Say's POV:
Teka! Paano na to!? Anong sasabihin ko sa nanay ni Che!?
WAAAAAAAAAAAHHHH!!
"Bakit!?" nabasa ko sa bibig ni Jerrick. Siguro napansin niya kung gaano ako kabalisa. Hindi ako makasagot sa tanong ng mami ni Che. Ano!? Sasabihin ko ba na nawawala si Che!? Sasabihin ko ba na nakidnap si Che ng isang kidnapper na kilala nina Jerrick!? Sasabihin ko ba na kinidnap si Che ng lalaking nagngangalang Silv na kilala din ako!? Huwaaaaaaaahh!!!
Siguro nga dapat kong sabihin!? Para maligtas yung kaibigan ko at maparusahan sa kulungan ang kung sino mang kumuha kay Che.
Pero sabi nung kidnapper ibabalik daw niya si Che!
Pero, bakit ba ako magtitiwala sa kidnapper na yun!? Hindi ko nga yun kilala eh! Pero pamilyar naman yun! Bakit kasi ganun!?
Ano na sasabihin ko!?
Sasabihin ko na talaga sa mami ni Che na nakidnap siya, para mabigyan siya ng hustisya! Para magsisi ang mga gumawa nito kay Che!!
"Say! Bakit hindi ka nasagot!? Nasan si Che!? May nangyari bang masama!?"
Natigil ang pag-iisip ko ng sumigaw sa kabilang linya ang Mami ni Che. Halatang halata ang galit sa boses niya pati na rin ang pag-aalala sa anak niya.
"Jerrick!" napatingin ako kung saan nanggaling ang boses.
Si Emil! Pumasok siya sa gate at buhat buhat niya si Che. Duguan ito at walang malay. Ang kaibigan ko!
Sa sobrang gulat ko ay hindi ko na naman napansin na may kausap pa nga pala ako sa telepono. sumigaw ulit ito sakin, kakaiba na ang tensyon sa boses niya.
"SINO YUN!? NASAN SI CHE!? SAGUTIN MO AKO KUNG AYAW MONG PUNTAHAN KO KAYO DYAN!"
Mukang narinig ito ni Jerrick at napailing siya. Lumapit siya sa telepono at hinugot ang cable sa likod ng telepono.
*Tooot *toooot
Nang nawala na ang tawag ay binagsak ko na ang telepono at tumakbo kay Cheska.
"Buksan niyo ang pinto!" sigaw ni Emil at agad itong binuksan ni Jerrick. Pinasok ni Emil si Che sa bahay at inihiga ang walang malay na si Che sa sofa.
Jen's POV:
Im too BORED! Wala pa akong balita sa Pilipinas! Wala pa akong show na mapapanuod! Gusto ko ng mahirapan si Say , pero itong Silv na to WALA TALAGANG KWENTA!
BINABASA MO ANG
Last Cry ( Under Editing )
RomanceMay pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na hindi na mababago. Minsan akala natin may babalikan tayo, pero paano kung ung mga tao na yon ay napagod na sa kakaintindi sayo? Mababalik mo pa ba ang dating kayo? Kaya ingatan nyo ang yung mga na...