🕈EPILOGO🕈

268 14 2
                                    

ELLE

     Mainit.

     Biglang naging mainit ang paligid. Pilit kong binuka ang mga mata para tignan saan galing ang init na iyon. Galing pala sa bubong ng mansion na kinakain na ng apoy. 

     Sunog?

     Bigla kong naalala ang panaginip ko nung nasa bahay ako ng tunay kong ina. Mapupulbos itong mansion. Naramdaman ko ang paggalaw ni Grey. Dahan dahan niya akong binubuhat kasama ng pagbangon niya. Ang ginaw na naramdaman namin kanina napalitan ng mga pawis.


     Dahil sa sunog ay naaaninag na namin ang isa't isa. Dahil sa pareho kaming may bali ay hindi na niya ako magawang buhatin. Pinaakbay na lamang niya ako at dinala ulit sa upuang sira sira na. May mga parte ng bubong na nahuhulog na kaya ay nagmadali na siyang maghanap ng madadaanan.

      "Tulong." Paos lang na boses nag lumalabas sa akin.


JUAQIN

     Dinala ko agad sa hospital si Ysabelle bago ako nagpunta sa presinto. 

     "Tulongan mo ako--" 

     "Ano pong nangyari?" tanong agad ng pulis.

     "May pinatay sa Yuan, pari," mabilis kong sagot.

     "Paano mo nalamang may pinatay?" 

     "Nakita ko mismo sa dalawang mga mata ko--"


     "Juaqin? Uy, nakalabas ka na pala?" sabat ng isa sa mga pulis na napadaan. Hindi ko siya pinansin dahil nagmamadali ako. Pinagmasdan ako nung unang pulis na kausap ko.

     "Nagmamadali ako. Pakiusap, tulongan mo ako--"

     "Yuan ang sabi mo diba? Diba yun ang dahilan bakit ka nakulong sa hospital? Bumalik na naman siguro ang sakit nito," pagputol nito sa akin.

     "Huhulaan ko. Hindi tao ang pumatay?" nanunuyang tanong nung isang pulis na sumabat kanina.

     Tumakbo na ako palabas. Wala akong mapapala sa kanila. Kung saan saang presinto ako nagpunta. Lahat sila kilala ako at hindi sila naniniwala sa akin.


     Hanggang sa hinuli na ulit ako't binalik nila sa hospital.

     "Wala akong sakit! Bitawan niyo ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas nang itali na ulit ako sa dating hospital bed na lagi akong nakatali. 

     Tatanda at mamamatay na ata ako sa kamang ito.


GREY

     Isang kamay nalang ang kaya kong gamitin upang gumawa ulit ng butas palabas.

     "Alejandra! Sagipin mo ang anak mong si Elle!" sigaw ko. Nagbabasakali akong sasagipin niya si Elle dahil ayaw niya itong mamatay. Ngunit kahit anong gawin ko ay wala siyang ginagawa. Siguro ay nawala na ang sense of danger niya dahil sa kinain na siya ng galit.


     Nagkasugat sugat na yung kamay ko pero patuloy lang ako sa kakahila nang pwede kong mahila. Masakit na rin ang paa ko sa kakasipa ng mga nakaharang. Lagi din akong nag-chicheck sa itaas para hindi ako mahulugan ng kung ano. Lumalaki na yung apoy at ramdam ko na ang sobrang init. 

🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon