Chapter 12 : Blindness of my friend

155 5 6
                                    

 Cheska's POV:

"Che, si Say sinagot na si Hans" sabi sakin ni Emil.

Sinagot na pala ni Say si Hans. Bakit ba hindi siya nakikinig? Bakit ba hindi niya paniwalaan ang sinasabi ko? Ano na ba ako sa kanya? Hindi na niya pinapansin ang mga payo ko. Nagbago na si Say.

"Ahh, paano Emil?" tanong ko sa kabilang linya.

"Niyaya ako ni Jerrick sa Rob , pinapunta daw siya ni Hans. Nagpropose si Hans sa madaming tao. Sinagot din siya ni Say nung mismong araw na yun" sagot naman ni Emil na agad kong kinagulat.

"Ibig sabihin nandun si Jerrick nung sinagot ni Say si Hans?!" pagulat kong sagot.

"Oo, naglasing na naman si Jerrick. Sinabi mo ba kay Say ang nalalaman mo Cheska?" tanong muli ni Emil sakin

"Sinabi ko Emil , Hindi ko alam kung bakit di niya ako magawang paniwalaan . Hindi siya nakikinig Emil. Parang hindi na niya ako kaibigan" sagot ko na parang nanghihina ang boses . Pinipilit ko ding pigilan ang luha sa mga mata ko . 

Para sa kanya rin naman kaya ko nasabi ang mga un. Para din hindi siya masaktan at matauhan na siya. Pero hindi niya naiintindihan yun! Alam ko namang nasaktan siya sa sinabi ko, pero nasaktan din ako ng sigawan niya ako. Kulang na lang kasi sampalin niya ko! Pero naiintindihan ko siya.

Naguguluhan siya sa ngayon at kailangan nya ako.

"Sayang, Cheska. Sayang ang pagmamahal ni Jerrick"

"Sayang!? Bakit sinayang din naman niya ang pagmamahal ni Say diba? Sa totoo lang wala akong kinakampihan sa dalawang yan . Dahil parehas silang hindi deserving!" sigaw ko kay Emil . Hindi ko na din makontrol ang emosyon ko dahil ayaw na ayaw kong nasasaktan si Say. Bestfriend ko siya . Mahal ko siya.

"Hindi niya sinasadya Cheska! Hindi nyo alam ang pinagdaanan ni Jerrick" Hindi sinasadya?Pinagdaanan?

Naalala ko sa mga kwento ni Say sakin laging may hindi maituloy sabihin si Jerrick. Mga bagay na hindi maintindihan ni Say .Pero hindi na niya pinapakinggan pa dahil para kay Say , isa lamang itong kasinungalingan. Para lang mapagtakpan ni Jerrick ang ginawa niya .

"What do you mean Emil? Ano ba ang napagdaanan ni Jerrick?"I curiously asked.

" I promised na hindi ko sasabihin sa kahit sino. Pasensya na . "

"Binibitin mo naman ako eh!" sigaw ko kay Emil.

"Hehe, Sinabi ko lang ung balita at sa pinagdaanan ni Jerrick, labas na tayo dun. So , kamusta ka na?" he said with a sweet voice. I really love the way he's making his tune sweet. Nawawala ang problema ko .

"Baliw, Im fine. Ikaw?"

"Not okay." he answered

"Bakit naman?" pagtataka kong tanong.

"Wala ka kasi dito" Naku nabanat!

"So highschool, Emil! Ang corny mo. " I said at tumawa ng mahina.

"Kaw talaga. Wait, tawag lang ako ni Dad." he said.

"Sige, tawag ka na lang ulit hah" I sweetly answered.

"Sure, I love you" he answered.

"Sige , babye." then I ended the call. Sa totoo lang gusto ko na rin siyang sabihan ng I love you too. Pero hindi ko magawa. Hindi pa kasi kami. T__T Ayaw din ni Say na sagutin ko si Emil, baka daw kagaya pa siya ni Jerrick?

Bakit si Say sinunod ko , kasi I know concern siya sakin. Bakit ako, hindi niya kayang sundin? Para sa kanya din naman to eh at totoo ang sinasabi ko .

Nakita ng dalawang mata ko. Kung pwede nga lang sugudin ko na si Hans noon. Hindi naiintindihan ni Say.

-----------

"Che saan ka pupunta?" tanong sakin ni Say ng pinipilit ko siyang takasan nung umiwan .

"Ahh, CR lang sana." palusot ko naman .

"Bat di mo sabihin? Tara." at pumunta siya malapit sakin.

"Ahh, hindi na . Masakit kasi ang tyan ko alam mo na. Una ka na." sagot ko naman sa kanya.

"Sure ka? Eh bat di pa sa bahay nyo na lang?" tanong nya ulit sakin na parang nang-aasar.

"Ano kasii ... Ahhhmmm, di ko na kasi mapigilan . Sige na ingat ka best." at tumakbo ako papunta sa CR.

"Goodluck!!!" sigaw niya sakin.

Pumasok ako sa Cr at sinilip kung nakalayo na siya ng nakalayo na siya ay agad akong lumabas at nagpunta sa dating building ng Bs Math.at nagbabakasakali na makita ko si Hans. Nakarinig ako ng ingay malapit sa Athletic Room. Sumandal ako sa isang halige at pinakinggan ang mga nag-uusap.

"Nasan si Elizer?!" sigaw ng isang lalaki.

"Boss, wala may session yun ngayon." sagot naman nung isa.

"Ganung katagal!? Nasaan!?" sigaw ulit nung tinatawag na Boss.

"Ahh nasa room 204 daw po siya ngayon." mahinahong sagot naman nung isa.

"Che!?" pabulong na sigaw ni Jessica. Nakita pala ako ni Jessica. Lumapit ako sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Hinila ko siya palayo ng lugar at nagtago.

"Ssssshhh" pananaway ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dun!? May meeting yung mga yun!" sagot niya sakin.

"Ano ba kasi yun!? Nacurious lang ako."

"Kissing Maines ang tawag sa kanila . Sila ung secret pero lantad na group . They're selling their kisses" sagot ni Jessica na kinagulat ko.

"Selling their kisses?!" pagulat kong tanong

"Oo , yun daw kasi ung ginagawa nila eh . Babayadan . Kung gusto mo ng boyfriend , try mo magapply dun  kaylangan mo lang ng 10k per month na boyfriend mo ang isa dun. Tapos kapag isa dun ay boyfriend mo, youre safe" at ngumiti siya sakin.

"Paano mo nalaman?" tanong ko ulit kay Jessica.

"Sssshhh, nagapply ksi ako. Crush na crush ko kasi ung isa sa kanila. Isa pa kasama ang kuya ko dyan!" at ngumiti siya na parang kinikilig.

Si Jessica ung babaeng walang bestfriend at nagpupumilit na sumama samin ni Say. Pero tinanggihan namin siya kasi ang arte lang talaga niya. Mayaman kasi.

"Yuck Jessica, youre wasting money" I said at lumayo na sa kanya,

"No , Its for fun. " sagot niya.

"Dont tell them you saw me." at tuluyan na akong umalis. Naghanap ako ng room na 204 at nakita ko to sa dulo ng 1st floor malapit sa hagdan. Nagtago ako at sinilip sa bintana ang loob ng room. May kurtina ang bintana pero bukas ang ito. Sinilip ko ang loob ng kwarto sa pamamagitan ng pag-ipod ng kurtina gamit ang aking kamay.at nakagawa ng maliit na butas para makita ang loob. 

Agad kong nakita ang lalaki at babaeng naghahalikan. Sa buhok pa lang alam ko ng si Hans yun .Tinitigan ko naman ang babae at namukhaan ko siya . Walang iba kundi si Jen .

Napataklob ako ng bibig sa nakita ko. Ibinalik ko na ang ayos ng kurtina at dahan dahang tumakbo palayo.

-------------

Naalala ko na naman ang nakita ng dalawang mata ko. Ang pagtataksil na naman sa kaibigan ko .

"Stupid girl." bulong ko sa sarili ko. Niyakap ko ang dalawang binti ko habang tinitingnan ang phone ko. Di pa rin kasi sinasagot ni Say ang mga tawag ko sa kanya. Kahit isang reply man lang sa mga text ko ay wala.

Namimiss ko na siya.

==

Avez’s Note:

WALA AKONG MASABE!~ HAHAHAHA

GODBLESS! THANKS FOR READING! :)

LoveLots-Avez <3

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon