After that event naging mas nakilala ni Mhel ang amo at ganun din si Mathew, mas naging madali na sa kanila kasi hindi na sila medyo nagkakapaan ng ugali.
Alam na ni Mhel kung kalian siya bibigyan ng kape, anung timpla nito, pag na stress ang amo bibigyan niya ng malamig na malamig na tubig with positive quotes (Tapos mapapangiti itong si Mathew) , mga files na kailangan iaayos bago siya dumating. Minsan hindi nila napapansin na medyo nagiging concern sila sa isa't isa na napapansin na ng ibang staff sa office like.
Pag bibili ng coffee si Boss Mathew dalawa na parati Mathew and Mhel, kahit sa meryenda parating may part si Mhel, Nung minsan na nalate si Mhel pumasok, e ayaw nga ni Mathew yun, although nagtext naman siya kasi may lagnat ang anak niya. Pag pasok niya may pinaayos lang sa kanya tapos pinauwi na rin siya agad para maasikaso niya ang anak niya, nagtanung pa nga kung kailangan dalhin sa ospital? Pero sabi ni Mhel okay lang mild lang naman.
O kaya may out of office siyang meeting na isasama si Mhel, After nun ihahatid siya pauwi ng bahay nila.
Natapos ang isang buwan....Habang nasa bahay si Mhel, nag skype si Abby kay Mhel na hindi nag work out ang pag punta niya sa Canada, babalik na daw siya..
Nalungkot si Mhel para kay Abby... pero dun nga ba siya nalungkot??? O kasi matatapos na ang pagpapanggap ni Mhel?...
Kinaumagahan...
"Good Morning Sir" bati ni Mhel sa amo habang tinutulungan sa mga buhat nito.
"Good Morning, May bisita ako mamaya sorry late kasi nag advice kaya bumili na lang ako ng food na papakain natin tapos may coffee na rin diyan tayo. Hindi sila nag cocoffee, tea lang yun kaya bumili na rin ako." Paliwanag ni Mathew
"Okay Sir!" Sabi ni Mhel habang inaayos na ang pagkain para sa darating na bisita.
Dumating na ang mga bisita ni Mathew. Dun lang napansin ni Mhel na parang Family Meeting ata ito. Dumating si James at ang Father niya, yung isang kapatid ni James at may isang magandang may edad nan a babae na kastilain ang hitsura, ang mommy ni Mathew
Pinakilala ni Mathew si Mhel sa mga bisita tapos ay pumasok sila sa conference room. Dinala na lang ni Mhel ang mga pagkain dun at nagtimpla ng tea para sa Daddy ni James at Mommy ni Mathew. Napansin ni Mhel na seryoso si James kaya hindi na niya masyado pinansin.
Natapos ang meeting nila before lunch time at nauna umalis si James, tapos yung Father at kapatin ni James, sumunod ang Mommy ni Mathew, hinatid pa ni Mathew sa elevator ang Mommy niya, Na medyo nagtaka si Mhel kasi bakit parang hindi ganoon ka close si Mathew sa Mommy niya, nakaupo lang si Mhel sa workstation niya. Pumasok si Mathew sa loob ng office niya at nagsara ng pinto. Atsaka pumasok si Mhel sa conference room para linisin ang kalat dun.
Lunch time na pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Mathew, naka sara naman ang blinds kaya hindi alam ni Mhel kung anu gagawin.
Nilakasan ni Mhel loob niya at tinext niya ang amo.
Mhel: Sir gud am, magpapaalam lang po ako labas lang ko mag lunch.
Siguro mga 15 mins sumagot....
Mathew: Ok
Mhel POV
Palabas na ako ng office pero napapaisip pa rin ako sa reaction ng amo ko ngayon, parang hindi maganda ang kinalabasan ng meeting nila, Hay naku Mhel... anu ka ba... problema mo pa ba yun???
Nakarating na ako sa isang fast food chain at napaisip ako ng bibilhin...naisip kung bumili ng 2 set ng Cheese burger, Large Fries at dalawang sundae vanilla. Ito kasi ang comfort food ko. Anu ba naisip ko at dalawa binili ko... para namang mabibigay ko ito sa kanya....
BINABASA MO ANG
Can I fall in love again?
RomanceAcceptance... Healing wounds... Moving on... and Falling in LOVE again... Sabi nila LOVE don't hurt us. The people who don't know how to love hurt us. Si Mathew na ba ito para kay Melody? Handa na ba siyang umibig ulit? Kahit na alam niyang maari ul...