🕈Kabanata 8🕈

281 24 15
                                    

Village Yuan

ELLE

     Araw araw, lagi akong bumabalik kaharap ang kalsada, sa labas ng hangganan. Nagbabasakali akong maisipan ni Grey na balikan ako. Parang hindi naman kasi ako dapat tulungan. Ginalit ko siguro siya sa katigasan ko. 

     Umupo na ako sa may ugat ng punong lagi kong tinatambayan. May kakaunting sasakyan na dumadaan doon. Nagtatago lang ako dahil baka makita pa ako at mapagkamalang tinatakot sila. 


     Ilang araw pa at naisip ko na parang tama si Gigi. Hindi na ako babalikan pa ni Grey. 


The City

GREY

     Ilang araw na din at sa wakas nahanap na namin kung sino ang pumatay kay Leona. Her and I are just getting to know each other. Wala kaming choice pareho. We don't have feelings for each other. Sadyang hindi na kami nagmatigas pa at kinilala na lamang ang isa't isa. We are betrothed long ago nung mga bata pa lamang kami. It's a marriage for business. 

     She was stern but I managed to befriend her. I felt like I had a new family. Pero hindi ko talaga mahanap sa kanya ang romantic feelings na kailangan namin para sana magwork ang magiging relasyon namin. I see her like a bestfriend and a sister. The same goes to me. 


     Hindi ko lubos maisip na may ibang pamilya na gustong magkaroon ng strong bond sa kompanya namin. They killed her para ang anak nila ang maipakasal sa akin. Naging matagal ang labanan sa korte dahil mapera din ang kalaban. In the end we won. 

     Justice is served for Leona and to all the other bodies found there, sa Yuan.


City Cementery, 1:34 PM

     Binaba ko na ang bouquet of flowers sa puntod ni Leona. Ako lang ang nakatayo ngayon sa sementeryo. It's a cementery for rich people. Nakasuot ako ng full black suit with black inner at pati necktie ay black na din. Nakasuot din ako ng sunglasses and a shiny silver watch.

     "I miss talking to you, Leona. I wish I could tell you what happened to me." Tinignan ko yung puntod nya at tumayo na. Isinilid ko sa mga bulsa ko ang dalawang mga kamay. "If only I could talk to your--" Natigilan ako. Wait a minute. Nakita kaya ni Elle ang kaluluwa ni Leona? 

     Naalala ko bigla si Elle. I was too busy finding justice for Leona that I forgot about her. "I have to go, Leona. I'm just happy I gave you justice. I will visit you again,soon. Thank you for all the memories."

     Mabilis akong nagpaharurot ng sasakyan pabalik sa bahay. As usual Touf was there. 


Berserk Residence, 1:59 PM

     "Uy, Grey!" Hindi ko na siya pinansin. Dere-deretcho lang ako papasok sa kwarto ko. Inilabas ko ulit ang lahat ng papers patungkol kay Elle. Bumukas naman ang pinto ng kwarto at iniluwa si Touf. Sumunod pala siya sa akin.

     "You remembered her again, huh? So magpapakahero ka na naman? Dude, you already did a big role para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Leona. Ngayon, ibang tao naman gusto mong tulungan. And worse? Hindi tao ang kakalabanin mo," mahabang sabi niya habang sinusundan ako sa panghahalungkat ko sa kwarto.

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon