🕈Kabanata 18🕈

257 16 4
                                    

Berserk Hospital

ELLE

     Nagising ako sa isang masamang panaginip. Bigla akong nakaramdam ng takot. Si mama, nararamdaman kong babalikan niya ako. 

     Ilang gabi din akong nagtiis sa pabalik balik na panaginip. Doon ko na ito sinabi kay Grey. 

     "Grey, si Mama. Babalik siya," bungad ko agad sa kanya pagkapasok niya ng kwarto. Oo, nasa hospital parin ako pero sabi ng mom ko malapit nadaw akong makauwi.

     Bago magsalita si Grey ay nilingon muna niya ang bago kong tagabantay. Naintindihan naman agad ito ng Ginang, umalis agad ito sa kwarto. 


     "Kinakabahan din ako para sayo, Elle. Alam kong hindi ganun ka epektibo yung ginawa namin. Hindi ko pa alam anong dapat gawin," nag-aalalang tugon niya. "Pero wag muna natin siyang isipin, sa ngayon isuot mo muna ito." May kwentas siyang isinabit sa leeg ko. Na may krus na palawit. "Hanggat suot mo ito, hindi siya makakalapit sayo."

     "Salamat, Grey. Hindi ko na alam anong isusukli ko sa lahat ng kabutihan mo," sabi ko habang hinahawakan ang palawit ng kwentas. "Bakit mo ginagawa lahat ng 'to?" Nang itanong ko ang bagay na yun ay parang may kakaiba akong naramdaman sa tiyan ko. Hindi ko siya matignan ng deretcho. Parang kinakabahan ako sa maaaring sagot niya.


     Natahimik siya kaya nakuryoso ako. Sinulyapan ko siya. Nakatitig lang siya sa akin. Nagtagpo ang mga mata namin kaya hindi na ako naka-iwas. Bigla siyang umiwas. 

     "I--I--," nautal utal pa siya. "Hindi na importante yun, Elle. Masaya ako na natulungan kita at tutulongan parin kita hangga't hindi ka pa tuluyang nakawala sa mga kamay ni Alejandra."


La Roa Residence

      Ilang araw ang lumipas ay pinauwi na ako ng hospital. Nakakalakad na ako ng maayos. Maayos lang naman ako. Sanay na akong laging may masakit sa katawan. Sobrang nanibago ako sa malaking bahay ng mom ko. Sobrang linis at parang pakiramdam ko hindi totoo ang mga nakikita ko.

     Inusisa ko lahat ng pwede ko usisahin. May lagi naman akong kasama, yung nagbantay sa akin sa hospital. Sabi ni mom, sa kanya daw ako magtatanong ng mga bagay bagay.


     Siguro ay para akong baliw sa paningin niya dahil tinatalon talonan ko ang higaan na sobrang lambot. Sabi niya kwarto ko daw ito. May ganun pala? Akala ko sa sahig at kung saan saan lang matulog. Nang mapagod sa kakatalon bumaba na ako at binuksan lahat ng mga kabinet. Maraming mga damit at ibang mga bagay na andun.

     "Pwede kong suotin lahat ito?" tanong ko sa Ginang. "Ano nga po pala pangalan nyu po?" Isa isa ko nang tinignan ang mga damit. Parang kakaiba sila sa paningin ko. May maliliit na kasuotan din.

     "Bra at panty yan ma'am. Sinusuot yan bilang mga pan-ilalim. At oo, pwede mo isuot lahat yan. Binili yan ni madam lahat para sayo. At tungkol sa huling tanong mo, ako si Alma."


     Tinuruan ako ni Ginang Alma paano isuot yung sabi niya ay panty at bra. Parang nahiya pa siya para sa akin. Siguro ay hindi dapat ako naghuhubad sa harap niya. 

     "Hija, wag na wag kang maghuhubad sa harap ng ibang tao. Delikado yun. Lalo na pag mga lalaki ang makakakita sayo," sabi niya nang sa wakas ay nasuot ko na ng tama ang bra at panty. Paikot ikot pa ako sa salamin. Napakasabagal naman ng mga ganito.

     "Bakit po delikado?" 

     "Napaka-inosente mo ma'am." Napahagikhik siya ng kaunti. "Paano ko ba dapat ipaliwanag sayo? Basta hija, masama ang maaaring mangyari."

     "Kahit kay Grey?" Napatawa siya sa tanong ko.


     "Naku ma'am baka mahimatay yun," sagot niya sabay tawa ulit. Tinutungan na niya akong magsuot ng pantaas at pangbaba. 

     "Ano pong tawag sa mga ito?"

     "T-shirt ito," sagot niya sabay hawak sa pantaas na suot ko. "At yang pangbaba mo ay pajama. Pwedeng ganito lang ang suot mo araw-araw kapag nasa bahay ka lang--"

     Sobrang haba ng mga explanation ni Ginang Alma. Lalo na yung cr. Bawal ko gamitin ang tubig sa bowl kasi daw marumi. Hindi naman marumi kahit anong titig ko doon. 

     "Marumi po yan?"

     "Oo, hindi mo ba maalala na tinuro ko na sayo to dati sa hospital?"

     Naalala ko yun. Hinugasan ko yung kamay at bibig ko pagkatapos kumain sa tubig na nasa bowl. Hinugasan ako ulit ni Ginang sa sabi niyang 'shower'.


     Tinuro din niya ulit sa akin paano gamitin ang palikuran. Sabi niya dapat mag-flush. Tinuro din sa akin paano maligo at lahat lahat na. Parang napuno ang utak ko sa dami ng bagong impormasyon na pilit kong pinapasok dito.

     Kinagabihan ay umuwi na sa bahay si mama napangisi ako nang makitang bumisita ulit si Grey.

     Patakbo pa akong bumaba sa hagdan para salubungin sila. 


     "Grey! Tignan mo marunong na akong magsuot ng bra!" Pagmamalaki ko sabay taas nung T-shirt ko. Mabilis siyang napatalikod sa akin matapos nanlaki ang mga mata sa ginawa ko. Kitang kita ko paano namula yung tainga nya.

     "Elle, ibaba mo yang damit mo." Tumakbo na si mama sa akin at ginabayan yung kamay ko pababa. "Hindi mo dapat pinapakita ang ganun karaming skin--uhh-- balat." Napatingin si mama kay Ginang.

      "Madam. Sinabi ko naman na wag siya maghubad sa harap ng ibang tao," sabi ni Ginang. 


     "Hindi naman ako naghubad. May bra ako," pagtatanggol ko sa sarili ko. 

     "Elle. Naghuhubad ka parin nun. Yung bra at panty ay pantakip ng masilang bahagi," sabi ni Ginang na nasa likuran ko lang. Nagtawanan sila habang ako ay litong lito pa kung anong nakakatawa. Si Grey ay nakaharap na din sa wakas. 

     Hindi makapagsalita si Grey buong gabi. Natapos na kami kumain pero tahimik at namumula parin siya. Pag kay Grey ba, siya yung magiging delikado pag naghubad ako?


GREY

     Sh*t! Sh*t! Sh*t! She's too innocent. 

     Ngayon hindi na mawala sa isip ko ang ginawa niya. My stomach feels funny. Siguro hindi na muna ako pupunta dito gayong hindi pa niya totally naiintindihan ang mga bagay bagay.

     I thought this night would only be funny and peaceful, pero may kakaiba akong naramdaman bigla. Someone is watching us. Hinanap ng mga mata ko kung sino ang nakatingin sa amin. Sa isa sa mga bintana, may pigura ng isang babae. Nanlilisik ang mga mata niya.


     Sa isang iglap kumalat sa buong bahay ang maiitim na usok na nagpadilim ng loob. Yung mga ilaw patay sindi. Hinanap ko si Elle sa dilim. There she was lying on the floor. I know this aura. She's back.

     "Elle!" she screamed in anger.

     Alejandra is back!


TakahashiKazumi2024

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon