🕈Kabanata 11🕈

272 18 6
                                    

GREY

     Pinaharurot ko na ang sasakyan ko bago paman mahuli ang lahat. Dumeretcho ako sa kompanya ng mga La Roa. Gabi na at sarado na ito kaya napilitan akong umuwi para i-spam nang maraming email sila. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa pagod at sa kahihintay.

     Kinabukasan, nagising ako nang maaga. I checked the emails, walang reply. Malamang sobrang aga pa. 

      I took a quick shower, nagbihis at dumeretso na pabalik sa kompanya ng mga La Roa. The guards stopped me.


     "Ano pong kailangan natin at sino po sila?" tanong ng isa sa mga ito habang kinakapkapan ako. I have both my hands on the air. Malinis naman ako. Wala akong kahit anong dala.

     "Grey Berserk--" 

     "Grey? Ikaw yung binawal na pumasok dito," putol sa akin ng isa sa mga guards.


     "Bakit bawal? May nagawa ba ako?" I was all confused.

     "Sabi sa amin ay isa ka rawng threat. Ginagamit mo daw ang dating anak ni madam para sa sarili mong pakinabang. Kung anuman ang pinaplano mo laban sa kompanya," napahaba pa ang sagot ng guard. Siniko siya ng kasama habang dahan dahan na akong  dinadala sa labas. 

     Hinayaan ko lang sila hanggang sa iniwan na nila ako at nagsibalik sa pwesto nila. I acted as if I gave up but then when I felt that their confident enough that I did gave up, I rushed running towards the entrance. Dahil sa hindi pa ako ganun ka lakas ay naabutan parin naman nila ako. This time, they are exerting force. Hindi na dahan dahan ang paghila nila sa akin. Sa sobrang rahas ay bumagsak yung pwet ko sa lupa nang itulak nila ako.


     Bago paman may media na mabigyan ng tip tungkol sa pinaggagawa ko ay umalis na ako. Nakabalik ako sa bahay nang dismayado. Hindi ako mapakali. Dahil sa hindi ko na maintindihan ang sarili ko hinampas ko na nag manibela ng sasakyan at sinubsob ang ulo ko doon.

     Sa sobrang ingay ng busina ay kinatok na ni Touf ang bintana nung sasakyan. Tumunghay ako para tignan siya. He is talking but I can't hear him very clearly.


      "Ang ingay mo, ano bang nangyayari sayo?" tanong niya nang ibinaba ko na nag windshield. 

      Tinaas ko na ulit at lumabas. I must be looking so frustrated. Seryoso na din ang mukha ni Touf habang naghihintay ng sagot.

     "She's dying," I answered. Napakunot noo pa siya pero mabilis naman niyang nakuha sino ang tinutukoy ko.

      Pumasok kaming dalawa sa kwarto ko. He brought with him his laptop. Siya na ang nag spam ng emails sa mga La Roa. Ako naman ay pilit na tinatawagan lahat ng contacts nila. Lahat ng mga iyon ay walang sumasagot. 


Village Yuan, 5:00 AM

ELLE

      Nakalutang ako sa ere.

      Dinala ako ni mama sa mansion. Sa sobrang hina ko ay tangi ko lang kayang gawin ay buksan ang mga mata ko para tignan ang paligid at pumikit ulit. Yung sanga ng kahoy nasa likuran ko parin. Sigurado akong hindi alam ni mama anong gagawin. Kung bubunotin niya iyon ay mas lalong maraming dugo ang mawawala sa akin.

      Siguro ay mamamatay na ako. Hinihintay ko nalang na hindi na ako magising. Umaga na pero buhay pa ako. Yung umiiyak na boses ni mama ang lagi kong naririnig. 

      "Anak. Patawarin mo ako. Wag ka munang sumuko," lagi niyang binabalik balik.


     Kailangan ko ng tulong galing sa mga tao. Sana ay maisip niyang pakawalan ako ng saglit kung gusto niya akong mabuhay. 

     "Elle? Elle! Lumaban ka." Boses iyon ni Gigi. Pinapakinggan ko lang sila. Nasa sahig lang ako nakaharap sa lupa ang katawan ko dahil may nakatusok pa sa likuran ko. Hindi na na nga mapakiramdaman kung mababaw o malalim ito.


      "Mama! Maawa ka kay Elle. Kailangan niya ng tulong ng mga kagaya niya!" Nagsalita ulit si Gigi. Nagmamakaawa kay mama. "Kung mahal mo siya, ililigtas mo siya!"

     Alam pala ni Gigi ang tungkol sa akin. 

      Pilit kong ngumiti at hinayaan ang sarili kong matulog. Sana sa susunod na pagbuka ng mga mata ko ay may pagbabago na sa buhay ko.


Berserk Residence, 1:00 PM

GREY

     Marahas na ang bawat pagdial ko ng mga contact numbers.

      I kept trying and trying.

      Nakalimutan ko na atang kumain. Yung mga pagkain na dinadala ni Touf mula sa niluto ng katulong namin sa bahay ay nandoon lang sa tabi. May dala na naman siyang para sa tanghalian. Hindi parin ako natitinag.

     Yung kamay ni Touf, dumapo sa kaliwang balikat ko.

     "Kumain ka na, kailangan mo din ng lakas para kay Elle," ani Touf. 


     Nakinig naman ako sa pinsan kong namimilit. Sumubo lang ako nang madalian at bumalik sa pinaggagawa ko. I heard his deep sigh from behind me. Then, his keyboards started clicking again. 


La Roa Mother Company: Office of The CEO, 1:30 PM

MRS. LA ROA

     Pop. Pop. Ring.

     Maingay ang mga devices namin sa office. Mapa-telepono, cellphone o laptop.

     This Grey is very persistent. He kept spamming our company emails. I know it is him. Hindi ko pa man tinitignan.

     "It keeps coming madam." Sumbong sa akin ng secretary ko,

     "Magchange email tayo. I-deactivate mo lahat ng current emails natin," utos ko dito. Lumabas ng office ko ang secretary. I was there sitting in front of my table sa malaki kong office. I opened my laptop.

     Hindi ko alam paano din nahanap ng Grey na iyon ang lahat ng email addresses namin. Pati yung hindi namin masyadong ginagamit ay nahanap niya. Halos mag-lag na ang laptop ko sa dami nang dumadating na emails. Sunod-sunod ito. I have more than thousands of notifications. 

     Pop. Pop. 

     Ring.

     I ordered everyone not to answer any phone calls. Mukhang kailangan na din namin ng bagong contact numbers. 


     I can feel that he's sincere but I'm afraid. Takot ako na baka mali ang pakiramdam ko. Baka dahil umaasa parin ako na makikita ang anak ko't maniniwala na ako agad sa mga sinabi niya.

     I massaged my temple. Gusto kong buksan ang email. Gusto kong i-check ano ang sinesend niya sa akin. 

     Hindi ko na namalayan. Parang may nagsasabi sa loob ko na pagsisisihan ko kapag hindi ko pinansin ang email. I opened the company's account and clicked on one of the messages. Napasinghap ako sa nakita. 


     Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang tinititigan ang litratong nasa harap ko. A tear fell from my eye. 

     It is my dear Ellerie. I caressed the screen. 

     "You have grown so much, anak." I whispered.

     Agad kong kinuha ang telepono at sinagot ito. "Take me to her!" I demanded.



TakahashiKazumi2024

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon