Bukas na ang outing...
Umaga pa lang busy na sila Mhel, nag assign na siya ng kung sinu ang mauuna sa Batangas at sinu ang sasabay sa bus na nirentahan nila para sa mga empleyado at sa mga pamilya na sinama nila.
Isasama ni Mhel si Naty sa outing para hindi naman siya masyadong mahirapan sa mga bata. Actually hanggang 2 lang kasi ang pwedeng isama na pamilya pero since mga bata pa naman ang mga anak niya hindi pa counted ito.
Kasama si Mhel sa mauuna sa Batangas kaya sinabihan niya si Naty na ihanda na ang mga kailangan nila kasi, sasabay na lang sila kay Justin isa ring committee may dala kasi siyang van para sa mga props.
"Mhel, harass na ang lola mo ah?" sabi sa kanya ni Abby habang nasa pantry at nag break ng 3:00pm
"Oo nga e.. uuwi na rin ako maya maya kasama ko si Justin byahe na kami ng Batangas mamaya." Sabi naman ni Mhel medyo nagmamadali na ubusin ang kape.
"Pupunta rin pala si Sir James, narinig ko silang naguusap ni Sir Mathew sa phone." Sabi naman ni Rica secretary ni James
"Ahh ganun ba? " pagtataka naman ni Abby
"Hmm hindi sinabi ni Sir Mathew na sasama si Sir James, pero tingin ko naman okay lang naman yun kasi resthouse naman nila iyun." Sabi ni Mhel habang minamadali pa rin ang pag-inum ng kape.
"Mauna na ako.. " alis ni Mhel
"Okay..." sabi naman ng dalawa sa kanya.
Pag balik niya sa table niya nakita niya si Justin na hinahanap siya.
"Mam aalis tayo ng mga bandang 4:00 gagabihin tayo sa byahe? Sabi Justin sa kanya na medyo nag aalala."
" E di ngayon na tayo umalis?" tatawagan ko na lang ang mga bata na ayusin na nila ang gamit nila." Sabi ni Mhel na dinadial na ang phone niya.
"Hello Naty? Inayos ko na yung ibang gamit diyan, pa pa asikaso na lang ang mga bata paalis n kami dito." Sabi ni Mhel kay Naty sa phone
"Isasama mo na ang mga bata papunta ngayong gabi? Baka ma stress yung mga yun?" sabi ng lalakeng boses sa kanya.
"Ay Sir Mathew, Good Afternoon po!" sabi ni Mhel na nagulat na nasa likod na pala niya
"Okay lang naman po yun Sir kasi matutulog naman lang sila sa byahe." Sabi ni Mhel habang inaayos na niya ang mga gamit paalis.
Tiningnan ni Mathew ang relo,
"Kaya pala ako pumunta dito kasi, may mga visitors tayo sa outing. Since kailangan ng judges pinapapunta ko sila James." Sani ni Mathew
"Okay Sir!" habang suot na niya ang bag niya at nakaharap na lang siya kay Mathew.
"And by the way... tapusin ko lang yung skype meeting ko. susunod na ako dun para mag mag-aassist sa inyo dun." Sabi ni Mathew na tiningnan ulit ang relo.
"Sir hindi naman po kailangan kasi nandun naman po sila Kuya (yung caretaker) kaya wala naman po siguro magiging problema." Sabi ulit ni Mhel na halatang nagmamadali.
"Good Afternoon Sir Mathew, Mam Mhel alis na po tayo?" sabi ni Justin na nahihiyang istorbohin ang dalawa naguusap.
"Sir alis na po kami." Sabi ni Mhel
'Okay, I'll call you once na nasa byahe na ako" sabi ni Mathew na umalis na rin
Buti na lang at medyo hindi traffic nung oras na iyun, kaya nakarating agad sila ng Antipolo... pero nung papunta na ng Batangas yun na traffic na...
BINABASA MO ANG
Can I fall in love again?
Roman d'amourAcceptance... Healing wounds... Moving on... and Falling in LOVE again... Sabi nila LOVE don't hurt us. The people who don't know how to love hurt us. Si Mathew na ba ito para kay Melody? Handa na ba siyang umibig ulit? Kahit na alam niyang maari ul...