Chapter 23 : Now What!?

105 4 1
                                    

AUTHOR's NOTE

Joshua Emil Cruz.. The Musical Handsome Guy na boyfriend ni Cheska. ^___^ 

Ok, basa na ulit xD

-----------

"Wag!!!!!" sigaw ni Jerrick ngunit huli na dahil nasipa na si Say. 

Napatama ang ulo ng dalaga sa isang kahoy na lamesa at nawalan ito ng malay. 

"Gago!" 

Sinuntok ni Jerrick si Silver sa muka ng tatlong beses. 

Hindi lumalaban si Silver at patuloy lang ang pagtawa niya. 

"ThankGAD!. " sigaw ni Che ng makalas na ang tali ng nakapulupot sa katawan , kamay at paa ni Hans. 

"Lumaban ka!!" at sinipa ni Jerrick sa tiyan ang pinuno ng Maines na si Silver. 

Si Greg Silver, ang dating matalik na kaibigan ni Jerrick. Mahilig siya sa babae. Pero isa lang ang gusto niya. Isa lang ang nakaakit sa kanya ng sobra. Ang babaeng mahirap kunin, mataray at palaban. And babaeng walang inaatrasan , walang kinatatakutan at hindi titigil makuha lang ang gusto niya. Walang iba kundi ang kasintahan noon ng matalik niyang kaibigan na si Jerrick. Jen Alvarez, ang babaeng pinagkakandarapaan ni Silver. 

Nasaktan at nagalit siya ng malaman na nakuha na ng kaibigan niya ang babaeng pinapangarap niya. Wala siyang magawa , dahil si Jerrick ang gusto, si Jerrick ang mahal . 

Nagpaubaya siya, kahit masakit. Pinalaya niya kahit alam niyang hindi niya kaya. 

Pero ... 

Namuo ang galit niya.

Ang galit na kahit kailan hindi pa niya nailalabas. 

Ang galit na patuloy parin niyang kinikimkim. 

Ang galit niya sa kaibigan ng malaman niyang nagpakamatay si Jen para kay Jerrick. Nagpakamatay ang mahal niya dahil sinaktan ito ni Jerrick. Gusto niya nung magwala, pumatay . Pero napagdesisyonan niyang itago ang galit na ito. 

At sumumpa sa sarili niya. Na balang araw! GAGANTI SIYA!  IGAGANTI NIYA ANG MAHAL NIYA!

KUKUNIN NIYA ANG MAHAL NIYA!. at hinding hindi ito sasaktan. 

Pero ngayon.. 

Masakit man para sa kanya. 

Gagawin niya lahat ng gusto ng mahal niya, 

Hindi niya malabanan si Jerrick. 

Kahit gusto na niya itong bugbugin. 

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon