Chapter 9 : Turning Back

153 5 6
                                    

Author's Note:

Lets give a round of applause !!! Ayiiiieeehh! Dedicated po ito kay @TheArtisan . tinulungan nya ako sa mga kamalian ko sa storyang ito! WAHAHAHA!. thanks po talaga!!. GOD BLESSS!!!! <3

ok na basa na ulii! ^___^

IM SO HAPPY! :D

--------------

"Elizer kung sa tingin mo makukuha mo siya sa kasinungalingan mo, nagkakamali ka." sabi ni Jerrick kay Hans habang iniihaharap si Hans sa kanya.

"Wala kang pakialam" and Hans smiled at him. Sumakay na ng kotse si Hans at mabilis itong pinatakbo. Bago pumasok ng kotse si Jerrick ay binalik niya ang tingin sa bahay ni Say. Nag-aalala siya kay Say, at natatakot siya sa sasabihin ni Say sa nanay nya dahil sa sinabi ni Hans. “Wag mong paninindigan ang sinabi ni Hans Say.” bulong niya sa isip niya. Matamlay na sumakay ng kotse si Jerrick at mabilis itong pinatakbo. 

Say's POV

"Bagong boyfriend?" tanong ni Mama sakin. Ayaan! Ano na’ng sasabihin ko?

"Ahh, Mama nahihilo na ako. Gutom na talaga ako!" Umupo ako at umaktong nahihilo. Hinawakan ko ang ulo ko gamit ang kanan kong kamay at sumandal sa sofa, habang pilit kong sinisilip ang magiging reaction ni Mama.

"Naku Sayana! Tigilan mo nga ako. Kumain ka na!" Waaaahhh! Sayana? Tawag niya yan sakin kapag manenermon. Naku! 

Umupo ako sa lamesa at kumain. Umupo sa tabi ko si Mama. Magtatanong na naman to sigurado! Binilisan ko ang pagkain ko para di ako makakasagot sa mga tanong nya. Si Hans naman kasi eh! Ano sasabihin ko kay Mama!? Nag-iilussion lang si Hans!? Grabe, ang ganda ko naman? T_T 

"Kayo ba ng Hans na yun!? Diba kayo pa ni Jerrick!?" sigaw na agad si Mama. Kakasimula pa lang ng sermon niya. Baka iniisip niya na playgirl ako. Inis na inis pa naman si Mama sa ganun. 

"Mwamwa yaah nyuu poko kausyapin" bulol ko sabi dahil puno ng pagkain ang bibig ko. Napailing si Mama at tinuloy ang panunuod ng Tv. YES! Ligtas! ^_^

Nang matapos na akong kumain ay agad ako pupunta sa kwarto "Opppsss, may tanong pa ko." sabi ni Mama. Di pa din pala ligtas. T_T

"Ma---" umaakto na naman ako na parang may sakit o kung ano pero hindi ko naituloy dahil sumabat na sakin si Mama. 

"Alam kong iniiwasan mo ang mga tanong ko. Mahirap  bang sagutin yung tanong ko? Wag ka ngang magsinungaling sakin, Say! Boyfriend mo ba ang Hans na yun!? " malakas ang boses ni Mama. Ayaw niya kasi ng tinatakasan ang mga tanong niya. Tumayo na siya sa kinauupuan niya at tumitig ng matalim sa mga mata ko .

"Wag kang magsinungaling, Boyfriend mo yun!?" sigaw naman ni Mama. No, ayokong magsinungaling, pero ayoko din kasing mapahiya si Hans. Ano? Anong sasabihin ko ? Yung totoo syempre! :) Alagad ako ni LORD kaya bawal ang liar. :) 

"Hindi po, Mama. Nanliligaw po," mahina kong sagot kay Mama. 

"Eh, bakit ang kapal ng muka na sabihing boyfriend mo at may paghalik pa sa pisngi mo? Diba kayo ni Jerrick ! Bakit mo pinapayagan manligaw un!?" Si Mama, di boto kay Hans?! WOW! 

"Ahh, ano po ma, wala na kami ni Jerrick… matagal na po" lakas loob kong pagamin kay Mama. 

"Bata ka talaga. Tama na nga iyang boyfriend na iyan! Walang magandang naiidudulot. Siguro niloko ka lang nun noh? Kaya ka hindi kumakain ng tino!" Luuuhhh, pansin nga ni Mama. 

"Ma, tulog na ko" tapos umakyat na ako sa kwarto ko . Pagpasok ko sa kwarto ko ay biglang nagvibrate ang phone ko 

Calling JerrickBAD!...

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon