Author's Note:
Spell Gwapo?. J-E-R-R-I-C-K!!!. Yan po siya!. asa gilid~!. Meet Christian Jerrick Santos. :))))))))))
Thanks . at sorry sa pangaabala. :)
-------------------------
Nagtagal ang relasyon namin. Alam ko nagsisinungaling ako kay Jen, sa Sarili ko at sa ibang tao. Ang hirap kasi gusto kong kunin si Say, gusto ko siyang suyuin ,makasama, gusto ko siya ang hinaharap ko sa maraming tao habang hawak hawak ko ang kamay niya.Masakit din naman sakin na niloloko ko ang sarili ko . Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwan si Jen .
"Jerrick, ahhm ano kasi, ahhhmmm" paputol putol na sabi ni Jen.
"ano?" tanong ko sa kanya.
"Nalaman ni Dad na tayo " she said habang nakatungo.
" Eh ano naman, alam naman niya talaga diba highschool pa lang tayo" I said
"Oo nga pero, hindi siya pumayag nun, sinabi ko kay Dad break na tayo kahit hindi pa. Ahhmmm .. Pwede bang ahhmmm .." pagaalinlangan niyang sinabi.
Ayaw ng Daddy ni Jen sakin???
Ibig sabihin…
May rason na ako para makipagbreak kay Jen. May dahilan na ako para iwan siya at sundin ang kaligayahan ko. May kalayaan na ako para gawin ang gusto ko.
Pero hindi naman siya siguro magpapakamatay diba?
"Pwedeng?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Magbreak muna tayo pansamantala. Pero, ano.. Wag kang manliligaw sa iba hah please. Di ko kaya" she pleaded.
Nakikipagbreak na sya… Lalaya na ako… Pero bawal akong manligaw sa iba!?
Paano si Say? Ang tagal na…
Antagal ko na siyang gustong ligawan. Tapos ngayon hindi pa rin pwede?
"Ano ba un? Bakit makikipagbreak ka tapos babawalan mo ko?" Sagot ko.
Nagtaka ang expression ni Jen at halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"May gusto ka na bang ligawan Jerrick?" malungkot niyang sambit.
"Hindi naman sa ganon, pero hindi mo yata ako kayang ipaglaban sa Dad mo eh, Edi tapusin na lang natin to" I proudly said.
Gusto ko ng lumaya sa kasinungalingan na to.
"No Jerrick, I cant see you being with other girls, I cant" she said with a trembling voice at namumuo na ang luha sa mga mata nya.
" Hindi mo ako kayang ipaglaban, Tama na lang. Itigil na lang " I said at lumayo na sa kanya.
Ito na kasi ung pagkakataon para iwan ko siya. Ito na ung pagkakataon para ipaglaban ang gusto ko. Ito na ang panahon para makuha ko ang kaligayahan ko, Si Say. Siguro naman bayad na ako para sa 3 taon na pagtitiis kay Jen.
Hindi ako nagparamdam kay Jen at sinundan ng sinundan si Say. Bakasyon na rin kasi noon at nagplano ng reunion ang dati naming section kasama si Say syempre.Naghanda ako ng surprise, kahit kabado ako at hindi pa ako handa. Gagawin ko to para kay Say. Mahal na mahal ko siya.
Three weeks palang after the breakup kay Jen pero hindi na ako natatakot . All I want is Say. All I want is her.
Pakiramdam ko gusto rin ako ni Say, matagal na. I want her to be happy kaya niligawan ko siya.Naghanda ako ng kwintas especially made na nakacurved ung pangalan nya. Nagtapat ako sa harap ng lahat ng maraming tao at sinagot niya ako .
BINABASA MO ANG
Last Cry ( Under Editing )
RomanceMay pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na hindi na mababago. Minsan akala natin may babalikan tayo, pero paano kung ung mga tao na yon ay napagod na sa kakaintindi sayo? Mababalik mo pa ba ang dating kayo? Kaya ingatan nyo ang yung mga na...