🕈Kabanata 14🕈

264 17 4
                                    

Javier Mental Facility, 10:00 AM

GREY

     Creak.

     Sobrang luma na tignan ng building nito at kinakalawang na ang gates.

     Parang napag-iwanan na ng may-ari. Nasa labas pa kami ngunit rinig na namin ang ingay sa loob ng pasilidad na iyon. Tinignan lang kami ng dalawang guards. Mukhang mga pagod ang mga itsura nito. Ang laki ng mga eyebags. 

     Lumapit kami sa loob at bumungad agad sa amin ang maliit na reception area. Gayon parin ang itsura nito sa nakita kong litrato sa newspaper na binigay sa akin ni lola Ada. Ang kaibahan nalang ngayon ay, naninilaw na ang mga puting dingding nito pati mga tiles sa sahig. Walang improvements pero malinis parin naman. 


     Yung mga pasyente sa itaas na palapag rinig na rinig na namin lalo ang ingay nila ngayong nasa loob na kami. Napatingin ako sa itaas saglit, kitang kita ang mga railings ng bawat floor mula dito sa baba. Natatanggal na ang mga pintura nito at kinakalawang.


     Dumeretcho na kami sa reception area nila. Dalawang nurses lang ang naroon. Mga nurses na mukhang nasa 40's na. 

     "Magandang araw po. May gusto po ba silang dalawin?" agad na bati nito sabay ngiti.

     "Pwede po ba naming mabisita sa Juaqin Gerardo?" tanong ko dito.

     "Pasensiya na pero hindi siya pwedeng bisitahin--" Hindi na natapos ang sasabihin niya nang pakitaan namin siya ng mga id namin. "M-Maam s-sir--" Agad siyang may kinuha sa maliit na drawer sa ibaba ng desk niya. Dalawang maitim na cards na may kulay gintong mga sulat. Luma na din ito kaya halos maubos na ang kulay ng ginto sa surface nito. "Gamitin niyo po ito para makapasok sa bagong facility ng Javier. Puntahan niyo po ang address na ito." Binigay din niya sa amin ang isang papel na sinulatan niya ng address.


The New Javier Mental Facility, 11:10 AM

     May bago palang facility. Bumaba na ako sa sasakyan, ganun na din si tita Ysabelle.

     Ito na yung address. May bago ngang pasilidad ang Javier at mas malaki ito. Mas marami ang palapag at sobrang tahimik. Sound proof na siguro ang mga pader nito. May dalawang guards parin na nakabantay doon sa gate. Hinayaan lang din kami. Sa may pintuan ay isang parang card detector. 


     Nagtap lang kami doon at nagbukas na ito. Mas maraming mga nagtatrabaho sa lugar na iyon. Mas malaki din ang lugar kaya parang ang luwag tignan gayong nasa gitna ay ang reception lang. Agad kaming lumapit sa reception.

     "Gusto sana naming bisitahin si Juaqin Gerardo," agad na sabi ko sa isa sa mga nurse pagkalapit ko. Ni hindi pa ito nakabati.

     "Room 849 sir. May sasama sa inyo papasok dahil nagwawala po ang pasyente," sabi ng nurse sabay bigay nung card para sa room doon sa security na sasama sa amin.

     "Salamat," sabi ni tita Ysabelle dito. Nginitian at nagbow lang ng kaunti ang nurse.


     Ting.

     Nagbubukas ang elevator sa bawat floor.

     Hindi umiimik ang kasamang security ng hospital sa amin. Tahimik lang kaming tatlo hanggang sa elevator. Nagbukas ulit ito at sumunod lang talaga kami sa security dahil lumabas ito sa floor 8. Naglakad kami hanggang sa nasa may dulo na kaming kwarto. 

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon