🕈Kabanata 23🕈

235 14 0
                                    

GREY

     Bumigat ang paghinga ko habang lumalayo sa maliit na butas na iyon. Seryosong pumapatay na si Alejandra. Sobrang dilim ng buong mansion at ang tanging ilaw lang ay ang kidlat sa labas. Dumadaan ito sa butas ng bubong at itaas na bahagi ng mga pader. I felt helpless and out of hope.

     "Grey?" Isang pamilyar na boses na naman ang tumawag sa akin. That is tita Ysabelle!

     "Sh*t," I cussed between my breaths. Sumilip ulit ako sa labas, hindi ko pa sila maaninag. Kinapa ko na dali dali ang phone ko para tawagan siya. I can hear her ringtone echoing from the outside.

     She answered the call.


     "Grey! Parang nawawala kami, ang dilim at ang kapal ng hamog," sabi niya agad mula sa kabilang linya.

     "Sinong kasama mo? Bakit ka nagpunta dito tita?" Nag-aalalang tanong ko. Yung boses ko halatang hindi na ako mapakali. I'm mad and frustrated. I'm also terrified about what might happen to them. 

      "Itatanong mo yan sa isang ina, Grey? You know why I am here!" Her voice is loud and clear. I can feel she's angry and worried. I know what she's feeling right now. Napapikit nalang ako. I massaged my temple while walking back and forth near that hole I am using to peak outside.

      "Pero sino ang kasama mo?" I tried to calm down.

     "I'm with my security guards and Juaqin," she answered.


     "Tita, makinig ka sa akin. Wag na kayong lumapit dito. Pumapatay na si Alejandra--"

     "Anak ko ang pinunta ko dito, Grey!" she blurted in anger.

     "Makinig ka please? Alejandra--she killed the priest that I was with." I tried to tell her as calm as I could.


     "I don't care." Yun lang ang huli kong narinig sa kanya binabaan na ako. 

     Hindi ko na siya macontact pagkatapos nun. Mas lalo akong hindi mapakali pabalik balik ako sa butas para silipin kung mahahanap ba nila itong mansion. Ilang minuto pa ang lumipas, hindi ko parin sila makita sa labas.

     I stayed on Elle's side. Sumasakit lang lalo ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan siya sa bawat kidlat na pumapasok. Yung paa niya bali na pala. My tears kept falling from eyes. Hindi ko alam paano niya kinaya ang lahat ng ito mag-isa. I can't imagine myself being in her shoes.


     "Elle?" I whispered while caressing her hair. She opened her eyes and cried once more. Kanina pa kaming nag-iiyakan. 

      "Bakit hindi ka pa tumakas?" nanghihinang tanong niya.

      "Elle, no. I can't."

      "Ginawa mo na ang lahat, Grey. Hindi ko alam paano ka pasasalamatan. Nasasaktan na akong nakikita kang ganito. Palayain mo na ang sarili mo."


      Mas lalo lang akong nanghihina sa mga sinasabi niya. Iniilingan ko lang siya.I kept holding her hand while I was seated on the floor. Should I tell her why I'm doing this? Will it hurt her? Will it confuse her?

     Hindi. Hindi ito ang tamang pagkakataon. 

     "Elle!" Mabilis akong napalingon patungo sa direksiyon ng boses. Nahanap na nina tita Ysabelle ang mansion.

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon