🕈Kabanata 20🕈

254 16 0
                                    

ELLE

     Tanging ang mga alingawngaw ng boses ko ang maririnig sa mansion.

     Sumisigaw ako sa sakit at umiiyak dahil sa pagpapahirap sa akin ni mama.

     "Hindi! Hindi mo ako mahal! Ang tunay na nagmamahal hindi nananakit ng ganito!" sigaw ko habang umuubo na ng dugo.


     Ang patpatin kong katawan ay nakalutang sa ere at pilit niyang tinutulak sa matigas na pader. Parang malapit nang madurog ang mga buto ko sa pinaggagawa niya. Ganun parin ang suot ko, naka T-shirt at pajama. Madungis na naman akong tignan at parang hindi na tao. 

     Nag-iba na si mama. Lumala ang ugali niya. Lahat ng mamamayan ng Yuan ay umiiwas na sa kanya. Hindi ko narin mahanap si Gigi. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Siguro ay pinalayas na siya ni Mama. 


     Bumalik ako sa sarili nang ibagsak na naman ako ni mama sa sahig. Simula nung ibinalik niya ako dito ay parang hindi na niya ako kina-aawaan. Hindi na siya umiiyak sa tuwing sinasaktan niya ako. Parang nawala na ang emosyon na iyon sa kanya. 

     Tinignan ko lang siya. Nagbago narin ang itsura niya. Parang kalansay na talaga siya sa paningin ko. Natanggal na lahat ng balat niya kaya kitang kita na lahat ng naninigas niyang mga ugat na kulay itim, berde at murado. 


     "Mahal kita, Elle!" Nawala na din ang malumanay niyang boses. Lagi na siyang galit. 

     Yung mga luha't dugo ko ay naghalo na sa mukha ko. 

     Iniisip ko rin si Grey. Nakita kong bumagsak at nawalan siya ng malay dahil sa atake ni mama. Hindi ko man lang ako makakapunta sa kanya at alamin ang kalagayan niya. Nilagay niya sa kapahamakan ang sarili niya  dahil sa akin.


      Mas lalo lang akong umiyak dahil sa iniisip. Namimiss ko na din ang tunay kong ina. Gusto kong bumalik sa piling niya. 

     "Hindi ikaw ang mama ko. Ikaw si Alejandra!" sigaw ko ulit kahit halos wala na akong boses. Pilit kong tumayo sa pagkakabagsak. "Hindi mo ako anak!"


     "Elle! Elle! Elle!" pabalik palik ang sigaw niya. Habang lumalapit siya ay lumalakas ito. Yung boses niya lumalaki na parang halos hindi na babae. Yung buhok niya parang mayroon nang sariling isip na naglatigo sa akin.

      Siguro ay mali itong ginagawa ko pero parang gusto ko na ring mamatay. Kung ang ibig sabihin ng kalayaan ko ay ibang buhay ang makukulong dito. 


      "Patawarin mo ako mom at Grey pero ito lang ang makapagliligtas sa ating lahat," bulong ko sa sarili sabay pikit.


YSABELLE

     "Anong kailangan mo?" tanong ko sa ina ni Grey. Oo, siya ang tumawag sa akin. Gusto niyang makipagkita.

      Sa parehong restaurant kung saan kami nagkita dati ni Grey ko siya dinala. I felt the deja vu when we are offered the same seats. This time, iba ang kausap ko. Pareho naming hindi pinaghintay ang isa't isa at deretcho nang umupo nang dumating. We we're both silent and is looking at each other's eyes.


      "Gusto ko lang malaman nasaan ang anak ko," matigas niyang sabi. Sobrang amo ng mukha niya pero galit ang boses niya. I can feel how worried she is. I am a mother, I know.


      "Mrs. Berserk, sinunod ko ang gusto mo na hindi na magpakita sa anak mo. Hindi ko alam nasaan siya," sagot ko sa kanya. Nagkatitigan kami. Doon na siguro niya nabasa na nagsasabi ako ng totoo. A tear fell from her eye.

     "Kakagising lang niya sa araw na ito," she sobbed. "He left the hospital right away. Hindi pa siya ganun ka lakas. Hindi ko na maintindihan ang anak ko. He's doing something out of the line. Hindi ko alam bakit pinoproblema nya ang ibang tao," she continued.


      Wala akong ibang magawa kundi ang hawakan at haplosin ang kamay niyang nasa mesa. I gave her a worried look. Umiyak siya lalo.

      "I'm so sorry." Ipinatong niya ang isa pa niyang kamay sa kamay ko. "I'm sorry kung nasampal kita. Wala kang kasalanan. I'm really sorry." 


      Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Masyado na ring daming nagawa ni Grey para kay Elle. This should be the last. 

     "I will try and talk to Grey," I whispered giving her a reassuring look.


      We ended up crying on each other.


GREY

      "Touf!" tawag ko sa pinsan ko. Gusto ko lang hiramin sasakyan nya kasi tinago ng mom ko ang mga susi ko.

     I kept calling him pero walang sagot. Siguro ay wala siya sa bahay nila. Lumabas ang isa sa mga katulong nila sa bahay. Binuksan agad nito ang gate nang makitang parang nagmamadali ako. I'm still wearing my hospital gown. Napakunot pa nag noo niya nang makita ako.

     "Manang, si Touf po?" tanong ko agad.

      "Hindi ko alam, sir. Baka andun kay Jelica. Hindi na yun masyadong umuuwi," sabi nito.


      Jelica? Who's Jelica. I never heard that name before.

     Wala akong choice kundi umuwi na lang. Andun si dad sa bahay. He looked worried. Sa bukana palang ng pinto ay sinalubong na niya ako. Halos tumakbo pa nga siya.


      "Grey!" tawag niya sa akin with a worried tone.

      "Wala po ba kayong trabaho?" tanong ko dito.

      "Umuwi agad ako nang malaman anong ginawa mo," his voice went stern. He grabbed me by the arm. "Anak, kung may problema ka, pwede kang magpatulong sa amin. Wala ka man lang sinasabi sa amin tapos isang araw nalaman na lang namin na napahamak ka na," galit na siya. Huminga siya ng malalim at binitawan ako.


      "Dad, hindi na ako bata. Please, hayaan niyo akong sagipin si Elle," sabi ko sa kanya giving him that serious look on my face. Gusto kong malaman niya gaano ako kaseryoso.

      "But why? Hindi kita maintindihan. Elle is a stranger." Doon ako natahimik. 


      Nastatwa ako doon. Tinitimbang ang sarili ko. 

     Bakit? Bakit ko nga ba ito ginagawa?

      I thought about Elle, her face and her presence. I'm feeling something inside of me. It's not pity. It's something else. 


      Naalala ko bigla paano kami nagkakilala. Kahit sa dungis ng mukha niya ay alam ko paring maganda siya. She's an innocent girl that appreciates anything. Na-attach ako sa kanya during the process. Sa gitna ng paghihirap. We sacrifice each other's lives. I know this is confusing but one thing is for sure.

     "I think I love her, dad," I uttered leaving him in state of shock.



TakahashiKazumi2024

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon