Naging busy ang buong linggo ni Mhel sa trabaho, maraming meeting at event na aasikasuhin lalo na sa parating na Family Day ng company at since isa siya sa Committee at kailangan nilang makahanap ng lugar para sa event.
Hanggang sa nakarating sila sa isang amusement park, at pinayagan din silang gamitin ang gathering hall nito.
"Mukhang okay naman dito Ms. Mhel." sabi ni Mia habang umupu sa isa sa mga bench na nandun.
"Atsaka malaki ang space for the games. Pwede natin ilagay dito yung food tapos yung tent doon." Habang nagtuturo si Justin.
Samantalang si Mhel medyo lutang... Isang linggo na kasing hindi man lang tumatawag si Mathew.Parati niyang chinecheck ang viber kahit message man lang wala siyang natatanggap.
"Ma'm??? okay ka lang po ba?" sabay hawak kay Mhel sa balikat ni Mia.
"Ahhh.. ehhh... Okay naman ako... may iniisip lang..." sabi ni Mhel
"Mukhang may lovelife na si Mam ah??? Siya ba yung nagbigay ng flowers??? Uy..." pang aasar ni Mia.
"Hindi..heheheh.. work related to. Wait kausapin ko yung naka assign sa lugar na ito kung magkano." Sabi ni Mhel at naglakad na papunta ng Admin.
Nakabalik na sila ng office pero si Mhel si Mathew pa rin ang iniisip kung bakit wala man lang tawag sa kanya.
Mhel POV
Ano ba naman yan Mhel??? pwede ba trabaho muna... eh ano naman kung hindi ka tinatawagan ni Mathew? Bakit girlfriend ka ba niya? Hindi naman di ba?? Assumera ka na naman...
Masama ba na mag-alala? Tawagan ko kaya? Baka may meeting? I message ko na lang kaya? Ano naman ang sasabihin ko? Kamusta? – jologs, Kamusta naman ang weather diyan sa Australia? – parang papansin naman ako,
Hay naku... ang hirap talaga...baka isipin niya finiflirt ko siya? Huwag na lang...
"Hoy Mhel...nanaginip ka ng gising???" natatawang sabi ni Abby sa kanya.
"Ay nandiyan ka pala, Bakit?" medyo nagulat na sabi ni Mhel.
"Tumawag si Sir Mathew sa akin, sabi niya sabihin saiyo na gumawa ng Testimony para sa annulment mo?" medyo patanung na sabi ni Abby sa kanya.
"Ahh ganun ba, pasabi sige gagawa ako salamat.." halatang pilit na ngiti ni Mhel kay Abby.
"Okay...sige tuloy muna panaginip mo..hehehehe joke" pang aasar ni Abby sa kanya.
Natatawang kunwari ay hahampasin si Abby ni Mhel ng folder. At natatawang umalis si Abby.
Halatang na disappoint si Mhel.. kanina pa siya naghihintay ng tawag o text ,tapos yung sasabihin sa kanya ni Mathew pinasabi pa sa iba?
Mhel POV
Bakit ba pag si Mathew nagiging rollercoaster talaga ang feelings ko sa kanya??? Minsan ang sweet niya, minsan naman isnabero? Kakainis....
Kasi... Mhel... magising ka kasi...
At tinuloy na niya ulit ang ginagawa niyang trabaho.
Mga bandang 4pm natapos na niya ang mga gagawin niya, kaya nag decide na siyang gumawa na lang testimony para sa annulment process niya.
Nung una, hindi niya alam kung saan niya uumpisahan.. naisip niya na umpisahan sa unang pagkikita nila at sa masasayang mga bagay na nagpagdaanan nila since pwede naman I cut iyon ng attorney just in case na hindi naman kailangan. Tapos inumpisahan na niya ang mga mga bagay na nakasira ng kanilang pagsasama nila... at habang tintype niya ito sa laptop unti unting bumabalik sa alaala niya ang lahat at sakit.
BINABASA MO ANG
Can I fall in love again?
RomanceAcceptance... Healing wounds... Moving on... and Falling in LOVE again... Sabi nila LOVE don't hurt us. The people who don't know how to love hurt us. Si Mathew na ba ito para kay Melody? Handa na ba siyang umibig ulit? Kahit na alam niyang maari ul...