🕈Kabanata 22🕈

240 13 0
                                    

ELLE

     Patuloy ang bawat paghikbi at pag-iyak ko.

      Siguro ay ito na ang katapusan ko. Kung sakaling mahanap ako ni Grey ay sasabihin ko sa kanya na iwanan na lang ako. Napapahamak na sila dahil sa akin. Ayaw ko nang sagipin ni kahit kanino sa kanila.

      "Elle!"patuloy na tawag sa akin ni Grey.


      Hindi alam paano niya pa ako nahanap pero habang nasa sahig parin ako ay nakita ko ang paa niyang nakatapak na sa loob. Yung presensiya ni Alejandra parang nawala sa loob ng mansion. Niyakap ni Grey ang duguan kong katawan. Umiiyak na siya habang sinusuri ang mga bago kong sugat. Mahikpit niya akong niyakap. Alam ko, awang awa na siya sa akin. Napansin ko bigla na may kasama pala si Grey at abala ito sa pagbulong sa hangin ng kung ano. May kung anong tubig din siyang binabasbas sa loob. 

      Yun siguro ang dahilan ng pag-iwas ni Alejandra. Oo, hindi ko na siya tatawaging mama dahil hindi ko siya mama.


     Bubuhatin na sana ako ni Grey kaso pinigilan ko siya. Tinignan niya ako, yung mga mata niya nagsusumamo na hayaan ko siya. Marahan akong umiling habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. 

     "Iwan mo na ako, Grey," mahinang bulong ko. Napailing na din siya sa sinabi ko. "Hayaan mo na ako. Hindi ako titigilan ni Alejandra," dagdag ko. Halos wala nang marinig na boses mula sa bibig ko dahil sa sobrang hina.

     "Hindi. Hindi kita pwedeng iwan dito." Hinaplos niya ang mukha ko at pinahid ang mga luhang bumabaybay sa pisngi ko. "Gagawa pa tayo ng maraming mga ala-ala. Tayo ng mom mo, ako, at sa mga makikilala mo pang tao."


     Pilit kong ngumiti sa narinig ko. Siguro ang saya saya nun. Gusto ko mangyari yun pero nawawalan na ako ng pag-asa. 

     "Sabihin mo kay mom, mahal na mahal ko siya at lagi niyang tatandaan babantayan ko siya," bulong ko.

     "Elle, please. Wag mong sabihin yan!" Pilit na akong binuhat ni Grey. 

     Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Parang nagwawala na din pati kulog at kidlat. 

     "Hijo, Grey, hindi pala sapat ang dala kong holy water. Bilisan na nating umalis! Ang espiritong nagmamay-ari ng mansion na ito ay lumalakas ang kagustuhan nitong pumatay," paalala ng kasama ni Grey.


     "Father," bulong ni Grey habang nakamasid sa labas. Tinignan ko na rin anong meron sa labas. Doon na din nakatingin ang kasama ni Grey na tinatawag niyang Father. Andoon si Alejandra, naaaninag lang namin siya kapag kumikidlat. 

     May kung anong latin na binibigkas yung si Father. Tinapat niya kay Alejandra ang krus na dala niya. Parang kasing laki ito ng maliit na kutsilyo. 


     Alam ko paano aatake si Alejandra kaya pinisil ko na ang balikat ni Grey.

     "Grey, tumakas na kayo, pakiusap. Dahil sa ulan, inaalis ng mga agos nito ang binabasbas niyo dito sa loob," bulong ko ulit kay Grey.

     Alam kong nahihirapan din siya. Dahil sa hindi talaga ako binitawan ni Grey, nakulong kami sa loob ng mansion. Si Alejandra, pinalutang niya lahat ng pwede niya palutangin at hinarangan lahat ng pwedeng madaanan sa loob ng mansion. 


     Naiinis ako kay Grey dahil sa katigasan ng ulo niya.

     "Wala na akong pakialam ano mang mangyari sa akin. Gusto kitang kasama, Elle. Walang kwentang mabuhay kung ibig sabihin nun ay wala ka sa tabi ko. Sasamahan kita dito!" pagmamatigas niya.

     Dahan dahan niya akong inilapag sa gutay gutay na upuan sa sala. Nagtulungan sina Father na gumawa ng butas doon sa may pinto. Nakabutas sila ng kaunti doon pero hindi kasya ang tao doon. Pilit na sinipa ni Grey ang mga gilid nito para palakihin ang butas pero matigas ito. 

     Paikot ikot siya sa mansion naghahanap ng maaaring gamitin. Yung mga gamit sa loob, dahil sa sobrang luma na, mas nasisira ito kaysa sa mga harang.


      Sa unang pagkakataon, inalala ko gabing napunta ako dito. Bata pa ako't laro lang ang nasa isip ko. Mapagmahal si Alejandra nang makilala ko. Binibigay niya lahat ng gusto ko. Ni hindi niya ako sinisigawan. 

    "Anak, Elle! Babalik si mama ha, wag kang lalayo sa mansion," magiliw na sabi niya sa akin. Malumanay at malambing ang boses niya sa mga pagkakataong iyon. Hindi ko lubos maisip paano siya naging ganito ka sama ngayon. 

     "Opo, mama. Maglalaro lang kami ng teddy," sabi ng batang ako habang yakap yakap ang puting teddy bear na parang nagiging dark brown na sa dumi nito. Nagbabye pa ako sa kanya habang nasa pinto ng mansion.

     Isang araw, nawala yung teddy bear ko kaya umabot ako kung saan saan sa kakahanap.

     "Teddy!" sigaw ko habang umiiyak.

      Hindi ko na namalayan, lumagpas ako sa border. Doon niya ako unang nasaktan. Natakot ako sa kanya dahil dun pero niyayakap naman niya ako.

     "Patawarin mo si mama, nag-alala lang dahil baka anong mangyari sayo sa labas ng border," sabi niya habang umiiyak.

     "Hindi ko sinasadya, mama," iyak ko pero parang hindi naman niya ako maintindihan. 

     Minabuti kong hindi tumapak o lumagpas sa border na sinasabi niya hanggang sa nagdalaga na ako. Habang tumatagal mas nacucurious ako pero pinipigilan ko. Minsan natatapakan ko yung border sa kakausisa o kung may ginagawa kami ni Gigi, sinasaktan niya ako. Habang tumatagal mas lumalala ang punishment na sinasabi niya. 


      Hanggang sa umabot sa puntong ito, ngayon.

      Bumalik ako sa realidad nang makitang nakalusot na si Father sa butas. Masikip pero nakalusot parin siya. Nakita kong ang dami nang gamit na nasira nang nasa sahig. Mabilis na tumakbo si Grey para sana ay ako ang isunod doon pero nang maabutan niya ako narinig niya ang sigaw ni Father sa labas. 

     Bumalik siya para sumilip.


GREY

      Si Father, pinalutang siya ni Alejandra sa ere at itinapon sa kakahuyan. 

     "Padre! Tumakas ka na! Ako na ang bahala dito!" sigaw ko sa kanya. Alam namin pareho na wala akong magagawa kaya tinignan lang niya ako habang pilit na tumatayo. That Alejandra doesn't care about the priest, her eyes are on me.

     "Pero hijo! Dinala mo ako dito para tumulong!" Alam kong tunay ang pinapakita niyang pag-aalala ngayon. 

     "Kalimutan mo na yun, padre! Dalawa lang kami. Maraming tao ang naghihintay sayo! Mas marami ka pang matutulungan sa labas!" The moment I said those, another pile of debris covered the hole we created a while ago.


     "Grey!" tawag ng pari mula sa labas.

     Hindi ko na makita ang labas kaya wala na akong ideya anong maaaring gawin niya. Ilang minuto ang lumipas narinig namin ang impit ng boses ng pari. 

     "Padre?" I panicked. Pilit kong naghanap ng kahit kaunting butas para makita ang labas. Nang may nahanap ako, nakita ko si padre na wala nang buhay sa ilalim ng kagubatan ng Yuan.


    Alejandra just killed a human!



TakahashiKazumi2024

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon