Chapter Six

17 0 0
                                    

Natapos na yung event ng bandang 3:00 pm. At since nag aayos pa sila, nagkaroon ako ng chance na umikot-ikot sa University, Dumaan ako sa Hallway na pinatatambayan ko dati, dumaan din ako sa Library at nakilala pa ko ng Librarian. Dumaan ako sa maintenance room baka kasi may mga dating janitor pa na nagtratrabaho pa rin dito at merun pa nga yung iba mga anak na nila yung pumalit.

May tumatawag sa cellphone ko, Si Abby sinabi lang niya na asper instructions ni Sir Saavedra, kay Sir ako sasabay kasi yung sasakyan niya ang gagamitin ng ibang staff pabalik.

Bumalik na ako sa Hall at paalis na sila Abby, Pinipilit ko nga na baka magkasya naman.

Nagring ring ang cellphone ko si Sir Mathew;

Mhel: Yes Sir Good Afternoon

Sir Mathew: Yes Good Afternoon, Mhel sa akin ka na lang sumabay kasi baka maligaw ako palabas. Naligaw kasi ako kanina eh. May ifinal interview lang ako.

Mhel: Okay Sir. Tawagan na lang po nila ako pag okay napo.

Sir Mathew: Thanks, Bye

End call

Bumalik ako sa Library

Nagbasa basa muna ako dun,

Siguro mga 4:30 na hindi pa rin nag tetext or tawag si Boss

Pumunta na ako sa Admin Office kasi dun siya nag iinterview at sabi ni Mrs. Ong hindi pa rin tapos. Mga 25 possible scholars kasi yun.

Naisip ko kung mauna na kaya ako. Tinext ko si Abby kung nasa office pa sila. Oo daw baka mga seven pa sila uuwi kasi inaayos pa nila yung mga naiwan na trabaho.

Kalokah.. ito na nararamdaman ko na yung sinasabi nila na Hindi sila umuuwi ng hindi tapos ang trabaho.

5:30 pm nakaupo ako sa labas ng Admin office may mga bench dun. My god ganitung ganito din yung nangyari sa akin nung nag apply ako ha…talaga naman….

Mag nagtext sa akin:

Hi Mhel, wait lng malapit na ito. Nandyan ka pa ba?  - Sir Mathew

Nireplayan ko:

Yes Sir andito pa po ako. Sige po hintayin ko na lang po kau.

GRRRR… (inip mode)

Tinawagan ko mga bata kung anu ang ginagawa nila kaya medyo nawala ang inip ko, nagkwento sila nga mga ginawa nila buong araw.

6:03 pm nung nakita ko siya na lumabas siya ng office.

(Thank you Lord)

Habang pasakay na kami sa kotse niya. “Sorry ha? Masyadong maraming gustong kumuha ng scholarships, Masyado na kasing maraming qualified para dun kailangan pag aralang mabuti.” Paliwanag niya.

“Okay lang po sir.”Sabi ko.

“Teka may masarap bang kainan ditto? Gutom na kasi ako.” Sabi niya habang pinapaandar na niya ang kotse.

“Opo sir hindi nga lang ako sigurado kung bukas pa iyun pero subukan po natin”Sabi ko at sa isip isip ko gutom na rin naman ako sa kakahintay.

Tinuro ko ang daan papaunta sa maliit na restaurant nila Mang Kanor, At nagulat ako na mas malaki na ito ngayon at Mas maraming tao ngayon ang dumadayo naghanap pa kami ng pag paparkingan.

“Tago ang lugar na ito pero mukhang masarap pagkain dito kasi maraming dumadayo.” Sabi ni Boss. Habang nakakuha na kami ng pwesto ng pagpaparkan.

“Madala po ako dito nung college ako at maliit na restaurant lang ito dati. Sana kilala pa rin ako nila Mang Kanor.” Sabi ko habang pababa kami ng kotse.

Can I fall in love again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon