🕈Kabanata 6🕈

339 28 26
                                    

ELLE

     Yung lalaki, wala na namang malay.

     Siguro ay naramdaman niya si Mama. O di kaya ay nagpakita ito sa kanya. 

     Ramdam ko ang galit ni Mama. Nakikita ko ang madilim niyang aura sa harapan ko.

     "Elle, alam mong mahal kita anak. Makinig ka, delikado ang lalaking ito sayo. Nililinlang ka lang niya ng tulong na di mo naman kailangan," bulong niya sa hangin habang hinahaplos ang buhok ko. Binigyan ko siya ng ngiti kahit mukha pa akong pagod. 


"Alam ko mama. Walang magbabago. Ako parin ang anak mo na susunod sa lahat ng gusto mo," sagot ko sa kanya. 


10:15 AM

GREY

     Binuka ko ang mga mata. Pilit ko pang inaninag ang paligid, baligtad kasi ang tingin ko sa paligid. 

     Nasa loob na pala ulit kami ng mansion. 

     Nang tuluyang magising, doon ko na realize na nakatali ako ng pabaligtad.Pakiramdam ko unti-unti nang bumababa yung dugo ko sa ulo ko. Mainit ang pakiramdam ko sa mukha. Pilit kong gumalaw baka maputol ang lubid na itinali sa akin pero parang hindi naman lumang lubid ang ginamit niya. Pati mga kamay ko ay itinali sa likod ko. Tinignan ko ang lubid at natantong akin iyon. Kinuha ata niya ito sa bag ko. 


     Paano niya ako nagawang ibitay? Yung babaeng yun napakapayat. Hindi niya alo makakayang buhatin mag-isa lalo na't nanghihina pa siya.

     "Elle!" tawag ko sa kanya.

     Silence.

     No signs of her. 

     Lingon ako nang lingon at muntik nang mapasigaw nang bumulaga yung mukha niya sa harap ko. Sobrang lapit nun, muntik pa akong maduling. Tumayo na siya at tanging ang madungis niyang paa ang nakikita ko ngayon. Sobrang lapit ng ulo ko sa sahig.


     "Are you trying to kill me?" tanong ko sa kanya. Wala akong natanggap na sagot. Baka hindi niya  ako maintindihan. "Gusto mo ba akong patayin?" Inulit ko na yung tanong.

     Habang pilit kong gumalaw, umikot na yung katawan ko. Napapikit ako, nakakahilo.


     "Oo. Lalo na pag hindi ka pa umalis dito," walang ganang sagot niya. Binuka ko na ang mga mata dahil natigil na angpag-ikot ko.

     "Ganito ka ba magpasalamat sa paggamot ko sa mga sugat mo?" I sounded pissed now. Hindi ko halos maintindihan bakit ganito siya ka baluktot. Gusto ko lang siyang tulungan. I was genuine. "Siguro ikaw ang pumatay kay Leona!" Akusa ko sa kanya dahil sa galit na ako.


     "Sanay lang akong tumingin at kumain ng patay, pero hindi pa ako nakapatay. Baka ikaw ang una. Siguro masarap din ang laman mo," she muttered tilting her head looking so creepy. Yung buhok niya nakatabon sa kalahati ng mukha niya. 

     And wait a minute. Seryoso ba siya? Kumakain siya ng tao? Halimaw nga ang babaeng ito! Bakit ko pa ba inisip na tulungan siya?


🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon