Chapter 16 : I will Choose You

117 4 8
                                    

"Sasabutan ko din ung Alisha na un! Kapag nagkita kami ulit!!. Patay siya sakin!!!!!!!!!!! " sigaw ng inis na inis na si Che. Nandito kami ngaun sa kwarto ko ngsleep over siya eh. Kaylangan daw niya ng kausap at ayaw niyang kausapin ang walang kwenta niyang boardmate.Since nagboboard na siya. Naiinis na daw kasi siya sa Strictness ng nanay niya,.

Alisha!?

Nandito na si Alisha.

"Si Alisha un!?" napabalikwas ako sa kama ng narealize ko ang sinabi ni Che.

"Oo ung bruha na sumabunot sakin!!!" sigaw na naman ng nagmamaktol na si Che.

Tumayo ako sa kama at sinara ang pinto . Bka kasi marinig ni Mama ang pinaguusapan namin eh.

"Sinabunutan ka!?" pagulat ko na namang tanong.

"Paulit ulit!? Oo nga! Tska nandun ka diba!?" sagot naman ng nakasimangot na si Che.

"Malay ko ba!? Sinasabunutan din siguro ako ni Jen nun!?" sagot ko naman kay Che at muli na akong umupo sa kama ktabi si Che.

"Bwusit na dalawa un! SLUTSS!" sigaw pa niya at hinampas ung drawer ko na katabi lang niya. Nalalaglag ung picture frame at nabasag.

Pinulot ito ni Che at tiningnan.

"Sinong bata to? Ngaun mo lang to nilagay dito ahh" tanong niya sakin .

Tiningnan ko ang picture at pinagmasdan ang litrato namin ng kakambal ko.

"Sya ung nawawala kong kakambal. Nakita ko ung picture sa scrapbook ko. Kaya finrame ko. " sagot ko sa kanya.

"ahhh, si Alendra. tssskkk. Miss mo na siya nuh? " tumingin siya sakin ng malungkot ang mga mata tumango ako at tumingin ulit siya sa litrato.

"Nd kau masyadong magkahawig." puna niya.

"Nd naman daw kami identical. Parang normal na magkapatid lang. Pero palagi kaming pareho ng damit at lahat halos ng gamit." sabi ko ng nakangiti ng maalala ko ang kakambal ko nung bata pa kami.

"Bakit ba siya nawala Say? Nd mo na kasi sinabi sakin . Lagi mong iniiwasan ang tanong ko." sambit naman ni Che.

*Flashback!

"Say wag kaung lalayo hah" malambing na sabi ni Mama.

"opo mama!" sagot namin ng kakambal ko.

"At Say. Wag iiwan si Alendra hah. Mas matanda ka jan ng sampung minuto" sabi ni Mama at tumawa siya.

"Opo mama! Sampung minuto! AHHAHA tara Alendra!" sagot ko kay mama at hinila na ang kamambal ko plabas ng gate. Samantalang pumasok na naman si Mama sa loob ng bahay namin.

Sinundan namin ang ice cream . Kaso anlayo na ng ice cream.

"Anlayo na !!!!" pagmamaktol ko.

"Tara baka lalong makalayo un!!"  sigaw naman ni Alendra at hinila ang kamay ko.

"Wag! Wag na . Sabi ni Mama wag daw tayong lalayo" sagot ko kay Alendra at hinila siya pabalik.

"Bahala ka! Wag kang hihingi ng ice cream sakin!" mataray niyang sagot.

"Alendra! Isusumbong kita kay Mama . Bumalik ka na dito!! Alendra!!!!" sigaw ko .

Hindi niya ako pinansin . Tumawid pa siya . Bilin ni Mama na wag na wag ng tatawid pa.

Nakatawid si Alendra at may humarang na malaki at mahabang truck. Natatakot akong tumawid baka masagasaan ako. Pero kaylangan kong sundan ang kakambal ko. Baka pagalitan ako ni Mama.

Last Cry ( Under Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon