🕈Kabanata 16🕈

274 17 3
                                    

Berserk Residence, 6:13 PM

GREY

     I was scrolling through my phone. Nakunan ko na din ito ng mga litrato ang mga nahukay namin. Yung mga papel na tinatalian ng tela pinapagpag ko na sa basurahan yung dumi nito. 

     I was set to read it but then my phone rang.

     Si tita Ysabelle iyon. She told me what happened that confused me now. Napatayo na ako't dinala ang mga papel. 


La Roa Residence, 6:30 PM

     Naabutan ko siyang balisa.

     "I saw her. Yung mama na sinasabi mo," she told me hugging herself. I saw how scared she was. "She will kill me pag bumalik ako doon," dagdag niya. Maluha luha na siya nang sabihin ito.

     I heaved a deep sigh. Why did that mama shut her off all of the sudden? Nagiging okay na ba ang lagay ni Elle?


     "Yung nagbantay sa kanya? Hindi ba siya ginalaw ng Alejandra na yun?" tanong ko sa kanya.

     "Alejandra. So that's her name." Tinignan niya ang isa sa mga litrato nito at inuwi din naman agad sa center table. "Yung tagabantay ni Elle, she's fine now. Elle is all alone, that woman, Alejandra, is controlling who can and can't come inside the room. Ang mga doctor at nurses nalang ang nakakapasok sa kwarto. They felt her there. Alam kong natatakot na din sila sa nangyayari sa hospital. Napipilitan silang paniwalaan ang mga bagay na ayaw sana nila paniwalaan."

     Nasa opisina kami ng bahay niya.

     Nasa couch siya kaharap ako na nakaupo din sa tapat. Tanging ang glass center table ang naghihiwalay sa amin. Nilapag ko na yung mga nakuha kong papel pati mga larawan.


     "Kilala na ako ni Alejandra, siguradong hindi din niya ako papapasukin." Napahawak ako sa ulo ko gamit ang dalawang kamay habang nakasandal sa mga tuhod ko ang dalawang mga siko ko.

     I am sad all of the sudden. That woman will be taking Elle back to that forest when she wakes up. 

     "Ano nang gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni tita sa akin. Pareho na kaming nalilito. "Can we be selfish?" Napatingin ako sa kanya sa sumunod niyang tanong. She looks desperate. I shook my head while staring at her watery eyes. Binaba ko na rin ang mga kamay ko para kunin ang mga papel at usisain ano ito.


     "It's a diary," sabi ko agad nang matanto ano iyon. Isa isa ko itong inilatag para mabasa namin pareho. "Parang mga sulat din para kay Ignacia."


Abril 3, 1595

Aking mahal na Ignacia, ito ang unang araw na nasilayan kita. Iniluwal kitang napakaganda, nagmana ka sa akin mula buhok hanggang mga mata. Ganito pala ang pakiramdam na maging isang ina. Bunga ka man ng kalapastangan ng alagad ng simbahan, hindi ko ibabaling sayo ang aking galit. Mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga. Kahit sa kabilang buhay ay hahanapin kita.

Abril 3, 1596

Kaarawan mo na aking anak. Lumalaki ka na't mas lalong gumaganda. Napakamasayahin mo't binibigyan lagi ng liwanag ang aking madilim na buhay. Pilit ko mang ngumingiti sa iyong harapan, kalungkutan ang bumabalot ngayon sa iyong ina. Pinipilit kitang itago ngunit parang unti-unti nang dumarating sa karunungan ng bawat mamamayan ng  Yuan ang iyong pag-iral. Alam kong darating ang araw na ipapatugis tayo ng iyong ama upang hindi madungisan ang kanyang iniingatang pangalan at katayuan. Sa abot ng aking makakaya, itatanggi ko na meron akong isang Ignacia upang ikaw ay ilayo sa kapahamakan.

Hunyo 23, 1599

Anak, Ignacia, sana ay hindi mo ako kasuklaman gayong hindi kita pinapalaro sa labas. Maaaring hindi mo pa ako lubos maintindihan ngayon ngunit balang araw ay malalaman mo rin ang katotohanan. Tanging ang mga sulat na ito ang magsasabi sa iyo ng lahat. Makita mo sana ang mga ito kapag nasa tamang edad ka na. Sinilid ko na din ang mga paborito kong damit upang ibigay sa iyo. Sana magustuhan mo ang mga ito. Maaring buhay pa ako sa mga oras na iyon o hindi.

Mayo 10, 1600

Hindi ko akalain na darating pa ang araw na ito. Ang aking pinakakinatatakutan. Isang taon na tayong nagtatago mula sa iyong ama. Malaki ka na, naiintindihan mo na ang iyong ina. Napakabilis ng panahon, dati karga-karga pa kita. Ngayon, kaya mo nang maglakad at tumakbo mag-isa. Ipinagdadasal ko na sana ay masilayan ko pa ang iyong paglaki. Sana ay hindi tayo kailan man mahanap ng mga masasamang loob na tumutugis sa atin.

Agosto 25, 1600

Hindi ko kayang tanggapin na ika'y lumisan na sa akin. Wala kang kasalanan ngunit ikaw ang pinagbabayad ng kasalanan ng iyong ama. Hindi ko lubos maisip paano ka magiging isang hadlang sa kanya. Ang iyong pagkabuhay ay maaari sanang manatiling isang sekreto upang siya'y patuloy na bigyan ng respeto ng mga mamamayan ng Yuan. 

Pinatay ka nila sa aking harap, iyon ang napakasakit. Hindi matatapos ang aking dalamhati hangga't ikaw ay hindi ko makapiling ulit. Kung ang tanging paraan na makasama ka sa ikalawang pagkakataon ay ang magpaslang sa aking sarili, ay hindi ako magdadalawang isip.

Aking Ignacia, hintayin mo ang iyong ina. Sa mansion na ito, ako ay susunod sa iyo. Hahanapin kita sa langit man o impyerno.


     Yung mga papel nakahelera sa mesa.

     Hindi na namin mabasa ang ibang mga papel pero parang naiintindihan naman namin anong nangyari kay Alejandra kahit yun lang ang parang kaya naming basahin. Mahaba ang ibang mga sulat pero putol na ang mga ito. Others are torn, eaten by mites, and some are in pieces.

     Nagkatinginan kami ni tita Ysabelle.

     "Nagpakamatay si Alejandra para makasama ulit ang anak niya," panimula niya. Tumulo ang luha niya. She's also a mother. She understands.

     "Pero bakit nanatili siya sa lupa? Hindi ba niya maalala na si Ignacia ang dahilan bakit siya nagpakamatay?" Mas lalo lang akong naguluhan. Para masagot ang mga katanungan namin, nagmadali na kaming pumunta kay lola Ada.


     Binasa din nila ang mga sulat na pwede pa basahin. 

     "Kaya pala hindi natin mahanap ang puntod niya," sabi ni Juaqin. "Bakit ganun? Mapagmahal siyang ina kay Ignacia, pero sa aming mga inampon niya, halos patayin niya kami kapag sinuway siya," dagdag niya.

     "Sa tagal niyang nanatili dito bilang ligaw na kaluluwa, nagiging agresibo siya. Dahil sa kampon na siya ng demonyo, madali na lang sa kanya ang manakit," sagot ni lola Ada.

     "Pero bakit hindi niya hinanap si Ignacia? Wala na si Ignacia dito sa lupa," sabat ko.


     "Dahil sa lalim ng emosyon ni Alejandra sa pagkakataong yun, may nabuo siyang malakas na sumpa. Siguro ay binenta na din niya ang kaluluwa niya sa demonyo. Ang consequences ay nung naging kaluluwa na siya, hindi na niya maalala ang kanyang pakay. Pero sa loob niya parang may kulang sa kanya," ani lola Ada.

     "At ang nagpupuno nito ay ang existence ng isang batang maituturing niyang anak." Ako na ang nagdugtong nang maintindihan ko na.


 TakahashiKazumi2024


🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon