🕈Kabanata 9🕈

282 23 9
                                    

Berserk Residence, 5:48 PM

GREY

     Hinablot ko ang coat mula sa upuan. Hindi ko na hinintay na gumabi pa. Naghanda na agad ako. 

     Ring.

     Natigilan ako sa pag-aayos ng necktie ko.

     Mabilis kong kinuha ang phone sa mesa. Akala ko magcacancel si Mrs. La Roa ng appointment, hindi pala. Si mom ko lang tumatawag.

     "Ma? Napatawag ka?" Inipit ko na sa balikat ko ang cellphone at nagpatuloy sa  pag-ayos nung necktie.

     "Mag-dinner tayo sa labas later. Free kami ng dad mo," aya niya sa akin. Natapos ko na ding isuot ang slacks ko kaya nilagay ko na muna sa lamesa ang phone at ni-loud speaker na. I started combing my hair. Ang gulo na kasi nito tignan.


     "Sorry mom. I have an urgent appointment," pagdecline ko sa kanya.

      "Why am I sensing na may ginagawa ka na namang out of the line? Grey, yung ginawa mo para kay Leona, it's enough. You have done enough, anak." 


     "Mom, this person needs me. Ako lang ang pwedeng tumulong sa kanya." I picked up the phone. In-off ko na yung speaker at tinapat na ulit sa tenga ko yung phone.

     "Sino ba itong person na ito, ha?"

     "Sasabihin ko din sayo mom. Sige na. Bye. Mahal kita, ok?" 

     "Love you too."

     The call ended.


     We had a healthy relationship with my mom and dad. Kaya hindi ako sumuway pa noong nalaman kong ipapakasal ako kay Leona. I just wanna be a good son. I even tried my best para maging maayos nag relasyon namin ni Leona, to build a healthy family too.

    

Grand Marcelline Banquet, 6:20 PM 

     Isang malaking restaurant ang Grand Marcelline katabi ng dagat. Open ito kaya pumapasok ang simoy ng hangin. It's like you're dining in an open cruise. Madaming foreiners sa paligid. 

     May jazz music din na naka-play by live musicians.

     Naka-upo naman ako agad sa reserved seat. Maaga pa pero ni-reserve na nila. Ganito siguro ka-VIP si Mrs. La Roa. She can come anytime.

     Around 6:30 PM, dumating naman din si Mrs. La Roa. She looked surprised to see me early. Siya din naman, napaagang dumating. 8:00 PM yung agreed time pero pareho kaming napaaga. 


     "You must be Grey?" panimula niya. Malumanay ang boses niya. It felt so light around her. I offered her a hand shake. She shook my hand at umupo na kami pareho.

     "It's a pleasure to finally meet you madam." I forced a smile. It was a genuine one pero kinakabahan nga lang ako. This is Elle's mother.

     "You can just call me Mrs. La Roa." She looked very serious looking straight at me.

     "Mrs. La Roa. Yes, I uhhh---" Nautal na ako. Hindi ko alam saan magsisimula gayong ngayon lang kami nagkausap.


     "Do you want to discuss business, Mr. Berserk?" she asked. Lumapit na yung isa sa mga waiter sa restaurant when she hand gestured something. She must be a regular costumer here. Parang kabisado na ng waiter anong ibig sabihin nung gesture. 

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon