Nung umagang iyon maaga pumasok si Mhel, nalagay na niya agad sa lamesa ang mga papeles na kailangan ng Boss niya sa table. At naayos na rin niya ang mga schedules ng meeting niya, niready na rin niya mga files na kailangan ipakita. Pag pasok ni Mathew sa office niya may kausap si Mhel, kaya hindi niya medyo napansin. Pag baba niya ng phone nakita niyang nakatingin lang sa kanya at nagiintay na matapos siya sa kausap.
"Ay sorry Sir" Tumayo siya. "Coffee Sir?" Tanung ni Mhel.
"Yes Please.." Tapos pumasok na sa office niya.
Kinakabahan siyang pumunta sa pantry at gumawa ng kape...Napapaisip pa rin siya kung bakit ganoon ang reaksiyon ng Boss niya? Iniisip na lang niya na baka naninibago lang.
Dinala niya sa office ang kape.
"Excuse me Sir, Ito na po ang coffee nila." At nilapag sa table ng Boss niya.
"Okay Mhel, ano ang schedules natin today? " Pagkatapos humigop sa kape na dala ni Mhel.
" Ay Sir kunin ko lang po Notebook ko.." nagmamadaling lumabas saglit na medyo parang patakbo.
Tiningnan siya ni Mathew at umiiling na nakangiti habang umiinum ng kape.
"Okay Sir ito nap o schedules nila today..." medyo nahihingal pa.
"Mhel parang medyo tense ka.. relaxs lang hindi ako nangangain... nakatulog ka na nga sa sofa ko sa bahay di ba?" Pabirong sabi ni Mathew.
"Heheehe Sorry po.." Nahihiyang sabi ni Mhel. At seryoso na nilang pinag usapan ang shedules ni Mathew.
May mga presentations na kailangan ipa revise sa mga brand managers, May letter din na kailangan i-rewrite. Maraming files na naipon ni Abby na kailangan i-file. Kailangan din iverify ang mga emails, letters na dumating. At pati bills na kailangan bayaran.
Mhel POV
Okay...okay.. sa nakikita ko marami akong gagawin ngayon... teka makagawa ng listahan... nilista ko lahat dun ang priority at hindi... at take note umabot ng dalawang page ng notebook ko. Inuna ko muna yung mga presentations, next emails, next nagbayad ng bills sinabay ko sa pag lunch out ko.(hay naman!!!) FILES.... Lang ya naman si Abby hindi nag file... tambak talaga... next reports ko.. (buti na lang at hanggang 3:00 pm puno ang schedule ni Boss kaya hindi masyadong nangulit. Pwera na lang pag may bisitang kukunin sa lobby at pagtitimpla ng kape. Mga bandang 3:30 pm nag break muna ako sa pantry...
Nakita ako ni Rica yung secretary ni Sir James at tinatanung kung okay lang ako.. at may kaunting moral support pa...Pero umalis din agad kasi nagtimpla lang siya ng kape.
Umupo ako sa isang upuan at habang nakasandal sa bintana habang nagkakape.Salamat sa magandang view at sa kape dahil kumalma ako.
Pag dating sa table ko, inumpisahan ko naman ang mga pinadalang letters at invitation.
Nakita ko yung isang pulang envelope maganda ang pagkakagawa at may puting ribbon pa.
To : Mathew Saavedra
Binuksan ko ito. at nakita ko na isang Cocktail party sa isang Five Star Hotel. Iniimbitahan siyang pumunta para sa launching ng isang bagong product.
Bigla kung naalala yung schedule namin na pupuntahan na event next week.. ito na yun...Cocktail Party..
Sa kakaisip ko sa event habang nakatingin sa invitation hindi ko namanlayan na tumatawag na pala siya sa trunkline ko.
"Hello Sir sorry po, Yes Sir?" Sagot ko sa tawag
"Mhel pakihatid naman sila sa lobby.. Thanks" Pagbaba ng tawag nakita ni Mhel na tumayo siya sa table niya at kinamayan ang mga bisita. Hinatid hanggang sa pintuan ng kwarto niya. Binuksan kasi ni Mathew ang Blinds ng opisina niya.
BINABASA MO ANG
Can I fall in love again?
RomanceAcceptance... Healing wounds... Moving on... and Falling in LOVE again... Sabi nila LOVE don't hurt us. The people who don't know how to love hurt us. Si Mathew na ba ito para kay Melody? Handa na ba siyang umibig ulit? Kahit na alam niyang maari ul...