🕈Kabanata 17🕈

276 16 4
                                    

Berserk Hospital, 10:00PM

YSABELLE

     She's still there.

     Sobra din ang pangungulila ko sa anak ko. I'm just hoping that Alejandra would understand. A mother to a mother.

     Napalunok ako habang lumalapit na kami sa pintuan ng kwarto ni Ellerie. That chilling aura again, it's still there. Nanginginig na naman ang laman ko.


     "Are you sure you want to do this, tita?" tanong ni Grey sa akin. Nasa likuran niya ako. 

     "Yes," sagot ko. He's eyes are also nailed to that door. Hindi siya lumilingon sa akin at this point. Hindi din naman ako nakatingin sa kanya. Pareho kaming kabado. Si Juaqin hindi na sumama dahil hindi na pinasama ni Grey. The presence of this wild ghost will only traumatize him more.


      As expected, we are shut. I can hear her angry screams again. Nilakbay ng mga mata ko ang bawat sulok ng hallways. I can't find her. Hanggang sa pareho kami ni Grey na lupipad sa hangin. May kung anong pwersa na tumulak sa amin sa pader at sinakal kami. Slowly, she became visible to us.

     Her nasty arms filled with worms, her body with some liquid flowing from it and her curly hair flying in the air. I tried to fight but she's too strong.


     "A-Ale-jandra," I still forced to speak while choking.

     "Mama?" A weak voice took her attention. Nahulog kaming dalawa ni Grey sa sahig. We both coughing and breathing some air.

     "Elle's awake!" Tumayo agad si Grey at inalalayan ako. 

     Ang tangi ko lang magagawa ay tumingin mula sa labas. The door has this glass opening where we can see the patient from the outside. I was crying. Hindi ko alam anong dapat kong maramdaman. Ni hindi ko mayakap ang kakagising lang na si Ellerie. It pains me seeing those loving eyes she's giving to that monster. She closed her eyes again. She needed more rest.


      "Alejandra!" Hindi ko na mapigilan ang sarili. I need to try and speak to this demon.  Nawala ito sa kwarto at bumulaga sa harap ng glass. She's screaming once more. Napatakip na ako ng tenga ko. "Ina ka rin, pakiusap pakinggan mo ako!" Pagsusumamo ko. She's mad still.

      "Nangungulila ako sa anak ko. Gusto ko siyang makapiling ulit. Matagal siyang nawala sa akin." I cried in front of her. She stopped screaming. Nanginginig yung kamay ko habang unti-unti itong binababa. "Alam ko anong nararamdaman mo." Pinilit kong tignan siya ng deretcho. "May kulang sayo." Umiling ako ng dahan dahan. "Pero hindi si Elle ang pupuno sa kulang na iyon. Si Ignacia lang ang pupuno nun." 


      "Tita, hindi niya maalala si Ignacia," bulong ni Grey mula sa likuran. I gave him a sign to just let me do it.

     "Ignacia." Pag-uulit ni Alejandra sa pangalang binanggit ko. She repeated it using her low voice. She's calmer. Paulit ulit pa niyang binanggit nag pangalan ng anak hanggang sa umiyak na siya kakabalik nito. Bumalik siya sa kanyang magandang anyo.

      Maybe this happens when she's calm.


      "Si Ignacia. Alam kong hindi mo siya maalala pero andiyan siya sa loob mo. Siya ang hinahanap mo," pagpapatuloy ko. The ghost is just there staying still. Hinay hinay kong kinuha ang reborn doll na parang si Ignacia sa pictures. We chose the doll na kahawig nito. This reborn doll looked very realistic that she took it. It worked. Nawala siya ng parang bula.


GREY

     Bumagsak sa sahig ang mga tuhod ni si tita. She then sat down and rubbed his chest. She's crying. Hindi ko alam anong gagawin ko. I can't hug her. We aren't that close. Andito lang naman ako para tulungan si Elle.

     I don't even know why I am doing this. I went too far. 

     Few minutes later, a heartwarming scene touched me. Napangiti nalang akong nakatingin sa mag-ina. Elle looked confused but too weak to resist that hug. She even looked at me. Sa mga titig na yun parang tinatanong niya sa akin sino ang babaeng nakayakap sa kanya at umiiyak.


     I gave them time to know each other. Lumabas na muna ako para sa labas na din umupo. The hospital feels fine now. Hindi na siya parang haunted. Umaliwalas ang paligid nito nang mawala na yung mama. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan gagana yung reborn doll. She's a ghost but I know she'll realize na hindi tunay na sanggol ang dala niya.

     Yun lang talaga ang naisip naming gawin. We can't just kidnap someone's kid para ipalit kay Elle.


      A day after, bumalik ako sa hospital and saw them warming up to each other. Kinikwento ni tita ang batang Elle na nasa mga litrato ng album na dala niya. 

      "Ahem," pagkuha ko sa atensiyon nila. Mukhang hindi nila ako napansin. I have with me a bouquet of flowers. Nilagay ko na doon sa vase sa gilid nang mapansin na nila ako. Elle is too focused on the album, si tita lang ang nagbigay sakin ng ngiti.


     Habang abala ako sa kaka-arrange nung mga bulaklak, a rough and cold hand reached my hand. Si Elle pala. This is the first time I held her hand. Ang dami niyang kalyo. 

     "Salamat sa lahat, Grey." My heart suddenly raced. I felt sudden butterflies on my stomach. Naninibago lang siguro ako sa kanya. Hindi na niya ako inaaway.


     "Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko makikilala ang future son in law ko," patawang sabi ni tita. Mabilis kong inuwi kay Elle ang kamay niya. Nilagay ko sa may tiyan niya. 

     "It's not what you think, tita. I just help people, randomly." Nagiging defensive ata ako all of a sudden.


     Binigyan lang niya ako ng nanunuksong mga ngiti. I felt awkward all of the sudden. 

     "I have to go. Bibisita ako next time, Elle."


ELLE

      Bakit ganun? 

     Nasa hospital ako kanina lang, pero bakit ako nasa mansion ulit? Suot ko parin ang pinasuot sa akin ng hospital. Yung kama ko andun na din sa mansion. Tinignan ko ang paligid. 

     Bakit parang ang liwanag ng loob ng mansion?


     Tumingala ako. Napasinghap ako nang matantong parang galing pa nasunog ang mansion. Nagbabaga pa ang ibang mga bahagi nito. 

     "Grey? Mom?" tawag ko sa mga bagong tao sa buhay ko.

      Bigla bigla nanigas ako. May malamig na katawang dumikit sa akin mula sa likuran. Yumakap siya sa akin. Bumigat ang paghinga ko. Alam ko kung sino itong yumayakap sa akin, si Mama. 

      "Pakiusap, pakawalan mo na ako," pagmamakaawa ko sa kanya. Nagsimula na akong umiyak.


     "Elle. Sa akin ka lang. Ikaw ay aking anak. Ikaw ay nararapat na nasa aking piling," bulong nito. Nilapit niya ang bibig niya sa mukha ko. Yung kulot niyang buhok ay dumadampi sa balikat ko.

      Marahas ko siyang tinulak at tumakbo na. Pero kahit anong bilis ng pagtakbo ko parang lumalayo ang kalsada sa paningin ko. May mga kamay na pumulupo sa akin, may mga kamay na mahigpit na humahawak sa mga binti't braso ko. Hinili ako nito pabalik sa sunog na mansion.

     "Akin ka, Elle!" 


TakahashiKazumi2024

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon