🕈Kabanata 7🕈

288 23 25
                                    

Village Yuan, 7:30 AM

1 WEEK LATER

ELLE

     Bumalik ang katahimikan ng buhay ko.

      Hindi na siya nagpakita. Simula nung araw na iyon ay ginugulo na ako ng isip ko. Pilit kong inalala kailan ko nahawakan si mama. Wala. Wala akong maalala. Nasa sulok lang ako ng mansion naka-upong nakabaluktot. Yakap yakap ko ang mga tuhod ko habang nakatingin sa malayo.

     "Elle? Bakit parang balisa ka? Dapat masaya ka diba? Hindi ka na sinasaktan ng mama mo?" Sumulpot lang bigla si Gigi sa harap ng mga mata ko kaya nabaling sa kanya ang mga tingin ko.


     "Gigi, isa ako sa inyo diba?" tanong ko sa kanya. Tumingin ulit ako sa kawalan.

    "Oo naman." 

     Tumahimik ako. Abala ako sa kakaisip ng mga baga-bagay sa buhay ko. 

     Baka tama si Grey?

     Lahat ng kayang gawin ni Gigi hindi ko man lang magawa. Gaya ng pagsulpot sa kung saan saan. Lagi akong naglalakad samantalang siya kaya niyang lumutang sa hangin. 


     Ilang araw kong sinubok ang sarili ko gayong maayos na ang pakiramdam ko. Hindi ko pala talaga kayang lumutang sa ere, mawala ng parang bula, at marami pang iba. Naging tahimik ulit ang buong mansion. Nakayuko lang ako't nakatitig sa mga magagaspang kong mga kamay. Tela itsura ko lang ang nabibilang sa mga mamamayan ng Yuan.


     "Anak?" Nagulat ako kay mama. Bigla bigla na naman ang pagsulpot nya. Sanay naman ako pero malalim kasi ang iniisip ko ngayon kaya napatalon ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Yung mga mata nya halos hindi ko masabi kung nagkakatitigan ba talaga kami gayong sa sobrang lalim ng mga iyon ay maiitim na anino ng dilim ang nakikita ko. Hugis pabilog na anino na kahugis ng butas ng bungo.

     "Mama," mahina ang pagsambit ko sa pangalan niya. "Gusto kong---" Nanginig bigla ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung papayag siya sa gusto ko. Nakatayo lang siya doon, hinihintay ang sunod na pagbuka ng bibig ko. "--yakapin ka."


     Dumampi ang malamig na hangin sa mukha ko kasabay ang nakakabinging katahimikan. 


     "Si Mama nalang ang yayakap sa iyo." Ilang segundo pa ay nagsalita na siya sa wakas. Kailangan ko lang sana ng oo at hindi na sagot. Sa sinabi niya, ayaw nyang ako ang yumakap sa kanya. Akma na sana siyang yayakap sa akin kaso napansin nyang parang nanginginig ako.

     "Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso mo. Naiingayan si mama," komento niya.

     "Sabik lang po ako sa yakap ng mama," sabi ko naman at yumuko. Hinihintay ko ang yakap na hinihingi ko. 


     Lagi na lamang siya ang humahawak at yumayakap sa akin. Gusto ko sana na ngayon ako naman. Naramdaman ko ang malamig nyang katawan na dumikit sa akin. Hindi naman mahigpit ang yakap nya. Gusto ko sanang i-angat ang mga braso ko para higpitan ang yakap kaso takot ako. Parang may pwersa na pumipigil sa akin. Siguro takot na ako sa maaaring gawin ni mama sa akin. O takot ako sa katotohanang maaari kong malaman. 

     Bigla kong natanto ang isang bagay nang kumalas na siya. Binuka ko ang mga mata. Nakatayo parin ako sa gitna ng mansion.


🕈Tame Series Part1🕈 TAMING ELLE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon