Chapter Twenty Two

24 0 0
                                    


Kinaumagahan, pinag meetingan na ng Committee ang gaganapin sa Family Day. At approved naman kay Mathew ang lugar, ang program at nung tinanung kung kailan ito gaganapin at sinabi nilang next month.

"Siguro mas agahan natin, mga 3 weeks from now? Pwede ba? Magiging busy na kasi ang Committee Head ninyo next month kaya dapat mas agahan natin. Right Mhel? " tanong ni Mathew kay Mhel na medyo seryoso.

Tumango si Mhel "Sige Sir ayusin na lang naming yung mga dapat gawin ng mas maaga." Pag sang ayon ni Mhel sa amo.

"Okay... so final na yan, iemail mo na lang yung final schedule at sa payables iimail ninyo muna kay Abby for the arrangement of payments para sa finance. You can all go now." Sabi ni Mathew.

At nung patayo na silang tatlo Mhel, Mia at Justin.

"Oh Mhel, iwan ka muna saglit may ididiscuss lang ako." Sabi ni Mathew.

"Ahh Okay Sir..." At umupo ulit si Mhel.

May kinuha si Mathew sa drawer ng table niya.

"Mhel???" mahinang sabi ni Mathew sa kaharap.

"Yess Sir?" sabi ni Mhel na medyo nahihiyang pang tumingin sa amo.

"Mhel... I need to confess to you.." at inabot ang isang brown envelope.

Kinuha ni Mhel ito na may pagtataka.

Habang isa isa ni Mhel na nakita ang laman.

"Nagpa investigate ako...para makatulong saiyo at kay Atty. Angeles para sa kaso. " mahinang pagpapaliwanag ni Mathew sa kausap.

Habang si Mhel naman ay unti unting tumutulo ang luha ng tahimik lalo na ng makita niya ang family picture nila, mga pictures nila nung college pa sila. Parang bumabalik ulit kay Mhel lahat.

"Mhel plano kung ibigay ito mamayang gabi kay Atty. Angeles pero naisip ko na ipaalam ko muna saiyo at kung papayag ka ibigay ko ito." Paliwanag ulit ni Mathew na nakatingin kay Mhel na umiiyak.

"Mhel?" pagaalala ni Mathew sa kausap niya na umiiyak.

"Abby.. no calls and visitors muna, okay?" sabi ni Mathew sa intercon kay Abby.

Tumayo si Mathew at lumapit kay Mhel kinuha ang isang box ng tissue at binigay kay Mhel.

"I'm really sorry... Shhhh....you can do this okay..." habang hinimas ang likod ni Mhel para patahanin ito.

Lumapit si Mhel kay Mathew at yumakap ito. Habang umiiyak.

Medyo nagulat si Mathew sa yumakap sa kanya.

Pero nung kayakap niya ito nakaramdaman niya ang paglakas ng kabog ng dibdib niya, na medyo natakot siya, pero pagkatapos ng ilang minuto masarap na pakiramdam na ang naramdaman niya, para ayaw na niya bitawan ang babaeng kayakap niya.

Bumitaw si Mhel, nung maalala na nasa office siya at Boss niya ang kausap niya.

"I'm really really sorry Sir, na carried away lang ako... Sorry po talaga.." habang lumayo si Mhel sa pakakayakap.

"Okay lang Mhel... " nung nahimas masan din siya

Bumalik si Mathew sa table niya at umupo.

"Mayroon pa...may isa pa akong ipapakita" At kinuha niya ang xerox ng medical records ni Arnold at inabot kay Mhel habang tinitingnan ni Mathew ang reaksiyon ni Mhel sa ibibigay.

Tahimik na binabasa ni Mhel ang records habang umiiyak na naman siya.

"Mhel????"

"Kaya pala minamadali nila ang annulment... at buntis si Jean.... Kailan pa niya nalaman na may sakit siya." umiiyak si Mhel habang nag iisip nag faflash back ang ang araw na naguusap sila ni Arnold.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can I fall in love again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon