Chapter 19 : Should I play with Him?!

117 4 1
                                    

"Hans!" sigaw ni Jen at hinabol si Hans sa labas.

Nakatingin naman ng masama sakin si Alisha.

"Alisha.? Bakit ka ba ganan sa ate Say mo? Bakit mo siya sinisigawan kanina?" tanong ni Jerrick

"Nothing kuya , Just some misunderstanding. So I think ok ka naman . Sundan ko lang sina tita sa labas. Excuse me" at padabog siyang lumabas ng pinto.

Nagkatinginan naman kami ni Jerrick.

Kami na lang kasing dalawa dito sa kwarto .

"Ang ganda talaga ng asawa ko" at nilagay niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko.

Nginingitian niya ako at ako ay napapatitingin lang sa kanya.

"Nag-alala ka sakin noh kaya ka nandito?" pang-aasar niya sakin.

"Anong nag-alala Ha!. Malamang!. MAgpapakamatay ka ba!?" sigaw ko sa kanya at hinahampas ang braso niya.

"awwww. psssshhh" daing  niya habang hinahawakan ang kanang braso niya na may bandage din at kita ang dugo.

"Aw,syet sorry" sambit ko at balak haplusin ang braso ni Jerrick.

Napangiti na naman siya .

-_________-''

Tuwang tuwa talaga siya pag nag-aalala ako, pag naasar ako. >.........<

Inirapan ko siya .

"Hehe, Ambilis mo naman mapikon. "

Abat loko talaga to!.

I gave him a glare.

"You're still pretty when you're angry. " at nginitian na naman niya ako.

>...................<

"Bakit mo sinabi na girlfriend mo ako!?" tanong ko sa kanya ng naalala ang sinabi niya kay na Hans. Sa Harap ni HANS.

Ngumiti siya ng tipid. at umayos ng higa sa kama.

Hans's POV:

Fuuuuuuuuucck!.

"Hans where are you going! HANS!" sigaw ni Jen sakin at humabol sakin papasok ng elevator.

Nakapasok pa siya sa elevator.

Damn!, This is just . Bullshit.

"Ano ba!?" sigaw sakin ni Jen

Sinamaan ko siya ng tingin habang kinikiim ang kamao ko.

"Itigil na natin to Jen." sambit ko at nakatingin pa din sa kanya,. Pero walang takot sa mga mata niya.

Iniwas ko ang tingin kay Jen at pinindot ang GROUND FLOOR sa elevator.

"Sa tingin mo ngayon pa ako titigil?!" sagot niya sakin

Hindi ko na pigilan at nasuntok ko ang side ng elevator malapit sa kanya .

*TING

Lumabas ako ng elevator at hinahabol pa din ako ni Jen

Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Gusto ko lang lumayo.

Gusto kong mapag-isa.

"ELIZER!!!" sigaw ni Jen at nahawakan ang braso ko.

"Wag mo nga akong pahabulin !!"  sigaw pa niya na halatang hinggal na hinggal.

"Tapos na tayo Jen" seryosong sabi ko.

"No! Ayoko!. At hindi ako papayag!" determinado niyang sabi.

"Tapos na tayo!!. Ibabalik ko sayo ang pera mo. Hindi kita kaylangan!!!" sigaw ko sa kanya.

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon