"Best" sabi ni Che habang inaalog ako.
Umaga na pala. Hindi ko na alam kung anong oras ako natulog kagabi. After kasi ng pag-uusap namin ni Jerrick , pinaalis ko muna siya at umiyak ako ng umiyak hagang sa nakatulog na ako. Pag-iyak ang tanging paraan ko para gumaan ang loob. Ayoko ng nakikipag-away at umiiyak na lang ako. Pakiramdam ko may natatago din akong tapang, pero hindi ko iyon mailabas ngayon dahil wala akong lakas ng loob. Sino ang magkakalakas ng loob na lumaban kung ikaw mismo ang pinagtatabuyan?
Naalimpungatan ako at tumingin sa orasan na nakapatong sa drawer ko.
"Ang aga pa Che" sambit ko at muling kong itinaklob ang unan sa muka ko.
"Ang aga!? Linggo ngayon at sisimba pa tayo! Kakanta ka pa sa simbahan!" sigaw niya sakin pilit na tinatanggal ang unan na nakataklob sa muka ko. Hindi naman niya matanggal kasi dumapa ako.
"Ehh, ayoko. " sambit ko habang nakapikit. Kumalma ako at handa na muling matulog.
"Malalate tayo sa misa!!!!" sigaw na naman niya. Ansakit sa tenga ng boses ng babaeng to. GRABE!
"Naantok pa ko eh" batabataan kong sabi at hinarap siya.
Ambat bihis na! Ayos na ang buhok at may light na makeup na siya. Bat ba ang aga eh ala sais imedya pa lang naman ahh (past 6 am) . At anong sabi niya kanina sakin, na kakanta pa ako sa simbahan? Choir ba ako? Saka paano ako kakanta eh ni wala nga akong matandaan na kanta na nagustuhan ko. Pssshhh.. Ganito pala ang amnesia , parang pinanganak ka ulit kaso automatic ka ng matanda . Sana naging bata na lang ulit ako para malaman ko lahat. Siguro naman babalik din ang memorya ko? Sana, mahirap ding umasa.
"Tumayo ka na jan malalate na tayo ikaw na lang ang hindi pa nagayak" sabi niya at lumabas ng pinto.
"Malay ko ba na nagsisimba tayo tuwing linggo! Haaayysss!" paghihimutok ko at tumayo na mula sa pagkakahiga ko.
Pumasok ako ng banyo at naghilamos. Nagtoothbrush rin ako saka naligo.
Binuksan ko ang cabinet ko at Im suprised with my clothes! ANG DAMI! mayaman ba ako? HAHAHAHA. nakakatuwa ang dami kong pagpipiliian na damit.
Kinuha ko ang isang casual na green dress. Simple lang siya at may belt. May Sleeves din siya three-fourths at fitted sakin.
" Damn! Im pretty!" sambit ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin na nakakabit sa cabinet ko.
Pumunta ako sa may left side ng kama ko at nakita ko ang Shoe Rack! *O*
Ang dami kong Shoes!! Branded pa hah at iba't iba pa ang kulay!!!
I picked the pair na match sa brown na belt ng dress.
PERFECT!!!
Binuksan ko ang drawer para kumuha ng accessories kaso nakita ko ang cellphone ko.
Nagulat ako dahil sa nakita ko ang cellphone ko. Baka maalala ko na ang lahat? Baka may mabasa ako na messages ni Hans at malinawan na ang lahat ng mga tanong ko? Baka mabasa ko ang dahilan ng paghihiwalay namin?
Binuksan ko ang cellphone at nakita ko ang wallpaper nito.
Asakit naman .
Picture namin ni Hans. Ako na parang ikikiss siya at siya na parang walang alam. Ako ang kumuha ng picture. Ang sweet pala namin noon. Sana NOON na lang ang NGAYON.
Pinagmasdan ko ito at pinunasan ang screen ng cellphone ko , pero may nadali ako at lumabas ung PASSWORD.
Bigo ako! Paano ko makikita yun kung hindi ko alam ang password! ASAAAAR! bakit ko pa ba nilagyan to ng password! Inis!!!!!
BINABASA MO ANG
Last Cry ( Under Editing )
RomanceMay pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na hindi na mababago. Minsan akala natin may babalikan tayo, pero paano kung ung mga tao na yon ay napagod na sa kakaintindi sayo? Mababalik mo pa ba ang dating kayo? Kaya ingatan nyo ang yung mga na...