🕈Kabanata 13🕈

269 17 4
                                    

Somewhere, 8:00AM

GREY

     Mabuti nalang at hindi nasira ang eardrums ko sa nangyari. 

     Para hindi na lumala pa ang mga nangyayari ay pinuntahan na agad namin ni Tita Ysabelle ang kakilala niya. 

     Yung bahay nung kakilala niya nasa malayong lugar. Parang lumang cottage yung tirahan nito't nasa gitna pa ng kagubatan. Halos hindi namin mahanap yung bahay dahil sa halos natatabunan na ito ng mga halaman. Buti nalang ay may pathway.

     Tok tok tok.

     Walang sumagot. Kinatok ko pa hanggang sa pangatlong beses na.

     Saka pa ito nagbukas ng pinto. Bumungad sa akin ang isang matandang babae na maputi na ang lahat ng buhok. Naka-bun ang kulot nitong mga buhok at nakasuot ng eyeglasses. Nakasuot ito ng puting bestida na long sleeved. Nakapatong din ang isang lumang scarf sa mga balikat niya. Marami din siyang mga suot na kung anong mga kwentas. Sa tantiya ko ay nasa 80's na siya.


     "Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin sabay turo sa akin gamit yung tungkod niya. Napataas ako ng mga kamay.

     "Lola Ada." Nagsalita na si tita Ysabelle na nasa likuran ko pa. She stepped forward kaya ako naman ngayon ang nasa likuran niya.


     "Ysabelle? Bumalik ka!" Niyakap siya ng matanda. 

     "Magkamag-anak kayo?" tanong ko nang kumalas na sila sa isa't isa.

     "She's my grandfather's sister," sagot ni tita Ysabelle sa akin. 


     Pinapasok naman kami ni lola Ada sa bahay niya. Akala ko ay pinasukan na din ng halaman ang bahay niya, hindi pala.

     Malinis sa loob. Marami nga lang nakagarapon na mga halaman. May ibang shelf din na ang laman ay mga parte ng mga hayop. She also has a small wooden board na pinagdikitan ng mga lumang news papers. Na-intriga ako kaya yun ang una kong inusisa. Gusto ko sanang hawakan kaso baka magalit ang matanda sa akin. Hindi niya ako kilala tapos nangingialam ako sa mga gamit niya.

     "Upo kayo," alok nito sa amin. Umupo naman agad kami. "Gusto niyo ba ng tsaa?" tanong din nito.

     "Salamat lola, pero kailangan namin ng tulong. Tungkol ito kay Ellerie." Straight to the point din itong si tita Ysabelle.

     Naging seryoso ang mukha ng matanda. Inayos pa nito ang scarf bago umupo kaharap kami.


     "Buhay si Ellerie?" 

     Maluha luhang tumango si tita Ysabelle sa tanong ni lola. 

     "Tama ang hinala ko. Sinabi ko sa iyo yun nung araw na yun Ysabelle.--"


MRS. LA ROA (YSABELLE)

     The night of the accident.

     "La? Alis muna ako. Susunod ako kina William. Gusto talaga kasi ng bata na doon i-celebrate yung birthday niya sa Carnival Party sa Fernandos." Naghahanda na ako nun, chini-check kung wala na bang naiwan. I was also rechecking my handbag. 

    "Diba dadaan yun sa Yuan? Hinyaan mo silang lumabas? Masama ang panahon, baka anong mangyari sa kanila," nag-aalalang sabi ni lola Ada.

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon