🕈Kabanata 21🕈

246 14 0
                                    

GREY

     "Why are you all doing this to me? This is torture!" reklamo ko.

     Kaharap ko ang parents ko at si tita Ysabelle. Nasa opisina kami ng hospital namin. We are sitting face to face on that long table. It looked like we are having a meeting but a different one.

      "Anak, pakisusap. Hindi ka pa masyadong magaling," pakiusap ni mom. 

      "I'm too old for this!" reklamo ko ulit. Hindi ko lubos maintindihan bakit sila ganito ka worried gayong this time ay magdadala ako ng pari.


      "Nakikiusap na din ako sayo Grey. Tama na. Masyado nang malaki ang naitulong mo sa pamilya ko," sabi ni tita Ysabelle. 

      Ang mga mukha nila, pare parehong nag-aalala at nagmamakaawa sa akin. It pains me. Nilingon ko si dad.

      "Dad, you know why I'm doing this." I was hoping that he will side with me pero iling lang ang natanggap ko sa kanya.

      "Fine." I acted as if I'm giving up. But no. Hindi ako papayag na hayaan si Elle sa kamay ng Alejandra na yun. 

      I watched their faces shift, hesitating to believe me. They know me too well. Hindi ko na kinaya ang conversation namin, nag-walk out na ako at tinawagan si Touf. He isn't answering. Nasaan na kaya ang lalaking yun? Hindi ko na siya nakikita. 

      Dahil sa hindi ko matawagan si Touf kahit anong dial ko pa, doon na ako dumeretcho sa pari ng pinakamalapit na simbahan sa amin. I'm really not religious kaya parang kakaiba sa pakiramdam ko ang pumasok doon.


      I'm too sinful to be here.

      Dumeretcho ako sa kombento nila at nahanap agad ang pari. We tried once and I want to convince him again. Kahit hindi siya naniniwala ay pipilitin ko.

      "Father!" tawag ko dito habang tumatakbo. Pinigilan ako ng mga sakristan kaya napatigil ako.

      "Kilala kita. Hijo, hindi talaga kita matutulungan. Walang pruweba ang mga sinasabi mo. Kung meron mang ganun ay bakit hindi ko nabalitaan," sabi nito sabay gesture sa mga sakristan na hayaan ako.


      "May dala akong pruweba," saad ko sabay latag nung mga dala ko sa malapit na mesa. Mga news, mga blogs, at mga larawan na galing sa cellphone ko.

     Matagal na napatitig si padre sa mga yun.

     "Tutulungan kita, pero hindi ko mapapangako na ako ang makapagtatapos ng sumpang nakabalot sa lugar na yun." 


      Sinama ko na si padre at dalawa nyang mga sakristan sa Yuan. Tahimik lang nag buong byahe namin. Siguro ay maririnig mo na ang malakas na pintig ng mga puso namin dahil sa walang kasiguraduhan kung anong maaaring mangyari sa amin. Bago kami bumaba ay may binigay sa akin si padre. Isang kwentas na may malaking krus.

     "Hindi ko alam gaano kalakas itong makakalaban natin pero sigurado akong poprotektahan tayo ng maykapal. Walang masamang mananaig." He tapped my shoulder as he spoke.


     Sinuot ko na agad yun at bumaba na. 

     "Hindi na siguro kami sasama, padre," sabi ng isa sa mga sakristan, yung matangkad at balingkinitan na lalaki.

     "Ako din," sabi din nung isa, ang mas maliit at may katamtamang katawan. "Magbabantay nalang kami dito." Halatang takot sila nang makita ang kagubatan kaya hindi na namin pinilit.

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon