"Say!" sigaw ni Jerrick pero patuloy pa din ako sa paglalakad ng MABILIS. UUWI AKO! THAT'S FINAL!
"Say may sasabihin ako!" sigaw ni Hans.
Napatigil ako. May sasabihin si Hans sakin!? Tungkol naman saan!? Sasabihin na ba niyang babalik na siya sakin!? Sasabihin na ba niya na sawa na siya kay Jessica at ako na ulit ang mahal niya? Eto na ba!? O baka naman sasabihin niya na nagkamali siya sa pangako niya at wala na kaming pag-asa.
Naabutan ako ni Jerrick at hinawakan niya ako sa braso. Hindi ko siya pinansin at nilingon si Hans na naglalakad malapit sakin.
"Anong sasabihin mo?" agad kong tanong ng makalapit na siya sakin.
Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at pinat niya ako. Ngumiti siya sakin.
"Sorry for ruining your day. Aalis na ko. Puntahan ko na ulit si Jessica , sinamahan niya kasi ung pinsan niya sa isang ride. Etong Cherry na to, ibibigay ko na lang kay Frans. Sorry . Mag-enjoy kayo ni Kuya." sabi niya at tumalikod na samin.
Akala ko babalik na siya sakin! Akala ko magiging akin na siya ulit! Yun pala umasa na naman ako sa wala. Babalikan niya pala ang GIRLFRIEND niya na si Jessica na kasama ang pinsan na si Frans. Siguro bata pa yun at kapag magkakasama sila , mukang silang pamilya.
Hindi naman to masakit. Para ka lang pinapatay , bunubuhay tapos papatayin ulit at bubuhayin. Ganan ang pakiramdam ng naasa at nag-eexpect. Kapag nagbibigay siya ng pag-asa, binubuhay ka tapos kapag napagtanto mo na wala naman talaga pinapatay ka. Hindi to masakit. SOBRANG sakit lang.
"Congrats" sambit ko kay Hans habang hindi pa siya nakakalayo.
Napatigil siya at hinarap ulit kami.
"Para saan?"
"Kasi masaya ka na sa kanya. Sana hindi ka masaktan sa kanya Hans. Ahhhmmm... Dun nga pala sa pangako mo na babalik ka hindi na ako aasa"
"Babalik ako" at tumalikod siya.
"Tama na Hans! Wag mo na akong paasahin! Wala na naman ---"
"Babalik ako" at tuluyan na siyang umalis.
BABALIK!?
LOKOHAN BA TO!?
Pwes hindi ako nakikipaglokohan sayo Hans!
Sinong maniniwala na babalik ka eh patuloy mo akong sinasaktan! Nakipaghalikan ka pa sa kanya at sa harap ko pa! Tapos ngayon eto ka na naman nangangako na babalik ka! Hindi ko na maintindihan.
Tatakbo na ako palayo dahil eto na namang mga luha ko tutulo na naman pero hinawakan ako ni Jerrick sa braso at ikinulong sa mahigpit niyang yakap.
Pinipilit ko kumawala dahil iiyak na naman ako. May kasalanan pa siya sakin tapos yayakapin niya ako. Bakit ba ganito ang turing sakin ni Jerrick!? May gusto ba siya sakin? Pero kapatid niya si Hans, diba pagiging traydor ang tawag dun? Pero bakit sinabi ni Hans na girlfriend ako ni Jerrick? Hindi kaya may past kami ni Jerrick? Who knows? May Amnesia ako at hindi pa alam ang lahat ng nangyari bago kami maaksidente.
BINABASA MO ANG
Last Cry ( Under Editing )
RomanceMay pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na hindi na mababago. Minsan akala natin may babalikan tayo, pero paano kung ung mga tao na yon ay napagod na sa kakaintindi sayo? Mababalik mo pa ba ang dating kayo? Kaya ingatan nyo ang yung mga na...