung alagad, pangalawa ----" hindi ko naituloy dahil sumabat si Che.
"Not to worry my dear bestfriend, ikaw ang may pinakamagandang alagad !" at inilipad nya ang buhok nya gamit ang kamay nya.
"Alam mo pakisara ng bintana. ANG HANGIN!" pakutya kong sagot sa kanya.
"Aminin! Dami nahuhumaling at nagkakandarapa dyan!"at inilapat ang kamay nya sa ilalim ng baba nya .Nilamutak ko ang mukha nya.
"Araaaay! Ano ba?" Nakakatawa si Che, ang cute nga naman ng bestfriend ko, parang bata.
"Tara na ngang pumasok. " at hinila ko na patayo ng kama.
Sinuot ko na ang sapatos ko ulit at humarap sa salamin . Inayos ang buhok at agad na akong nagpulbo.Palabas na kami ng kwarto ng biglang...
BINABASA MO ANG
Last Cry ( Under Editing )
RomanceMay pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na hindi na mababago. Minsan akala natin may babalikan tayo, pero paano kung ung mga tao na yon ay napagod na sa kakaintindi sayo? Mababalik mo pa ba ang dating kayo? Kaya ingatan nyo ang yung mga na...