Chapter 24 : Bakit? Paano?

120 5 11
                                    

Author's Note: Waaaaaahhh! Grabe nakakaoverwhelm na! :D This chapter is dedicated to @COLILAY . thank you for your WONDERFUL MASTERPIECE! waaaaahhh! nainspired daw siya kay Say. Grabe ang bait nya!! Nakakaoverwhelm ng sobra sobra sobra! :D 

So , basahin nyo din po ung story nya FINE and Just A Dream. ung Fine di ko pa nababasa pero ung isa! WAAAHH! ang ganda nun! PROMISEE! MISTERY UN PERO LOVE STORY!. Read nyu pag may time! ^_____^ 

Thanks for Reading! CLAP CLAP PARA SA KANYA!! ^______^

-------------------

Jerrick's POV: 

"Hans!" sigaw ni Say habang nahikbi siya. 

Nakatingin lang sa kanya ang matalik niyang kaibigan na si Che.

Umiiyak si Say habang mahigpit ang pagkayakap niya kay Hans.

 Malungkot niyang paulit-ulit binabanggit ang pangalan nito. 

Sabi ng Doctor makikilala niya kami sa muka pero hindi niya alam ang pangalan namin 

Bakit si Hans kilala niya? 

Alam ko , wala akong karapatang magselos. 

Sila ng kapatid ko. 

Pero mahal ko si Say. 

Masakit sakin , 

Masakit sakin ang nangyayare ngayon. 

Nararamdaman ko ang pagmamahal ni Say kay Hans. 

Na dati sa akin . 

Si Say na dati pagmamay-ari ko pero ngayon hawak na ng kapatid ko. 

Bakit hindi niya kami maalala!? 

Bakit si Hans lang!?

Author's POV: 

Umiiyak si Say habang nakayakap kay Hans. 

Iniiwas ni Jerrick ang tingin at lumabas ng pinto. 

Hindi niya makaya ang nakikita niya. 

Sobrang nasasaktan siya. 

Nagseselos siya. 

Nagseselos siya kahit alam niyang wala siyang karapatan. 

Walang ibang binabanggit si Say kundi ang pangalan lang ni Hans. 

Tumalikod si Jerrick at pumunta malapit sa pinto.

Lalabas siya ng kwarto, hindi na niya kaya 

Malapit na ring tumulo ang luha sa mga mata niya. 

Matamlay na binuksan ni Jerrick ang pinto 

"Jerrick. " sambit ni Che. 

"Alam kong nasasaktan ka. Pero , alam mo naman siguro ang kalagaya ni Say diba? Tulungan muna natin siya ngayon" dagdag pa niya, lumapit siya sa binata at hinawakan ang isang balikat nito

"Bakit kilala niya si Hans? Bakit hindi niya ako makilala." 

"Sabi ng doctor kung mas malalim ang pinagsamahan natin kay Say mas maalala niya tayo. Kaya---" 

"Bakit wala ba kaming pinagsamahan!? Mas matagal kaming magkakilala! Bakit naalala niya lang si Hans!!?" sigaw ni Jerrick. Nasasaktan siya, at kitang kita ang pagseselos sa boses niya

"Bakit niyo pinaguusapan si Hans!?" sigaw ni Say. 

Napatingin ang dalawa sa nakaupo ng si Say. 

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon