🕈Kabanata 4🕈

322 30 39
                                    

Village Yuan, 4:00 AM

ELLE

     Kumukulo na ang tiyan ko. Gutom na ako. Sobrang tahimik ng buong lugar kaya rinig na rinig ko ang pagkalam ng aking sikmura.

     Mabuti pa ang mga bangaw, pinagpipyestahan na naman ang mga luma at bago kong sugat.


     "Elle," bulong ni Gigi na siyang dahilan bakit pilit kong iminulat ang mga mata. Mabigat parin ang mga talukap ng mga mata ko. Pagod ako't nagtitiis pa sa hapding nararamdaman. Parang may kung anong lumihis na joint sa kaliwang braso ko.

     Ang dilim. Wala man lang liwanag ng buwan na sana'y nagbibigay ilaw sa madilim na mundo.

     "Alam kong gutom ka na kaya dinalhan kita ng makakain." Pilit kong inaninag ano ang hawak niya habang nakahiga parin. "May mga katawan na naman kasing itinapon sa malapitan kaya kinunan ko nalang sila ng mga laman, baka may mapili ka."


     Pilit kong ngumiti sa kaibigan ko at kinapa ang mga dinala niya gamit ang mas maayos na kamay. Hindi ko alam anong parte ng laman ng tao iyon, basta malambot ito. Yung sariwang amoy ng dugo ng tao ang mas nagpapagutom sa akin. Hindi ko maalala kailan ako nasanay kumain ng ganito. 

     Nginatngat ko na iyon. Maririnig mo nalang ang tunog ng pagkapunit ng parte na iyon at ang tunog ng pagnguya ko. Pagkatapos ay ang mga paglunok.


     "Nga pala kung sawa ka na sa hilaw, may bunga na yung puno ng manga malapit sa Simbahan," dagdag niya. Nilunok ko na ang huling parte ng laman na iyon.

     Yung mga dugo, nanatili sa mga labi ko at sa paligid nito. Dinilaan ko lang. 


Village Yuan Border, 8:00 AM

GREY

     Napalunok ako habang pinagmamasdan ang kagubatan ng Yuan. Nasa rough road ako katabi ng sasakyan ko. Kakababa ko lang. Maliwanag na dahil umagang umaga na pero ang kakahuyan na yun, parang nanatiling madilim.

     I already instructed Touf to report this place to the police. Sana nga ay maniwala sila.

     Pilit kong tinatapangan ang sarili, papasok. Isang hakbang ko palang na nakaapak sa loob bumalik agad sa akin ang pangyayaring yun. That sight of that woman. Yung hinigop siya ng kagubatan pabalik. She's indeed telling the truth. Na bawal siyang lupagpas.

     

     Isa pang lunok bago ako pumasok. Mainit sa labas ng kakahuyan, pero pagpasok mo mararamdaman mo agad ang lamig. Yung mga huni ng ibon lang ang kasama ko habang nilalakad ulit papasok ang kagubatan.

     Wala naman sigurong mangyayari sa akin gayong umaga pa. 

     Can the ghosts attack in morning?

     Inalis ko na muna ang mga gumugulo sa isip ko. Naglakad ako doon, sinundan ko ang daanang tinahak ko kahapon. Those fragments of broken leaves underfoot served as my markers, indicating that I was on the right path.

     Mahamog. 

     Nandito na pala ako. Kaharap ko na ulit ang lumang mansion.

     Sa sobrang tahimik ng lugar, yung mga paggalaw ko lang ang nagbigay ingay dito. Habang lumalapit sa pinto, mas lalong lumalakas ang pintig ng puso ko. Rinig na rinig ko iyon.

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon