Chapter 26 : Leaving Temporarily part 2

112 3 15
                                    

Author's POV:

Umalis na si Hans,

Iniwan na niya si Say

Ngayon mag-isa na si Say.

Pero sabi niya babalik siya.

Walang ibang nasa isip si Say kung hindi ang hintayin si Hans.

Hihintayin niya si Hans dahil nangako ito.

Wala mang sapat na dahilan ang pag-alis nito.

Basta maghihintay ang dalaga.

Tumakbo papasok ng loob ng bahay si Say at umakyat sa kwarto, 

Nagkatinginan lamang ang tatlo na nakatayo malapit sa pinto. 

"Kayong dalawa, may pag-uusapan tayo" sambit ni Che at pumunta sa kusina. 

Pumasok si Say ng kwarto at nilock ito.

Pumunta si Say sa may bubong at niyakap ang dalawang binti nito.

Mag-iisip siya,

Iisipin niya ang mga nangyayare

Pinipilit niyang alalahanin ang mga nangyayare.

Naisubsob niya ang mata niya sa kanyang dalawang braso.

Cheska's POV:

"Anong pag-uusapan?" -Jerrick.

Umupo sila ni Emil sa tapat ko.

Sasabihin ko na ang naiisip kong paraan.

Alam kong mahirap kay Say.

At mahirap din samin.

Tatawagin natin tong

WHITE LIES..

"Sabihin na natin kay Say." sambit ko habang nakatingin sa kanila.

"Paano natin ipapaliwanag sa kanya?" - Emil

"Masasaktan na naman siya." - Jerrick

"Bakit ba kasi nakipagbreak si HANS?!" sigaw ko.

Ano na naman kasing palabas ang gagawin ni Hans!?

Para saan na naman kasi un!?

Alam kaya niya na may Amnesia na si Say?

Walang umiimik parehas silang napaisip.

"Alam ba ni Hans na may amnesia si Say? Siguro hindi dahil kilala siya ni Say."

"Parang alam niya. " sambit ni Jerrick.

Alam ni HAns?!

Paano niya malalaman ? Wala siyang malay nung sinabi un ng Doctor.

"Paano natin sasabihin kay Say?"- Jerrick.

"Listen, sa totoo lang naiinis na ako kay Hans!"

"Hindi natin siya naiintindihan." pagtatanggol ni Jerrick

"Kung ano ano kasing ginagawa niya!!!" sigaw ko naman.

Naiinis na kasi ako!!

Lagi na lang niyang sinasaktan si Say!

At may Amnesia ngayon ang kaibigan ko.

DAHIL SA KANYA.

"Mahal ba talaga ni Hans si Say? Diba yung-- Habol----" hindi naituloy ni Emil ang sasabihin niya dahil sumigaw si Jerrick.

"Nagbago na ang kapatid ko! Mahal niya si Say!"

"wag ka nga sumigaw!" - ako

"Sumisigaw ka rin!" - Jerrick

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon