🕈Kabanata 1🕈

386 39 63
                                    

Village Yuan, 5:00 PM

ELLE

     Ibinuka ko ang aking mga mata. Dumidilim na pala. Ang kakahuyang iyon, ganun parin, patay at parang habang buhay na itong walang sigla.

     Mahapdi. Makirot. Lahat ng parte ng aking katawan ay puro sugat at pasa. Ni hindi ko kayang bumangon mula sa pagkakahiga sa gitna ng kakahuyang iyon. Ang makulimlim na mga ulap lang ang tangi kong pinagmamasdan sa mga oras na iyon habang pinapakinggan ang huni ng mga uwak. 

     Ang mga lantang mga dahon ang naging higaan ko matapos akong parusahan ni Mama. 


     Ang madungis kong suot na lahat sana ay puti ay mas lalong nadungisan. Ang pang-itaas ko ay halos gutay gutay na dahil sa halos matanggal na ang kabilang strap ng damit na yun. Ang suot kong saya ay hindi na pantay dahil sa napunit ito. 

     Sa paanan ko, mga sampung hakbang mula sa akin, nandoon ang mansion. Ganun parin ito, madilim, inaanay at binabahayan ng mga insekto.

     Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Mama na dumikit sa aking pisngi. Hinawi din niya ang malagkit at mahaba kong buhok. Tumatabon na kasi ang ibang mga hibla nito sa mukha ko.


     "Hindi ba sinabi ko naman sayo na huwag na huwag kang lalagpas sa hangganan?" Malumanay na ang boses niya ngayon. Hindi katulad kanina nung halos patayin na niya ako.


     Marahan akong tumango at binaling sa kanya ang mga mata. 

     Nahuhulog pa ang ibang maliliit na uod na nasa pisngi niya. Sobrang likot ng mga uod na yun kaya sila nahuhulog, dun pa dumadapo ang iba sa mukha ko. Ganun parin ang itsura niya simula noong tinuring ko na siyang pamilya. Nanlalalim ang mga mata niya, sobrang putla at tuyo ng balat niya, hulmang hulma ang mga buto sa buong katawan, magulo ang kulot na buhok, halos matanggal na ang ibang parte ng  balat at nakasuot parin siya ng itim na bestida. 

     Siya ang aking Mama.

     Ang itim niyang bestida ay lagpas hanggang paa. Gutay gutay na rin ito at dinudungisan ng naninigas na dugo at dumi. 


     Umihip ang malamig na hangin na humawi sa buhok niya para makita ko ang kanyang mga ngiti. Isang kurap ko pa ay nawala siya sa aking harapan.


     "Mahal na mahal kita, anak. Wag mo nang uulit yun. Ayaw kitang saktan." Umalingawngaw sa hangin ang kanyang mga bulong habang lumalayo ang boses niya sa kinaroroonan ko.

     "Opo," maikling sagot ko. Yung boses ko garalgal na. Umiiyak na pala ako. Yung mga luhang yun hinahayaan ko lang habang nanatiling walang reaksiyon ang mukha ko. 

     Huminga ako ng malalim.



     Whosh. 

     Gabi na. Medyo malakas ang simoy nang hangin kaya't maririnig mo na ito. Sinabayan pa ito ng umaalingawngaw na huni ng kwago sa itaas ng isang puno na aking nadaanan. Mga ilang hakbang lang mula sa mansion mayroong sementeryo. 

     Kasama ko ang buwan habang tinatahak ang daanan sa mga gilid ng mga lapida. Maririnig ko ang pagkadurog ng mga dahong natatapakan ng hubad kong mga paa.

     Yung lapidang nabangga ko kanina, nadungisan na ng dugo ko. Tumilapon din ako kanina dito.


🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon