Chapter Thirteen

8 0 0
                                    


"Mhel....na miss kita....grabe..." mataas na boses n Abby sa may lobby ng SBW nung nagsabay sila ni Mhel na paakyat sa office nila with yakap pa

"Hay salamat naman nu, nakabalik ka na, nakaka stress buhay ko nu..." nakangiti na sabi ni Mhel.

"Tatawagan nga sana kita kagabi kaya lang gusto ko na masorprise ka e." excited ni Abby

"Mamaya na tayo magkwentuhan, lunch time." Sabi ni Mhel, habang papalapit na sila sa workstations nila.

Maya maya ay dumating na si Mathew, at pinatawag si Abby at Mhel para mag turnover ulit si Mhel kay Abby ng mga trabaho.

Pagkatapos ay lumabas na sila at naka pwesto na ang dalawang babae sa workstation ni Abby para ipagpatuloy ang pag turnover.

"Aaalis na pala si Marge." Balita ni Mhel kay Abby

"Talaga? May papalit na ba sa position niya?" tanung ni Abby

"Wala pang sinasabi pero nung nakaaraang araw nag meeting si Boss Mathew at Ma'am Vanessa" kwento ni Mhel.

Nakapag kwento si Abby sa nangyari sa kanya sa Canada, nung una naging okay naman daw ang pagsasama nila plano na nga nila na dun na mag stay si Abby. Pero nung nalaman ng magulang ng boyfriend/fiancé ng lalake ay umayaw ang mga magulang nito, pero pinaglaban naman siya nung lalake, at wala naman nagawa ang mga ito, Mayaman pala kasi ang fiancé ni Abby at hindi niya alam na mayaman ito.

Pero sa katagalan dun nila nalaman ang differences nila, nung una parati silang nag aadjust sa mga differences nila, nagkakaayos din naman at bati ulit pero there was a big fight nung umuwi daw boyfriend niyang mag lipstick ang damit, habang nagkwekwento si Abby medyo maiyak iyak, kaya sinabi ni Abby na uwi na lang siya para lumamig muna ang sitwasyon, pero binalik niya ang singsing.

Medyo napatigil sila ng biglang tumunog ang intercon ni Abby, si Sir Mathew ang nasa line.

"Yes Sir" Sagot ni Abby ni loud speaker niya

"Abby please bring me the contracts hardcopy of Yamanida Group, I need to check it first. Thanks," utos ng amo

"Okay Sir" Sagot ni Abby.

"Saglit lang kunin ko muna ha," medyo bumalik sa wisyo si Abby habang tumayo para pumunta sa filing cabinet

"Okay" Nakangiti sabi ni Mhel na para medyo gumanda ang mood ni Abby

Hindi na muna inopen ni Mhel ang tungkol sa nangyari kay Abby dun sa Canada, hindi na muna niya kinausap kasi baka umiyak na ulit.

Nag turnover muna sila tapos nung lunch pinakwentuhan nila ang mga balita/ tsismis na hindi nasagap ni Abby nung wala siya. Nang lunch sila na kasama ni Rica secretary ni James.

Natapos naman ng maayos ang araw,mga bandang 3:00 pm nag send ng email ang HR Department sa lahat ng employees ng Consumer Healthcare Department na may meeting sa makalawa ng 9:00 am, parehong nareceive ni Abby at Mhel ito.

Mga bandang 6:00 pm na nila natapos ang lahat ng mga kailangang iturnover.

"Tapos na ba kayo?" Tanung ni Mathew sa kanilang dalawa.

"Yes Sir, tapos na po. Pauwi na po ba sila?" Tanung ni Abby

"Yup, mag liligpit na lang ako, sabay na kayo sa akin hanggang MRT. Wait lang ayusin ko lang gamit ko." Sabay balik sa office niya si Mathew

"Ang bait ng amo natin ah!, Ano nakain nun? " nakangiting sabi ni Abby.

Hindi umimik si Mhel, pakiramdam niya kasi pag ganyan na nag eeffort na naman si Mathew may plano na naman na sabihin ito.

Can I fall in love again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon