🕈Kabanata 3🕈

346 33 55
                                    

Village Yuan, 4:00 PM

ELLE

      Nagising ako. Unti-unti lang ang pagdilat ko ng aking mga mata. Malabo pa yung paningin ko. Nakadapa pala ako kaya ang hirap huminga. 

     Hindi ako makagalaw. 

     May tali ang mga paa't kamay ko. Napakahigpit ng mga ito, nasasaktan lang ako kapag gumagalaw. Pilit kong inangat ang ulo para hanapin yung lalaking may gawa sa akin nito, ngunit hindi ko makita ang paa niya. 

     Nasaan ba siya?


      "--at yun ang tinatawag na kidnap," kwento ni Gigi. Naka-upo ako sa isa sa mga lapida ng sementeryo at nakatingala sa kanya. Nilalaro ko ang mga daliri habang nakikinig. Lagi akong nagpapakwento sa kanya tungkol sa mga tao. Ang sementeryo ang lagi naming tambayan.

     "Masama pala ang mga tao," komento ko. Wala naman akong makuhang sagot mula kay Gigi. "May nangingidnap din ba ng multo?" tanong ko nalang din sa kanya. 

     "Hindi ko alam, pero baka tawag dun ay ghostnap."


     Umalingawngaw sa utak ko ang isang salita na sinabi sa akin ni Gigi sa ala-ala kong iyon. Ghostnap.

      Ito na ba ang tinatawag ni Gigi na ghostnap?

     "Gigi?" tawag ko sa kanya pero parang wala naman siya dito. Hindi ko maramdaman ang kanyang presensiya.

    "Mama?" 

     Katahimikan.

     Dumikit ulit sa sahig ang mukha ko. Mahina na pala ang ulan sa labas at kumalma na ng kaunti ang hangin. Rinig ko parin ang ingay sa pangalawang palapag na para bang bibigay na ito. Dinamdam ko nalang ang mga kamay at paa. 


     "Gising ka na pala." Nagsalita ang lalaki. Binaling ko sa kabila ang mukha para tignan siya. Gayon parin ang mukha ko, blanko.

     Sa tagal ko na dito, ngayon lang ako nakakita ng buhay na tao. Wala akong ideya na nananali pala sila. Isa pang nakakapagtaka ay ang kakayahan nilang makita at mahawakan ako.

     Papatayin kaya nila ulit ang matagal nang patay? Yun na ba ang double dead?

     "Nasaan si Leona? Ikaw ba ang pumatay sa kanya?" seryosong tanong nito sa akin. Hindi ko na pinilit pang tignan ang kabuoan niya, yung sapatos nalang niya ang tinitignan ko. Ang dudumi na ng mga yun. 


     Nanatili akong walang kibo ukol sa tanong na iyon. Hindi ko kilala ang pangalang sinasabi niya. 

     "Dadalhin kita sa mga pulis para magsalita ka," sabi ng lalaki at lumapit sa akin. Ang boses niya halatang nagpupuyos ng galit. Binuhat niya ako para paupuin. Medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya nasaktan ako. Yung mga sugat ko nahawakan niya.


     "HINDI!" sigaw ko. "HINDI AKO AALIS SA VILLAGE. HINDI AKO LALAMPAS SA HANGGANAN NG YUAN! BILIN YUN NI MAMA!" Parang nagwawala na ako. Naging marahas na din ang paghinga ko habang pinipigilang wag pumaos. 

     Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. Kumapit siya ulit sa magkabilang mga balikat ko. Napapikit ako sa sakit na nararamdaman. Pinipisil niya ang mga sugat at pasa ko.

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon