Chapter 10 : Incoming Danger

155 5 13
                                    

Author's Note:

OWWW YEAAH!! . dedicated to sa kanya! @FrozenPrincess31 dahil sa napakaencouraging Comment niya sa prologue! Ansabee! Ivote ba naman ang lahat ng Chaps? Thank you thank you! BAsahin nyo po ang story niya! My Mortal Enemy. About siya sa magenemy na nagkainlovevan!

The more you hate the more you love daw po.  GOD BLESS po!

Okayy. read na ulitt. THANKSSS!!! :D

-----------

Jerrick's POV:

Hindi na ba talaga ako kayang patawarin ni Say? Ganun na ba talaga kalaki ang galit nya sakin! Wala na ba talaga akong pag-asa ? Wala na bang paraan para maibalik ang dati ? 

Paulit ulit kong binabas ang mga messages niya sa akin. Paulit ulit din ang sakit na nararamdaman ko. Patuloy pa rin ang pagtangkang tumulo ng mga luha ko. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya... ang galit na ako rin naman ang nagbigay. Kaya ko naman siyang palayain eh pero hindi ako papayag na kay Elizer siya bumagsak!! Hindi sa gagong yun! 

Iiwan lang niya si Say, sasaktan lang niya! Paglalaruan! Hindi ako makakapagyag dun! Ipaglalaban ko siya. 

Say's POV: 

Wala ako sa mood magklase dahil sa conversation namin ni Jerrick. Alam ko naman na seryoso siya na ipaglalaban niya ako pero galit ako sa kanya! Ayoko na sa kanya.

But his voice, his words... It repeats in my mind.

"I love you, I love you, I love you!" 

"Arrrrrghh!" mahina kong sigaw at hinawakan ang aking noo.

"Bakit?" bulong naman sakin ng nagulat na si Che.

"Bwusit kasing Jerrick yan!" mahina kong sagot sa kanya ngunit may pwersa. 

"Maya ka magkwento, nagquiquiz pare" bulong naman ni Che sakin. Eh sa hindi ako makapagconcentrate eh!

Nung lunch na namin ay agad na kaming bumaba ni Che papunta sa canteen .

"Ano na kwento na?" sabi sakin ni Che habang pababa kami sa hagdan.

"Ganto kasi an----" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may bumangga sakin.

"Waaaa!" muntik na kasi akong mahulog.

"Ano?!" at tumingin ako sa likod. 

"Ooooopppsss, sorry" at mahinang tumawa ang bumangga sakin. Walang iba kundi si Jen!

"Ahhhmm, Jen. Pwede ka naman mambangga eh wag lang sa hagdan" lakas loob kong sinabi kay Jen.

"Sorry kung nabangga kita Say, epal ka kasi sa dinadaanan ko" Mataray niyang sagot at inemphasized pa nya ang word na EPAL! Bakit pagmamay-ari mo!? 

"Bakit pagmamay-ari mo!?" sigaw ni Che. Nabasa ba nya ang nasa isip ko?

"Che." mahinahon kong sabi at hinawakan si Che sa braso. 

"Wag kang makialam!" sabi ng isa sa alagad ni Jen. 

"Wag ka ding makialam !" sigaw naman ni Che. 

"Che, tara na nga!" Sigaw ko at hinila si Che pababa ng hagdan. Napatigil kami sa paglalakad ng biglang magsalita muli si Jen.

"Sa susunod na humadlang ka pa! Hindi lang bangga ang maabot mo. Im warning you Say, stay away! Hans is mine, you jerk!" WOW!  IYO? Hindi nga pinapansin! Hahaha... joker din tong si Jen. Sumama ang tingin ni Che at bigla tumingin kay Jen na may balak pang sumagot.

"Che tara na!" at hinila ko na siya. 

Jerrick's POV: 

"Elizer!" tawag ko kay Elizer ng makita ko siya sa likod ng puno na may hinahalikang babae. 

"Kuya. " at pinunasan niya ang kanyang labi.

"Dont stop, Hans" sabi ng babae at hinila ulit ang ulo ni Hans para muli itong halikan. Tinulak ito ni Hans. 

"Okay Jessica, umalis ka na. Saka na ulit ang next session." at itunulak siya ni Hans. Umalis ng padabog ang babae.

"Session?" tanong ko sa kanya.

"Wala ka na dun" at ngumiti siya sakin. Hindi pwede to!

"Tigilan mo na si Say, Elizer!!" sigaw ko sa kanya at pilit na pinipigilan ang kamao ko na tumama sa mukha niya.

"Alam mo, maganda si Say at alam kong wala pang nakakakuha sa kanya. Gusto ko ako ang mauna! " at tumawa siya.Nagpanting ang tenga ko sa aking narinig. 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko siyang sinuntok sa mukha , sunod sa tiyan. 

"Gago ka ! Gago!!" sinipa ko siya ng nakalupagi na siya sa sahig. 

" HAHA Wag ka na kasing makialam" sagot niya na parang nangaasar. Muli ko siyang sinipa. 

"Arrrgg" daing ni Hans. Lumuhod ako at hinawakan ang damit niya.

"Layuan mo si Say!!" matigas kong sabi kay Hans. 

"Jerrick! Oh my GOD,  Hans!" sigaw ng isang babae. Napalingon kami ni Hans at nakita ko si Say. 

"Hans!" sabi ni Say sa nag-aalalang tinig. Nakaramdam ako ng pagseselos ng marinig ko kung gaano kaconcern ang boses niya. Tinulak niya ako at itinayo si Hans. Pinunasan niya ang dugo sa pumutok na labi ni Hans. Humarap siya sakin na magkasalubong ang kilay. 

"Ano ba Jerrick! Hanggang kaylan ka ba manggugulo!?" at tinulak niya ulit ako.

"Say hindi mo naiintin---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sinigawan niya muli ako.

"Ano ba ang hindi ko maintindihan Jerrick! Tigilan mo na ako! Wag mo ng idamay si Hans! Layuan mo ako! Layuan mo ako!" Sigaw niya sakin.

" Sa lahat ba naman ng pipiliin mo Say? Sa kanya pa!" napalakas na din ang boses ko. Bulag si Say! Bulag siya! 

"Wala kang pakialam!! Layuan mo ko! Layuan mo na kami! Pleasee!" sigaw niya habang nanginginig ang boses niya. Tinakpan niya ang muka niya at unti unti siyang humikbi.

Nadudurog ang puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak. Hindi ko makayanang makita siyang umiiyak.

"A-Annica Wag kang umiiyak " lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. 

"Bitawan mo ko!" sigaw niya at itinulak ako.

"Say" sabi naman ni Hans at siya ang yumakap kay Say at nagpunas ng luha niya. Yinakap siya ni Say. Palihim na nginitian niya ako.

"Magtutuos tayo Elizer" matigas kong sabi. Tumalikod ako pero nagsalita si Hans. 

"Tanggapin mo na Jerrick. Wala ka ng magagawa."  Pinatuloy ko ang paglalakad ko.

------------------

Author's POV:

" Hindi ako papayag! Hindi ako papayag! " sigaw ni Jerrick habang sinusuntok niya ang simentong bakod, habang patuloy din na tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Binato niya ang hawak na bote ng alak at sinipa ang pader. 

"Aaaaaaaahhhh!" sigaw niya. Hinawakan niya ng mariin ang ulo niya gamit ang kanyang dalawang kamay at napaupo ng pasandal sa malamig na simento sa kalye na malayo sa kanilang bahay.

"Hindi kay Elizer, Say. Wag sa kapatid ko. " sabi niya.

"Ipaglalaban kita!" sigaw niya at isinipa ang kanang paa sa simento.

---

Avez' Note:

WOOOOOOHH! Kelan kaya ako maguupdate ng chap 39? T_____T 4 po ang on going ko ngaun hahahahahhahaha.. meron ako sa notebook. bago ako mawala sa mundong ito ay kailangan kong makatapos kahit isang libro. (wag kayo mag-alala walang taning ang buhay ko, gusto ko lng xD)

GODBLESS! THANKS FOR READING! :*

LoveLots-Avez<3

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon