James POV
Pinaandar ko na ang sasakyan ko pero nakatingin pa rin ako sa side mirror ng sasakyan ko habang umaakyat si Mhel ng MRT
Flashback..
Naalala ko nung una kung makita si Melody Arnaiz, First day ng orientation ng mga MedRep nun. Pinakilala siya na Trade Marketing Assistant.
Simple ang Ganda niya, mukhang matalino the way she speak and explain things. Mula dun nagkaroon ako ng interres sa kanya.
"Pre.. type mo si Mhel nu? Gusto ko rin kasi siya e"Sabi nung isa pang Medrep na kasama ko. Habang pareho kaming nakatingin sa glass door ng department nila.
Tiningnan ko siya at mukhang seryoso naman siya
"May Boyfriend na yan.. si Arnold" Halos araw –araw nandito yun sa pagkakaalam ko may plano ng magpakasal silang dalawa." Sayang naunahan tayo.. hehehe
"Ang swerte niya kay Mhel" sabi pa niya.
Tumango na lang ako dahil totoo naman.
May tumatawag sa phone ko.. Si Mathew...
Yes, Mat..
Yes I already read that.. I also sent you my recommendations.
Okay, I'll check na lang pag-uwi ko.
Bye.
At binanaba ko na ang phone ko.
Mhel POV
"Hay Salamat! Naka uwi din, Kuya!... Asha!..." Medyo malakas ang boses ko para malaman ko kung nasan slla banda ng bahay...
"Mommy..." Sigaw ng mga bata habang pababa ng hagdan at inaalalayan ni Naty.
Sinalubong ko at pinupog ako ng halik at yakap.. Nakakatanggal ng pagod..
"Akyat muna si Mommy para mag change ng clothes." Sabi ni Naty sa mga bata. Habang ako paakyat ng hagdan.
Sabay sabay na kami kumain ng hapunan at nagkwentuhan.
"Bukas pupunta kayo kila Lolo ha?" Paliwanag ko sa mga bata "Namimis na kayo nila e." paliwanag ko
"Kasama ka diba Mommy?" tanong ni Atasha, Tiningnan ako ni Naty
" Kasama ako..." Sabi ni Naty
"Dun tayo ng weekend kasama si Tita Naty, Pero babalik si Mommy dito kasi may work na si Mommy" Paliwanag ko habang tinitingnan ko ang reaksiyon ni Atasha.
"Mommy? Matagal ba kami dun?" Tanung ni Andrei
"Hindi naman matagal na matagal" sabi ko.
"Mommy Promise?" Sabi ni Atasaha na mag pipinky swear sa akin.
"Hahaha OO naman" At inilapit ko ang kamay para sa pinky swear.
Nakarating na kami sa bahay ng Parents at nagmamadaling bumaba sa taxi si Andrei.
"Lolo!.." paglabas ni Andrei sa sasakyan at sinalubong ng Papa ko.
"Kamusta na ang apo ko? sabi ng Papa ko." habang nag mamano si Andrei sa kanya.
"Lolo mamaya laro tayo" sabi ni Andrei
"Syempre naman" sabi ng Papa KO
Lumapit si Atasha sa lolo niya at nagmano.
"Bakit parang malungkot ang baby namin?" Sabay yuko sa apo para makita ang hitsura ng apo.
"Paano po kasi gusto niya dito rin ako mag stay.." paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Can I fall in love again?
RomanceAcceptance... Healing wounds... Moving on... and Falling in LOVE again... Sabi nila LOVE don't hurt us. The people who don't know how to love hurt us. Si Mathew na ba ito para kay Melody? Handa na ba siyang umibig ulit? Kahit na alam niyang maari ul...