🕈Kabanata 2🕈

346 34 53
                                    

Yuan Village, 6:00 AM

ELLE

     Malamig.

     Niyakap ko ang sarili habang nakabaluktot sa maruming sahig ng mansion. Rinig ko ang panginginig ng paghinga ko. Kinuskos ko ang dalawang mga paa ngunit hindi ito nakatulong. Binuka ko na ang mga mata.

     Buzzz. Buzzzz.

     Yung ingay ng mga bangaw na nag-aagawan sa sugat ko ang uminis sa akin lalo. Pinagdadakip ko sila kahit hindi ko naman madakip dakip. Kumalma ako saglit at hinayaan silang pumatong sa mga sugat ko sa paa saka ko pinalo.


     Ang malapot nilang laman ay dumikit sa sugat ko at sa kamay ko. Pinahid ko lang yung kamay sa bestida sabay tingala. 

     Maingay din ang langitngit ng pangalawang palapag ng mansion. Gumigewang-gewang ito dahil sa malakas na hangin sa labas. Masama na naman ang panahon. Kaya siguro ay wala akong liwanag na makita sa labas. 

     Bumagsak ang malakas na ulan. Isang bagsak din ng kulog at kidlat, kasabay ng pagbukas ng pinto. 


     Iniluwa ng pinto ang isang pamilyar na lalaki. Nagsalubong na naman ang mga mata namin. Kilala ko siya. Basang basa pa yung buong katawan niya at tumutulo ang tubig sa sahig. Hinihingal din siya habang nakatayo parin doon sa bukana ng pinto.

     Grey Berserk.

     Paano mo ako nahanap?


     Isa pang kidlat, bumaling ang mga tingin ko sa maitim na usok na nakalutang sa itaas ng lalaki. Unti unti itong lumilitaw sa paningin ko. Ramdam kong hindi niya gusto ang presensiya ng isang tao sa pamamahay niya.

     Mama.


     Kailangan kong humanap ng paraan para matakot sa akin ang lalaki. Nahihirapan akong mag-isip habang inaalala ang nangyari kahapon, hindi ko makita ni katiting na takot sa kanya nang makita ako.

     Ano bang pwedeng panakot? Tinalikuran ko siya. May hahanapin lang ako, baka may mahanap ako sa itaas. Isang hakbang ko palang ay pinigilan ako nung lalaki. "Teka! Dito ka nakatira?"


     "Umalis ka dito," nagbabantang sabi ko kasabay ang paglakas pa lalo ng hangin. Agad na sinara nung lalaki ang pinto ngunit nagsibukasan na din ang mga bintana. Kontrolado ni Mama ang mga yun.

     "Gusto ko munang malaman kung nasaan si Leona!" matigas na sabi nito. Sa pagkakataong ito ay parang tinatablan na siya ng takot kahit mukha siyang nagtatapang tapangan. Nananayo ang mga balahibo niya. Nawala sa paningin ko si Mama. Mukhang binibigyan niya ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko.


     "Umalis ka na dito kung ayaw mong mamatay," walang ganang sabi ko at tinignan siya ng masama. Yung tingin ng gustong lumamon ng taong buhay.

     "May darating na bagyo--"

     "SABI NANG UMALIS KA NA!" sigaw ko kasabay ng malakas na kidlat at kulog. Pinulot ko ang putol na kahoy sa may gilid. Marumi at makalat ang mansion kaya maraming mga nasa loob na dapat sana ay wala doon. 

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon